Chapter 7.1

143 4 1
                                    

Maliit lamang ang apartment na may pandalawahang silid. Sapat ang pang-isahang kama, isang electric fan, kabinet, at mesa sa isang kuwarto. Ang sala ay karugtong kaagad ng kusina. Tama lang sa amin ito ni Aida. Kaya ngayong nakatayo sa harapan ko ang matangkad at matipunong si Rafael ay tila naging napakasikip ng lugar. Kuyom ang mga palad niya habang tila binabasa kung seryoso ba ako sa sinabi ko o nagpapatawa.
Subalit saksi ang mga luha ko kung gaano ako kaseryoso ngayon. Pinahid ko ng mga daliri ang mga luhang iyon.
Umiwas ng tingin si Rafael. "Hindi papayag si Toby..."
"Naduduwag ka kay Toby?" hamon ko sa kaniya.
Muli niya akong binalingan. "Masasaktan ka lang!"
"Bakit? Ga'no ba kalaki 'yang sa 'yo para masaktan ako?" sigaw ko.
Nanlaki ang mga mata niya. Sino ang hindi magugulat? Hindi naman ako ganitong magsalita.
Bumaba ang tinig ko, "S-Sasaktan mo ba 'ko, Rafael? A-Ayaw mo ba sa 'kin?" Nanginig ang boses ko.
Hindi ako makapaniwala na nakikiusap ako kay Rafael nang ganito. Hindi ko rin alam kung bakit umuukilkil sa utak ko ang lahat ng payo ni Aida na alam ko naman na mali. Marami namang ibang paraan. Ang gusto ko lang ay mapatunayan kay Toby na nagkamali siya sa pag-iwan sa akin. Gusto kong ipamukha sa kaniya na hindi ako tanga pagdating sa pakikipagtalik.
Napamura ako sa isip ko. Walang muwang o isang tanga ang tingin sa akin ni Toby. Tingin din niya sa akin ay maramot ako dahil ipinagdamot ko ang sarili kong katawan sa kaniya.
Pero bakit ko nga ba pinili si Rafael? Matalik siyang kaibigan ni Toby. Kung may mangyari sa amin, hindi ba mas masakit iyon para kay Toby? Mas sampal iyon sa ipinagyayabang na ego niya.
"Sabagay..." Mapakla akong tumawa. "Okay lang naman kung hindi ka pumayag. Marami namang iba riyan..."
"Damn it, Maze! Stop!" Rafael retorted.
Ngunit nagpatuloy pa rin ako. "May iba pa riyan na papayag para hawakan ang katawan ko. Para halikan ako. Papayag sila dahil wala namang commitment ito..."
Nakita kong humakbang siya palapit sa akin.
"Walang emosyon..." matapang na sabi ko pa. "Pansamantala lang." Napapikit ako nang tumama ang paa ko sa kaniya. Sobrang lapit na niya at parang hindi na ako makahinga.
Iniangat ni Rafael ang panga ko. "Hindi mo alam itong pinapasok mo, Maze. Galit ka lang kaya mo nasabi ang mga iyan," usal niya.
Sinalubong ko ang mga mata niya. "Oo, galit ako. Pero alam ko ang lahat ng sinasabi ko."
Hinawi ni Rafael ang buhok na nakatabing sa mukha ko. "Uulitin ko, ayaw ko ng relasyon. Hindi kita kayang alagaan. Baka hindi ako ang hanap mo," marahang sabi ni Rafael. Tumaas-baba ang kaniyang lalagukan.
"Huwag mo 'kong turuan at utusan na layuan ka. Siguro nga, hindi mo 'ko maaalagaan. Siguro nga, hindi ikaw ang hanap ko. Pero kaya mong gawin ang gusto ko. Ang hanap ng katawan ko..." Ibig umurong ng dila ko subalit pinanatili ko ang tapang habang may natitira pa. "Diretsahan. Walang ligoy. Walang pangako. Basta maramdaman ko lang na—" Natigilan ako dahil muling pumatak ang mga luha ko. Suminghot ako. "M-Maramdaman ko lang na may isang lalaking nagpapahalaga sa 'kin. Iyong kaya niyang iparamdam sa 'kin na kailangan din niya ako. Kahit turuan lang, kahit sa kama lang... kahit sandali lang. Teach me. Use me..."

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon