Chapter 5.1

231 5 2
                                    

Kahit gaano kalamig ang paligid, ang init ng labi ni Rafael ay tila apoy na nagpasiklab sa buo kong katawan. Ang titig niya ay tumatagos hanggang sa aking kalamnan.

"R-Rafael..." anas ko.

"Hindi ko kaya na makita kang napapagod..." sambit niya.

Nanghinayang ako nang bitiwan na niya ang kamay ko kasunod ng mga salitang nakaiinsulto. "Ano na lang ang sasabihin sa akin ni Toby?"

Toby? Si Toby pala ang inaalala niya.

Nagngalit ang panga ko. Hanggang ngayon pala ay kinokonsidera pa rin niya ang matalik niyang kaibigan. Ganoon nga pala sila kadikit.

Alam ba ni Rafael kung paano kami naghiwalay ni Toby? Alam ba niya ang dahilan kaya ako iniwan ng taksil na iyon?

Ganoon pala. Ayaw ako rito ni Rafael.

Ayaw niya na magtrabaho ako sa lintek niyang hotel na ito. Ayaw niya, dahil kay Toby. Simple lang naman pala, bakit nililigoy pa niya?

Sa madaling salita... ay ayaw niya sa 'kin!

Sisiklab sigurado ang kahit anong bagay na madikit sa katawan ko dahil sa init ng ulo ko. Sinubukan kong kumalma. Tanungin ang sarili kung tama ba na kay Rafael ako lumapit. Kahit siguro sundin ko ang payo ni Aida ay walang mangyayari. Rafael does not want me.

Ang mga nakita ko, ang mga nabasa ko sa kaniyang mga mata ay pawang kasinungalingan lang. There was no feeling. No desire. Kung mayroon man, panandalian lamang. Katulad ng isang bula na kaydaling naglaho.

"M-Maze—"

Hindi ko pinatapos si Rafael sa sasabihin niya. "Masarap ka bang humalik, Rafael?" tanong ko habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Kumunot agad ang noo niya. Umaalon sa galit ang dibdib ko. "Magaling ka ba sa kama? Kaya mo ba akong paligayahin?" Kung hindi, iiwan kita. Ayaw ko sa walang alam!

Bawat salita, bawat bigkas, bumabalik sa akin ang lahat. Dahil iyon na iyon ang mga binitiwan noon ni Toby. Daig ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa. Sobrang sakit, sobrang nakaiinsulto, sobrang liit ang tingin sa akin ni Toby. Ngunit tumanggi pa rin ako. Sabi ko, maghintay siya. Pero hindi raw niya ako kayang hintayin at mahalin kung mananatili ako sa prinsipyo kong baluktot. Babalik lamang siya sa akin kapag natuto na ako. At habang wala ako, doon muna siya sa bago niya. Doon muna siya magpapakaligaya.
Sa sobrang inis ko kay Toby ay hindi ko na napigilan na murahin siya sa aking isip nang paulit-ulit. Nagsisisi ako na nahulog ako sa kaniya. Wala siyang puso. Sana, hindi naging kami. Sana, hindi bumabalik sa 'kin ngayon ang lahat ng pang-iinsulto niya.

Hindi ko napansin na panay na pala ang pagtulo ng mga luha ko. Kitang-kita ang pagkabigla ni Rafael.

Lumunok ako at nag-iwas ng tingin. "I-I'm sorry," bulong ko. Tumayo ako dahilan upang malaglag sa katawan ko ang kumot. "Aalis na 'ko, Rafael. Please... huwag mo na 'kong ihatid."

Mabilis din ang naging pagtayo ni Rafael...

Teach Me, Use MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon