This is just a short reminder guys. It 's not even a tip :v Na-o-OC kasi ako kapag nag-ra-random read ako may nababasa ako something like:
"Tulya, ngumiti ka naman diyan," ani ko.
Seriously, kapag nababasa ko iyan, gumuguho mundo ko XD
Ang 'ani' ay hindi po ginagamit kapag ang reference character mo ay ang narrator in first person. 'ani' is a combination of two words:
'Ah' (not so sure bout this first word but it's close) at 'Ni' na ang pinaka-relative na meaning ay: SABI NI. USAL NI.
Just imagine, ganito ang register niyan sa utak ng mga alam kung paano gamitin ang 'ani':
"Tulya, ngumiti ka naman diyan," sabi ni ko.
(Imagine how my mind blows away while I analyze what I'm reading)
'Ani' is mostly used for third person's POV. It should always be followed by a person's name.
E. G:
"Tulya, ngumiti ka naman diyan," ani Tahong.
**Mayroon pa akong naencounter something like:
"Tulya, ngumiti ka naman diyan," ani ni Tahong.
Mare, Pare, redundant na iyan. Magiging ganito iyan sa brains namin:
"Tulya, ngumiti ka naman diyan," sabi ni ni Tahong.
**Kung ayaw mong magbanggit ng name, use 'Aniya' it is a combination of 'Ah' at 'niya'. So parang magiging: SABI NIYA. USAL NIYA.
Tinapik ni Tahong ang kaibigan. "Tulya, ngumiti ka naman diyan," aniya.
P. S. Nakapagbasa ka na kahit ng mga romance pocketbooks? You can observe how they use ani and aniya.
P. S. S. At sana, iyong isang sikat na writer (forgot the name tho) na ganyan ang gawa ay maliwanagan. Hindi niya alam kung gaano siya kaimpluwensya sa mga iniidolo siya :)
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.