Difference between Conyo and Taglish plus MURA STYLE

7.6K 224 30
                                    

Naisipan ko lang ito pampa-init habang nag-iisip ng next update ng ForMad...

Marami na siguro ang natatakot na pag-Englishin ang isang lalake sa isang Wattpad story gawa ng napaparatangang 'gay' or may 'lembot male POV'

Sa aking palagay, hindi naman po isang taboo sa isang Filipino story na mag-English ang isang bidang lalake. Don't restrict yarself. Kung feel mo pag-Englishin ang lalake, do it. Just do it.

So, for this tutorial, maglalabas ako ng super gwapo at super hot na fafa na ang pangalan ay Sun. Si Sun ay laking ibang bansa at dahil may pagka-pasaway, ipinatapon siya ng kanyang mga magulang dito sa Pinas. Bihasa siyang managalog pero napapa-English rin, lalo na kapag galit.

Sa paglagi ni Sun sa Pilipinas, naturalmenteng mayroon na siyang tropapeeps na inilabas ko rin mula sa aking bulsa ng kagwapuhan. Sila ay sina Roll at Mao.

Isang gabi, nabore si Sun. Inaya niya ang tropa na mag-clubbing. Pasado alas nuwebe ay nasa parking na siya ng isang sikat na bar. Tinawagan niya si Roll.

Conyo-

"Where na you? Dito na me?" I said kay Roll on kabilang line.

Taglish-

"Where are you, guys? Nandito na ako!" I told Roll on the other line.

**Kung mag-eenglish ka, buuin mo na sa isang sentence. Iwasan ang alternating within a sentence. Lumalambot ang POV. 'Yung alternating English and Tagalog per sentence naman ay mas maganda kung strategically done.

Moments after I finished the call, I decided to enter inside the bar, alone. Sinalubong ako ng pamilyar na ingay ng mga taong 'di magkamayaw pati ng heart-pumping tune mula sa DJ. I've been here loads of times. I can already say that this bar, rocks.

Since it's weekend, hindi maiiwasan na mas doble ang dami ng tao kumpara 'pag weekdays. That's forgivable... what's not forgivable to me is—

Splash!

Conyo-

OMG! Someone make tapon a cocktail drink sa aking Armani! Oh Fvck!

Taglish-

WOAH! Someone spilled a cocktail drink on my Armani! Oh, fuck!

**Iwasang gumamit ng expression na mas ginagamit ng babae. May mga lalake rin na nag-ooh my God, pero mas okay na marinig iyon from a guy, than to just read it. Marami naman ang pwedeng isubstitute po sa OMG... hanap-hanap din pag may time :3

**Iassess mo ang iyong character. Capable ba talaga siyang magmura? Kung hindi, wag nang maglagay pa ng mura. Huwag mong isipin na maibebenta mo ang story mo dahil lang sa expert magmura ang iyong character. Kung magmumura ka na lang din kasi, 'wag mo nang ibahin ang spelling. 'Yun at 'yun lang din naman ang meaning, eh. Mas sumasagwa pa nga 'pag iniba mo ang spelling. Fvck? What kind of shit is that? (I remember doing that on my early updates, until I realized something.)

Changing the spelling won't make you a lesser sinner. Nilayon mong magmura, 'di ba? Kung iniisip mong patatawarin ka ng Diyos dahil may asterisk ang 'sh*t' mo kumpara sa 'shit' ko, LOL. Gumawa ka na ng kasalanan, itinodo mo na sana.

Kung 'di mo kayang magmura, 'wag kang magmura. Tapos. Kung naiinggit ka lang sa nagmumurang character ng iba, tapos ang mura mo ay pakyut na iibahin ang spelling, then hell fuck is with you. 'Wag ka nang magmura. Tapos.

Back to the story—

Conyo-

The one who tapon the drink at me is the bargirl. Well, naka-uniform kasi with matching hold ng tray.

Taglish-

Ang nakatapon sa'kin ng drink ay 'yung bargirl. Well, she's in her uniform at may hawak pang tray.

"Naku! S-Sorry po!" she stammered.

TBC

Writing Tips and Advices by WhambaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon