Tips in Writing Manly Male POVs
This is a requested topic. Hindi ko alam kung ano ba ang basehan ninyo ng ‘manly’ kaya ito ay biased na lang sa akin. :)
Direk_Whamba’s basis for a manly character:
1. Una sa lahat, ideklara mo na lalake ang character sa paraan at technique na gusto mo. Lalake. May itlog at may hotdog (<-- tho hindi na ito masyadong kailangan), may abs, may bigote, etc. Minsan low gets kasi ang readers mo, nakakakalahati na sila ng chapter, akala nila babae ang character mong lalake pala :3
2. Nice name. Minsan sa pangalan pa lang, mukha nang lembot. May mga pangalan namang naitawid para maging panlalake (I’ve encountered Leslie in ‘The Evil Within', Andrea on one of the novels I read) depende sa make ng author. Don’t judge the book by its cover kumbaga.
Pero ‘yung mga pang-bhoxszxs na pangalan? Zxyrille Iahnne, Lhanz Jhake… ode sila na.
WTF are you thinking? Okay… for the sake of creativity, gandahan mo ang pangalan ni lalakeng character. But to be honest, sometimes, it won’t matter. Mas gusto ng reader na fast read ang pangalan ng character, ‘yung madaling ipasak sa imagination. AT MADALING BIGKASIN SA IMAGINATION. One snap. Ah, ito si Zyril. ZAY-RIL. Okay ba? Later on, tatawagin na lang siya ni reader na Zy. ZAY.
That’s why I favored one to two syllable, 3 to 4- Lettered names. Hio, Div, Rho, Kape, Noir, Roll, Arle, etc.
3. To-die for, to-live for personality- Okay, given na naman na lahat tayo gusto ng guwapong bida. So dito na lang nagkakatalo. Pakihanap po ang mga tips ko about 3D characters kasi uulitin ko lang rin naman ang mga sinabi ko doon. Stick to the character’s personality, develop it within your plot.
4. Mga pamatay na banat. Most of the guys, hindi vocal, pero may mga times na nakaka-hirit ng tagos-puso. Nasa timing dapat ito. Too much is corny. And guys do cry, don’t forget that.
Niyakap ko siya para hindi niya makita ang luhang babagsak sa mga mata ko. "I can't let you go. You have to kill me first bago kita layuan." –Rho, Violin Tears. (Sorry for being eccentric here :))
So, basically, hindi ako naglagay ng ‘I can’t live without you’ sa dialogue dahil parang gago. Hindi makatotohanan ang katagang iyon (para sa akin). Mas maniniwala pa ako sa forever kaysa sa salitang iyan. Tho medyo hindi rin makatotohanan ang substitute ko, mas feasible iyon kaysa sa nauna.
At para sa mga future romantic writers, juice ko, sana baguhin niyo na ‘yung mga lipas nang dialogues na suntok-sa-buwan. Hindi mo alam kung gaano ka kaimpluwensyal bilang manunulat. Sabi nga nila, huwag nating turuan ang mga kabataan ng kalandian. Kahalayan lamang.
5. May mga salita na kahit may narinig kang lalake na nagsasabi nu’n, hindi talaga madalas umuubra.
E.g:
Ken: Nireregla ka ba?
Ren: Oh, my God! May regla siya!
6. Nagiging girly ang dating ng dialogue sa maling paggamit ng mga panlapi, and of course, English words. Kapag may katumbas naman kasi sa Filipino, neng/boy, huwag na ipilit, ne?
There are words that can carry on:
Zen: T-in-ype ko ang pass code.
But this?
Zen: Fvck, ni-kiss-an ako ng crush ko! (I also encountered ‘k-in-iss-an’)
Will it hurt you if it’s written like this instead?
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.