Welcome to the Vampire Society Club
(Kaechusang tips ni direk sa pagsusulat under vampire genre)
Mew… kamusta. This is direk_whamba. *_*
At nandito ako para magbigay na naman ng mga tips para sainyo. Actually hindi po talaga vampire ang una kong genre sa wattpad. Ang pinakauna kong naisulat ay ang Gossip Girl Pinoy under non-fiction.
Napadpad lang ako sa Vampire section by chance. Napansin ko noon na walang masyadong nagsusulat sa vampire section whence siksikan na ang mga story doon sa romance. So ayun, saisip isip ko, kung lilipat ako ng genre, atleast nasa 1st page ng hotness ang magiging story ko. May chance na mapansin iyon kahit pakonti konti.
As simple as ‘Balcony love story’ lang naman talaga ang pinaplano kong story noong umpisa. Kaso nung umisip na ako ng name para sa bidang lalake, I came up with LOKI. Favorite ko kasi siya sa Norse mythology dating dati pa. Tapos nagpromise ako sa sarili ko na gagamitin ko siyang name ng bida ko once na nagkaroon ng pagkakataon. Dahil sa name na yun, nag-spawn ang mga ideya sakin na—‘Ay poydi palang ipattern ko tong story kahit paano sa paborito kong Norse mythology!’
Lumakas pa ang loob ko nung nabasa ko yung Teenage Gods ni @invadersim. As in I messaged him na nainspire niya ako.
**So basically, ano nga ba ang mga iniisip ko nung nagsisimula pa lamang ako sa Vampire genre?
1. Why favor the vampires?
Answer: Flexible ang mga bampira. May kapangyarihan sila in a sense na mayroon silang restrictions or maaari ding limitless. Pwede mo ring icombine ang vampire sa halos lahat ng existing genre. (Napagsama ko nga ang vampire and zombies, vampire and online game, vampire and alchemy, vampire and everything)
2. Vampire and mythology? How does that work?
Answer: Iho/iha, RESEARCH a lot. Hindi ka naman obligadong alamin ang lahat kaya ka magreresearch. Dapat lang ay sigurado ka sa mga terminologies at kahit paano ay naiintindihan mo ang ibang major details. Who says we can’t manipulate the details? Hindi porket yung storya mo ay may pinagbasehan, doesn’t mean na kailangan ay tugmang tugma dapat. This is where the fun actually starts. Dito mo pwedeng ilabas ang iyong creativity. Gaya nung ginawa kong magkapatid si Loki at Fenrir! Or yung ginawang babae ni Lee Myung Jin si Fenrir sa manwha niyang Ragnarok: Into The Abyss! Who says di pwede? BIGYAN NG JACKET! (-_-)
**Ano naman ang mga iniwasan kong ilagay sa story para di magmukhang korni?
3. Bampirang nakakapaglakad sa ilalim ng sikat ng araw at kumukuti-kutitap pa!
Okay, so maybe ‘modern’ vampires na yang keri pumuga sa arawan. Pero para sakin, in my opinion, ang isang quality na hindi dapat iniaalis sa mga nocturnal creatures was indeed their being ‘nocturnal’. Mga nilalang sila ng dilim. Explore their darkside in the deepest darkest shade of the night. Wag yung nakinang kinang pa yung balat sa arawan. PERI na yan eh! Bat di na lang kaya PERITALE ang isulat mo di ba? Lagyan mo pa ng wings para kikaaaay! Ehem… naglalagay din naman ako ng mga bampira na nakakapag-explore sa arawan gaya ni Minerva—but atleast I have a proper way of telling HOW the hell did she do that.
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.