Creating a Convincing Setting Part 4
Featuring Mansions
Buenvenue! Direk_Whamba here :) as you might be aware, paborito kong bahay ang mansyon. Ha-ha-ha!
Usually kapag mansions, hekta-hektarya ang land measurement niyan, estate na kumbaga. Buwag mong gamiting basehan ang bahay na tinitirahan mo. RESEARCH! Hindi pagkatapos ng gate, pinto kaagad.
Anyway, here are some useful parts of a mansion/house na puwede ding makatulong sa iyo:
Courtyard-closed space ito, may mga pader pero open-sky. Puwede ring open area talaga. Ito usually ang bubungad sa’yo bago ka makarating sa pinakamismong mansyon.
Portico- ito ‘yung entrada ng mansion. May bubong at may haligi. Parang Porch din ito.
Colonnade-Haligi. ‘Yung mga cylindrical na poste poster na nakikita mo sa gilid-gilid. Tinatawag ring minsan na Column.
Façade-Harapan.
Patio- Parang courtyard ito, closed space, puwedeng may bubong dahil often gamitin ang lugar na ito for outdoor dining.
Pasilyo/Corridor- space para daanan.
Grand Staircase- ito ang pride ng mansion. :)
Balcony- space siya na karugtong usually ng grand staircase. Overlooking dito ang great hall or ‘yung main part ng first floor. Hindi buo ang balcony para mataas ang kisame ng great hall. Spacious tingnan.
Terrace- Balcony na nasa labas, kadalasang elevated ito. Ang Veranda naman ay nasa ibaba (yeah, my mistake with Loki)
Ballustrade- ito ‘yung mga railing/harang sa balcony at hagan.
Arch- Mga arc entrances, kadalasan wala nang pinto, parang division lang ito, for example may arc at the end of the corridor na papasok sa panibagong corridor.
Wings- May tinatawag na east wing at west wing. Ito ay kapag ‘yung mansion mo ay parang ganito ang shape sa top view----> I_I ‘yung dalawang linyang pahaba ‘yung wing.
ROOMS:
Solar- super private room often in the upper floors. Do not disturb. Room ito para sa privacy ng mistress of the house. Puwede siyang magwala rito and etc.
Rooms na alam na nating lahat: Bedrooms, Guest rooms, Servant’s quarters, attic (or garret), basement.
Walk-in Closet- Hindi ito cabinet. Isang buong kuwarto ito para i-accomoate ang lahat ng wardrobe.
Scullery- extension ito ng kitchen. Dito puwedeng maghugas ng plato at maglaba laba.
Butler’s Pantry- imbes na pagkain, puro household materials ang nandito. Inventory room ito para sa mga silverwares, plato, baso, etc.
Parlour- Receiving area ito. Dito ineestima ang bisita. Same lang ito sa Drawing Room.
Alcove- parte ngi sang kuwarto na parang paloob. More like extended space.
Wine cellar- imbakan ng wines// old mansions have Still Room or distillery kung saan sila gumagawa ng homemade wines.
****
Remind ko lang din po kayo sa Difference between Pinto and Pintuan, Hagdan at Hagdanan.
Ang pinto ay ‘yung isinasara. Ang pintuan ay lugar kung saan nakalagay ang pinto.
Ang hagdan ay ‘yung inaakyatan at binababaan. Ang hagdanan ay lugar kung saan nakalagay ang hagdan.
Wrong usage:
*Binuksan ko ang pintuan.
Nakatayo ako sa pinto.
*Umakyat ako ng hagdanan.
Other Things:
Mansion- A house big enough that a parist priest could maintain.
Château/manor house- Tinitirahan ng Lord of a Manor. Parang isang baranggay na rin ang Manor.
Hacienda- plantation, mines, factory, livestocks.
Palace/castle/palazzo- mga high ranked nobles na ang nakatira rito.
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.