THE FANTASTIC TIP
Note: These tips and advices may be bias to any other forms/types of story falling under fantasy since ako po ay focused on vampire, destruction, zombies, darkness.. chuchu. So anyway, let’s start...
1. Ano ang mga dapat mong iconsider sa pagsusulat ng fantasy story dito sa Filipino wattpad?
Ang masasabi ko lang, kung sumugal ka na noon sa Romance, MAS lalo kang susugal sa fantasy. Bakit? Kakaunti lang po ang readers nito kumpara sa Romance. Mas may laban ang fantasy mo kung yan ay pure English dahil ang mga porenjers po ay mas mahilig naman sa fantasy kumpara sa romance.
Humanda ka sa mga frustrations na mararamdaman mo dahil hindi ka agad agad makakahakot ng readers. Minsan bebenta na lang yan kung kelan patapos na.
2. Kailan mo ba malalaman kung handa ka na sa pagsusulat ng fantasy?
Para makapagsulat ka ng epektibong fantasy, bukod sa pagbabasa ng maraming fantasy books, panonood ng fantasy movies/ anime; tingnan mo rin yung writing style mo. Dapat kahit papaano ay hindi ka na nagkaka-issue sa paggamit ng mga panghalip (sila, nila, niya, nito, ito)
Hindi ka na rin dapat nagkaka-issue sa paggawa ng epektibong setting.
Marami kang baong verb, adverb, and adjectives.
At higit sa lahat, puno ka ng sustansya.
3. Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng fantasy story?
Ang main objective mo bilang fantastic writer ay iwasang ihulog sa kumunoy ng kalituhan ang iyong readers, iwasan din silang iligaw sa loob ng story mo, at iwasang pasakitin ang ulo nila. Ang pwede lang ay baliwin sila hanggang sa magvolunteer entrance na sila sa isang mental asylum. Dejoke.
Hindi po natin maiiwasan na mahirapan tayong ipaintindi sa mga readers ang isang term, gamit, lugar, katawagan, or minsan yung buong senaryo na. Okay lang po iyon. Mayroon at mayroon din naman kasing makakaintindi doon kung TAMA ang pagkakadeliver mo. Minsan magegets din yun later KUNG kokonekta iyon sa iba pang bahagi ng iyong istorya.
Sige Simulan na natin ito.
**SHOW DON’T TELL
Marahil ay nabasa mo na iyan sa iba pang ENGLISH how to’s. Wag po yang babaliwalain dahil yan ang pinaka-epektibong paraan ng paggawa ng fantasy story.
Example of TELL: Siya ay isang sorsero. Nakakatakot siya kasi nga sorsero siya. Hello?! Tapos ginawa niyang palaka yung lalake! Makalayo na nga at baka maging palaka din ako!
BIBWISITIN MO LANG AKO KUNG GANYAN ANG IPAPABASA MO SAKIN.
Example of SHOW: Nakita kong nagliwanag ang kanyang mga kamay. Ang liwanag na iyon ay tumakas mula sa palad niya nang sandaling inimbay niya iyon. Mayamaya pa ay unti-unting nagbabagong anyo ang lalaking uminsulto sa kanya na kakatalikod lamang. Lumiit ng lumiit ang katawan niyon hanggang sa naging isang palaka!
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.