Creating A Convincing Setting
Ang Setting ay isa sa mga mahahalagang elemento ng kwento na often neglected ng mga katauhan dito sa wattpad for some reason—
*Nagfofocus sila sa dialogues (tsismakers)
Pag nagfocus ka sa dialogues, okay sige magaling na magsalita ang mga characters mo. Pero saan sila nag-uusap po? Nakalutang? In hollow void? Aba! Sa outer space! Kaya pala bentang benta ang story kahit walang setting… muntik ko nang makalimutan… NOTHING BEATS AN ASTRONAUT!
*Nagfofocus sila sa pagpapatawa (clowning around)
Oh sigi tawa ng tawa ang mga readers mo sa matindihan mong jokes and punchlines… tapos? Pag iba na ang genre ng kwento mo, they won’t mind it na. Pag di mo pa napantayan yung mga nauna mong epic na patawa, madali ka na lang sabihang korni.
*Tinatamad sila (Ang walang kamatayang *insert the effing name of the bar/resto here dude*)
Nakakairita sa mata yung *Starbucks* *Mang Inasal* *Sogo* *Victoria Court*. Wala yang pinagkaiba sa emoticons dude. Ikaw na ang naglagay ng signage sa kwento mo! Oh sigi nasa *Starbucks* konyari ang setting… Tapos? Susundan pa rin yan ng mala-hollow void na setting kasi kampante ka sa ibinalandra mong *Starbucks* signage. Ay ewan ko sayo… TALAGANG NOTHING BEATS AN ASTRONAUT.
Take note na hindi lang lugar ang napapaloob sa setting. Binubuo yan ng time, place, and happening. Kaya nga SETTING DA BA?! SET! SET!
Nakakairitang isipin na kung mayroong mga writers (gaya ko for example) ang halos magkanda puti na ang buhok sa paglalapat ng tamang setting na babagay sa kwento, ay marami namang mga ungas na tinetaken for granted lamang ito like a rockstar.
So Ano ba ang una mong icoconsider para maging effective ang iyong setting?
Una, pumili ng general era kung kelan nangyari o mangyayari ang iyong kwento. Kung sa modern times ba yan, or sa panahon ng pananakop ng mga kastila, panahon ni Mike, Lu, and Og or kung ano pa.
*Hindi mo iyon kailangan na iindicate maya’t maya. Like what I always said, nakukuha ang lahat sa isang magandang strategy. MAGRESEARCH KA PO. Pick up some of the terms used on that given time or even mention some things from history.
*Hand in hand na rin po sila ng napili mong bansa/nasyon. So kung ano yung nakikita sa isang lugar at that period of time, SOLIDIFY IT by using some good adjectives and adverbs.
*Bukod sa general era, syempre hindi mawawala yung MAIN PLACE at MAIN TIME kung nasaan talaga partikular naroroon ang tauhan.
*Kung gusto mo rin ay maglagay ka ng season, or a particular weather. It adds more feel and impact lalo na kung emosyonal ang kwento. Pwede mo kasi itong gawing comparison and contrast with your character’s emotions.
Example: Year 1600-1700 (I think this is 15th or 16th century. Correct me if I’m wrong)
Si Grazielle
Hapon na nung magpasya akong lumabas dito sa hardin ng aming palazzo upang magpahinga at magsanay ng harpa. Nakabantay sa likuran ko ang aking personal na tagasilbing si Marciana. Isa siyang Asyana ngunit nakarating dito sa Florence sapagkat ipinagbibili siya noon bilang alipin ng isang tasikeng manlalakbay. Swerteng nakuha siya ni ama sa katanggap tanggap na halaga. May tangan tangan siyang pangginaw na pamalit kahit mayroon pa naman akong suot na mink.
Ilang araw pa lang mula nung magsimulang umulan ng nyebe kaya sa tingin ko ay sa mga susunod na araw pa magiging matindi ang taglamig
*Okay. So alam na natin na ang pinangyarihan ng kwento o general era ay sa Forence nang hindi iyon direktang binabanggit. Nalaman din po natin na nasa old times siya since present pa yung slavery na hindi na nangyayari sa panahon ngayon.
Nalaman din nating nasa hardin ng palazzo ang pinaka-main place at hapon ang main time.
Since ang Florence ay nasa Italy, at ang Italy ay four-seasoned country, pinili ko ang winter season.
Let’s proceed further on…
*Ang next po ay ang pagbibigay ng TEXTURE sa surroundings. Texture, kumbaga bibigyan mo ng feel ang paligid. So alam po nating nasa hardin ng palazzo ang tauhan… Ngayon ay ano ba ang makikita sa hardin?
*Ang suot ng mga character kung minsan ay maaari ring ipandagdag sa ginagawa mong ambience. Natural na kung malamig ay may pangginaw… but let’s elaborate. Pero bago yun, Buuin muna natin sa ating imagination kung ano ba ang hitsura ng hardin…
Bago ako naupo sa mahabang upuang gawa sa tanso, pinunasan muna iyon ni Marciana gamit ang laylayan ng mahaba niyang bestida. Sinuguro niyang hindi na basa ang aking uupuan.
Pagkaupo ay sinimulan kong tipain ang aking harpa. Pinakikinggan ko ang sarili kong musika habang pinagmamasdan ko ang pontana at ang estatwang nasa pinakagitna nito na nagrerepresenta sa Acquario na isang dalagang may hawak na banga at tila habambuhay na nagsasalin ng tubig.
Sa araw na ito ay walang tumutulong tubig sa banga nito sapagkat pinatay ang mekanismo ng pontana. Hindi iyon pinapagana tuwing taglamig. Nakalulungkot. Pati na ang mga tanim na mga rosas ni ina ay hindi ko na mawari ang hitsura. Nagsipaglantahan ang karamihan—at ang iba ay nabalitan naman ng makapal na nyebe.
Tuk!
“AAAAHHHH!” napatili ako sa di inaasahang pagkapatid ng isang pisi sa aking harpa. Napilit ko yata iyon kung kaya’t bumigay. Nagdugo ang aking hintuturo. Kahit pa maliit na sugat lamang ang aking natamo, sumago nang husto ang dugo at namantsahan ang laylayan ng aking sedang bestida.
Kagyat na dumulog sa akin ang aking tagasilbi. Balak niyang gamiting pamahid ang maruming saya niya ngunit tinampal ko ang kanyang kamay. “Istupida! Ipinamunas mo na iyan sa aking inuupuan at pagkatapos ay sa sugat ko naman?! Gusto mo ba akong maimpeksyon?!”
Okay that’s it. I hope may natutunan ka kahit paano? Iuupdate ko na lang uli ito kung sakaling may nakalimutan akong idagdag o kung may natutunan akong bago.
Ciao.
©2013 direk_whamba
BINABASA MO ANG
Writing Tips and Advices by Whamba
RandomMainitin ang ulo ko pero hindi ko naisipang maging ranter. Imbes na manlait ako, tutulong na lang ako sa mga nangangailangan ng improvement sa kanilang mga gawa. Yan ang sampal ko sa mga nagkalat na critique-kuno rito.