Creating A Convincing Setting Part 2

7.2K 208 15
                                    

Creating A Convincing Setting Part 2

Okay sabi ko na at may nakalimutan akong ilagay.

I’ll be discussing out another technique in case di mo trip yung mga naunang itinuro ko.

This is more applicable in FANTASY STORIES pero pwedi ring sa mga non-fiction kung ipagpipilitan mo.

Una sa lahat, i-filter mo muna yung contents ng iyong storya. GENERAL FILTERING NEEDED. Kumuha ka po ng papel at gumawa ka ng checklist.

 

1.      Ilang worlds ang involve sa story? 1? 2? 3? Kindly write it down.

                                                                                                       

A.     Kung sa isang buong PANIBAGONG mundo ang setting mo:

a.1 Get a sheet of paper, AT GAGAWA TAYO NG MAPA. Gumawa ka ng direction legend sa lower right portion ng papel. Write NORTH, EAST, SOUTH, AND WEST sa tamang direksyon nila po. WAG kang imbento at lalong wag kang bobo.

              

a.2  Isipin mo kung ilang KONTINENTE ang involve sa kwento mo. Iguhit mo sila sa papel, kung gaano kalaki or kaliit, ilan, at saan sila nakaposisyon sa mapa. Kahit panget drawing mo ay okay lang dahil ikaw lang naman ang makakakita niyan.

a.3   Next, mag-isip ka na ng kakaibang pangalan ng mundong ginawa mo. Yung pinakapangalan muna ng KABUUAN. Depende na yan sa imahinasyon mo boy. Wag kang asa masyado. Pero kung bibigyan kita ng tip, gumamit ka ng google translate. Laruin mo ang napakaraming lenggwahe roon. Halimbawa ako, ang pangalan ng mundong ginawa ko ay Land of Nowhere. Nitranslate kop o siya sa LATIN kaya naging Terra Nusquam.

 

Then pangalanan mo na ang mga kontinente... Marami akong kontinente gaya ng Erdan, Karin, Serion, Parun, Matre, Vebar... at lahat yun ay puro hula hula lang. But each of them has a designated description. Matre for example, is a vast desert continent. Serion is a Tundra. Vebar is composed of highlands. Ang Erdan ay kapatagan. Mga ganyan. Kung gusto mo ay pwede ka ring magpangalan sa mga dagat/ karagatan.

B.     Kung Dalawang mundo ang involve:

      b.1   Gawin mo pa rin po yung A kung ang involve ay yung isang buong panibagong mundo at yung real world po.

     b.2    Kung 2 parallel worlds lang po, stay put ka muna, mamaya ko yan ididiscuss

     b.3    Umisip ka po ng explanation kung bakit magkatuwang ang dalawang mundo na ito. How did the other world exist? Ano yung entry at exit point para sa dalawang mundo? Kailan pwedeng pumasok/lumabas? Mabilis lang ba makapasok o mahirap? At bakit? Bakit pwede mong maexplore ito?

b.4    Idistinguish mo sila sa isa’t isa. Ano yung culture sa other world? Why is it different? Ano ang ginagawa ng mga tao? Ano ang suot, pagkain, gestures at... hay lamonayan teh.

Para sa examples ko mamaya—kunwari ang pinili kong pamayanan ay monarkiya set in hmmm... 1500s! Ang mga damit nila ay matitingkad, elaborate, intricate. They speak in old tongue, magalang at mahinhin ang mga tao, complex ang bawat personalities...chuchu on.

C.     Kung tatlo o higit pa:

Kailangan po nito ng complex and intricate mind. Yung tipong gumagawa ka ng rationalization and analization. Kung sa tingin mo ay kaya mo nito, aba’y hindi mo na kailangan ng tip kong ito. Magkalevel lang tayo dear or mas ahead ka pa kesa sakin. Kailangan natin ng tulong ng mas mataas pa ang level kesa satin!

2.      Congrats! May mapa ka na. Ngayon ay Izoom natin yan. Get another sheet of paper please?

 

A.     Same procedure... write the legend North, East, South, West. Sa lahat ng kontinenteng isinulat mo, pumili ka ng isa at iguhit mo. LAKIHAN MO. Sa loob nun, Gumihit ka ng panibagong lupain at pangalanan mo. Halimbawa, pinili ko ang Erdan. Gumuhit ako sa loob ng maliit na lupain at pinangalanan kong Seinen.

B.     Kung mas gusto mo pang maging detailed, Kumuha ka ulit ng panibagong sheet, kahit circles na lang ang idrawing mo lagyan mo na lang ng label—if you want to imagine where is the castle located (in case may castle ka sa other world mo) saan ang kagubatan, saan ang residence area, simbahan, artilleries, marketplace, plaza, pagamutan. For more detailed old community, try playing browser games like TRAVIAN or Guild Wars or Ikaryam.

***Okay. Place completed. Pwede mong tingnan tingnan ang mapang ginawa mo para hindi ka po naliligaw sa sariling storya mo. Kadalasan, pampasiksik yan ng iyong kwento.

E.g: Hinanap ko ang dalagang dinala ko dito sa mundo namin. Una akong napadpad sa pandayan na nasa silangan ng palasyo. Malapit iyon sa pamilihang bayan. Nung hindi ko doon makita ang hinahanap ko, nagbakasakali na ako sa pamilihan. Kailangan ko siyang mahanap sa lalong madaling panahon bago pa siya mahulog sa masasamang loob!

PARALLEL WORLDS

 

Mas madali ang gumawa ng parallel world.

*Almost same lang ito ng original world except for some changes/ revisions. Sabi ko nga (or rather ni Hio) ang mga parallel worlds ay naglalaman ng:

1.      What we are

2.      What we want to be

3.      What we don’t want to be

*Always remember na kung gagawa ka ng kwento involving parallel worlds, isipin mo na ‘nandiyan na talaga sila’ nag-eexist sila na kasing tanda ng totoong mundo. Therefore, when your character entered another parallel world, he/she is merely TRAVELLING. Kung anuman ang mga changes na ginawa niya ay dapat rin na magreflect sa kanya.

*Ito rin po yung isa sa mga dapat isaalang alang—Wag kaliligtaan ang dahilan kung bakit naglalakbay sa parallel world ang tauhan. Dapat may purpose na nakikita ang reader sa tauhan, or else magiging nonsense ang buong kwento.

*Isipin mo rin po kung ano yung means ng pagtatravel niya. Via broomstick? Magical mirror? ANYTHING is acceptable basta wag yung spontaneous (dahil ang point of origin ng tauhan ay REAL WORLD) at yung kaya mong panindigan. Remember Kyou Kara Mao? Absurd na nakapunta sa ibang mundo sa pamamagitan ng pagflush sa toilet bowl di ba? Pero somehow ay napanindigan.

 *Wag din pong kalilimutan yung MODE OF EXISTENCE ng tauhan habang nasa parallel world. Ano ba siya? Kapag nasa parallel world ba siya ay inaassume niya yung katawan ng kanyang parallel being? Or Kagaya ba sa fairytail wherein pwede mong maka-interact ang iyong sariling parallel being?

Hanggang dito po muna :> mag-uupdate na lang uli ako pag may nakalimutan ulit ako.

Happy Writing.

Writing Tips and Advices by WhambaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon