Isa pang mahiwagang tip! Kaching!

7.6K 186 6
                                    

Pasensya na kung puro putol ang tip na pinaggagagawa ko. Hahaha! Tinatamad lang ako magtype kung minsan... Pero minsan itutuloy ko rin yang mga 'yan. Tiwala lang! Akswali dadalawa pa lang naman ang TBC kong tips.

Lalagpasan ko na ang paggamit ng punctuations gaya ng apostrophe, kwit, tuldok, tandang pananong, tandang padamdam padam padam; hindi ko na rin ididiscuss ang difference ng raw at daw, ng at nang. Hanapin niyo na lang kasi may mga nagbigay na ng tips ukol diyan...

Ito po ay tip ko para sa ikagaganda ng istorya. :) Kung hindi niyo po alam, ako ay isang artist. Ang art ko ay hindi lang sa mga drawing ko makikita, kundi napapaloob din sa bawat salitang isinusulat ko.

Maraming story ang hindi gaanong napapansin kahit maganda ang writing style. Bakit? Kasi ang boring. May kulang. Cliche, Wala kang maimagine.

**Kung ang iyong story ay Non-fiction, Cliche, OKAY lang 'yun. Walang masama doon. Non-fiction, eh. Ibig sabihin, related sa totoong buhay. Paano mo ito madadagdagan ng art?

*BUMAWI KA SA PERSONALITY NG CHARACTER- Characters mo ang pambato mo sa isang cliche na story. 'Ano ang katangian niya na wala sa iba? Paano ito makakaapekto sa mga nasa paligid niya? Paano ito makakatulong sa pag-usad ng iyong plot?

*NAKIKITANG PAGKAKAIBA- Masarap basahin at i-look forward ang mga story na alam mong maraming lamang tao sa loob. Hindi literal na maraming tao, kundi nakikita na magkakaiba ang mga katangian ng bawat tauhan. Kung halimbawa na sa story mo ay may apat na magkakabarkada, pareparehas na sanggano, sa tingin mo, may kaabang-abang pa diyan?

*PANINDIGAN ANG KATANGIAN NG TAUHAN- Ipakita ang qualities ng mga tauhan nang hindi nila ito sinasabi sa readers. E.G: Hi, ako si Tristan. Nerd ako. SHOW IT, DON'T TELL. Kung halimbawa nga ay nerd siya, ipakita kung bakit siya nerd. Ano ang ginagawa niya na hindi ginagawa ng isang gangster? Ano ang kaniyang pananamit na hindi sinusuot ng conyo guys?

*Maaari kang maglagay ng isang katangian na surprising para sa readers, pero dapat ay may supporting details ito, or else, wag na lang ilagay.

*'Wag na 'wag maglalagay ng excess na katangian ng isang tauhan sa istorya kung hindi naman ito importante o hindi rin maipapakita. Nuisance ito at pandagdag lang ng gulo.

**Kung ang iyong story naman ay Fiction:

BENGGAHIN ANG SETTING- Hindi sa sinasabi kong hindi mahalaga ang qualities ng mga character, pero gawing secondary ang character sa mga priority mo. Bakit? Sa setting mo maipapaimagine sa readers mo kung ano ang gusto mong iconvey ng iyong story. Ito 'yung deciding point kung havey ka ba  waley. Kung kaya mo bang papaniwalain sa mga imahinasyon mo ang readers o hindi? Kung makakaya mo bang ihatid sa readers ang panibagong mundo o hindi?

*Sa setting mo pagagalawin ang iyong mga tauhan. Ito kumbaga ang kanilang magiging tahanan kung saan sila mag-gogrow sa kani-kanilang mga katangian.

Simple lang itong tip ko, pero malaki ang sense nito. Try to analyze what needs to be done with your characters and your setting. :)

I discussed this with coach AR_Adams earlier... about 2D and 3D characters. Ang isang 3D character ay ideal character. What makes it 3D? Restricted siya sa mga katangiang ibinigay sa kaniya ng author. Hindi siya basta-basta magbabago sa isahang pangungumbinsi dahil dala na niya ang mga katangian niya habang siya ay lumalaki. Lahat ng iyon ay may pinaghugutan.

2D characters on the otherhand, kung ano ang ginusto ni author, 'yun na siya. Minsan casanova, minsan anti-social. Hindi consistent. Hindi solid. Nagugulo ang plot dahil na rin sa pabago-bago niyang pagkatao.

So ayan... I hope may natutunan kayo. Ciao.

Writing Tips and Advices by WhambaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon