Breaking the 4th Wall

3.8K 119 5
                                    

Breaking the 4th Wall

Note: This is a not so pro explanation. I just wrote it down based on my mere understanding of how this thing works.

What is the ‘4th Wall’?

Sa mga hindi nakakaalam, ang 4th wall ay term sa teatro, or any kind of media. Isa iyong imaginary space kung saan borderline iyon para maka-interact ng mga tauhan ang audience. Maaaring sadyain ng manunulat ang paglikha ng 4th wall, o maaaring hindi sinadya. Maaaring may significance ito sa kuwento, maaaring wala.

BUT, 4th wall within the bondage of audience/ reader to character and writer ay hindi maaaring lantaran, or else, sira na ang magic.

Habang nag-e-edit ako ng isang manuscript, napansin ko na puro ako breaking 4th wall. Kapag sinabi mong ‘Breaking the 4th wall’, you are actually using the 4th wall for you or your character’s convenience.

Breaking the 4th wall technique is mostly effective for writing comedies and not of serious and non-fiction plots.

So, before you break the 4th wall, kindly think again for you story’s sake.

Some common Breaking the 4th wall here in Wattpad:

1.       Pagpapakilala ng character sa readers.

E.g. Hi, ako nga pala si Karita Mendez, 17, taga-Cavite, maganda, maputi, famous, etc.

2.       Pagsisingit ng Author’s Note sa gitna ng chapter:

E.g. Ay, kinilig ako sa binigay niyang chocoyeyt. Wuchuchu.

(A/N: Sorry na, mej sabaw itong part na ito so pagtiyagaan niyo na! Hehe!)

3.       Pakikipag-usap ng author sa character niya:

Miss Otor, pwede bang umalis ka muna? Ang epal mo eh! Psh! -_-

(A/N: Sorry naman po, ah? Hiyang hiya naman ako sayo! Patayin kaya kita!)

4.       Pakikipag-usap ng character sa reader:

Paki-awat niyo nga si Miss otor at baka mabugbog ko siya? Gangzxster pa naman ako mga bh3!

***Note: Madali lang i-break ang 4th wall sa Filipino prose, you just have to observe. THIS IS THEORETICAL. Maaari itong tama, maaari itong mali. All will depend on the sentence construction.

(1st person ito at hindi ito nangyari sa dialogue kundi sa narrations lahat)

1.       Hindi ko alam kung bakit ang sungit sa akin ni Jen. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya, ‘di ba?

(in 1st person POV, usage of ‘di ba?’ In self-internalization of any character is like asking unconsciously for the reader’s sympathy)

2.       Kinuha ko ‘yung ibinigay niyang pera, siyempre.

(in 1st person POV, ang ganitong narration ay nagsasuggest na kung ano ang ginawa ni character, tiyak niyang iyon rin ang gagawin ni reader, when faced the same situation)

3.       Hindi niya binawi ang pera. I told you so.

(in 1st person POV, this indicates na kung nakipagpustahan si character sa reader, sure na mananalo si character.)

4.       Hindi sa pagmamayabang, pero marami ang nagkaka-crush sa akin.

(in 1st person POV, this indicates the characters confidence should not be doubted upon by the reader)

Note: Hindi ko sinasabi na masama ang breaking the 4th wall… pero ang korni kung sobra-sobrang dosage nito ang nasa iyong istorya. May tinatawag tayong ‘2nd Person’s POV’ at baka sakaling trip mong gamitin na lang iyon instead na breaking the 4th wall all the time ka sa 1st Person at 3rd Person’s POV.

Writing Tips and Advices by WhambaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon