Chapter 05

29 4 11
                                    

I woke up because of the smell downstairs. Malamang nag eexperiment na naman sina Mama at Manang. Paano bumili sila ng Oven noong nakaraang araw, parehas naman pala silang hindi marunong mag-bake?!

Ganda pa ng pagkaka-sabi sa akin ni Mama noong nakita ko na nag-uunbox sila pagka galing ko ng school.

"Talyana dumating na ba iyong pina-order ko sa 'yo sa shopee?" Mama asked. Kararating ko lang at bungad niya sa akin iyong pina-check out niya last time.

"Oo Ma, mga baking sets 'yon ah? Wala naman tayong oven aanhin mo 'yon?" Tanong ko habang papunta sa kusina para kumuha ng juice.

Pag-pasok ko sa kusina may kahon na binubuksan ni Manang at mukhang busy pa siya ah.

"Kaya nga bumili kami ni Manang! Para magamit iyong mga pang-bake na binili mo!" Masayang sabi pa ni Mama na ngayon ay nakiki gulo na kay Manang.

Napasapo na lang ako ng noo dahil ang tanging pinag papasalamat ko na lang ay hindi ako nahawa sa pagiging impulsive buyer ni Mama.

"Haha ang galing mo, Ma. Tama, dapat kang bigyan ng masigabong palakpakan." Sabi ko pa sa kanya at ang ina kong magaling nag bow bow pa siya. Feel na feel!

Umiling na lang ako sa tuwing naaalala ko at dahil sabado ngayon deserve ko naman siguro na wala munang gawing matino. Hindi muna ako lumabas ng kwarto dahil baka sa akin pa ipatikim ang mga ginagawa nila doon sa baba, ayoko pa ma-food poison.

Kinuha ko na lang ang Laptop ko at binuksan ko ang netflix. Gusto ko lang manood ng Kdrama na Law related kaya pinili ko na lang panoorin iyong While You Were Sleeping si Lee Jong Suk kasi ang bida dito kaya ito talaga pinili ko at hindi dahil Law related 'to. Charing!

Actually napanood ko na 'to, pero dahil tinatamad pa ako manood ng bago mag re-watch na lang muna ako. Pinindot ko na lang agad doon sa favorite episode ko which is iyong may trial sila Lee Jong Suk tapos bata lang iyong witness at nag-panggap na Santa Claus si Lee Jong Suk, ang cute niya e!

Nang matapos ako sa favorite episode ko, bumaba na ako dahil anong oras na rin. Gagawa pa ako ng school works mamaya dahil ewan ko ba hindi sila maubos-ubos. Kapag ginagawa ko hindi mauubos, kapag hindi ko ginawa hindi pa rin mauubos mga gagawin ko kaya hindi ko alam saan lulugar.

Sa puso ni TJ.

Sinampal ko ang sarili ko dahil weekends na nga kalandian pa rin ang iniisip ko. Matagal na rin kasi simula noong huli akong magka-crush kaya ganito na lang ako kaharot.

Nakita ata ni Mama na sinampal ko ang sarili ko kaya naka-tingin siya sa akin.

"Parang hindi masakit sampal mo, gusto mo ako na lang sasampal sa 'yo?" Boluntaryo ni Mama.

Tumawa na lang ako sa kanya at pumunta na sa dining area namin para kumain ng tanghalian. Sinigang na baboy ang ulam namin ngayon, ewan ko ba bakit parang required tuwing sabado na sinigang ang ulam.

"May gagawin ka ba mamaya, Talyana?" Tanong ni Manang.

"Mga schoolworks lang po, bakit po?"

"Nagyayaya ng dinner iyong future daddy mo, Nak." Sagot naman ni Mama.

"Ah sige lang po. Dinner pa pala, e." I just shrugged dahil wala naman talagang problema sa akin kung gusto magka love life ni Mama.

Pagka-tapos kumain pumunta na ako sa kwarto ko. Kinuha ko muna ang cellphone ko at nag check ako saglit ng mga IG stories. Nakita kong may IG story si TJ kaya tinignan ko ito.

Picture ito ng syringe, naalala ko na naman iyong una kong kita sa kanya. Iritang-irita siya sa pag lagay ng mga syringe sa bag niya e.

Nag reply ako sa story niya para ano papansin lang ganon!

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now