Chapter 09

13 1 7
                                    

Nagising ako na masakit ang ulo ko at nasa lapag ng kwarto ko. Ang sakit ng katawan ko dahil sa lapag ako nakatulog siguro dahil ayoko talaga matulog sa kama ko kapag galing sa labas at hindi nag-shower, at bakit ba hindi ako nag-shower? At paano ako nakauwi?

Ang naalala ko na lang ay hinahanap ko si Qiys tapos nalasing ako at naupo sa sofa tapos kinuha ko ang phone ko para tignan ang ang oras at nag-reply sa IG story ni TJ at sinabing...crush ko siya?!


Tumayo agad ako mula sa pagkakahiga at nagulat ako dahil si Qiys ang nasa kama ko at kung ano ang suot niya kagabi, iyon pa rin ang suot niya ngayon!


Agad ko siyang hinampas ng unan dahil ako nga sa lapag natulog at ang gaga ang himbing ng tulog sa kama ko.


"Hoy babae! Hindi staycation ang kwarto ko tumayo ka riyan!" Sigaw ko sa kanya at pinalo uli siya ng unan. "Hoy gising! Ako nga hindi natulog sa kama, e!"


Qiys frowned and just covered herself using my pillow.


"E pinapatulog kita rito kagabi, e! Tumabi ako sa 'yo kaso ang ingay mo at sinasabi mong ayaw mong matulog sa kama mo kaya hinulog na lang kita!" Sagot niya at itinuloy ang pag-tulog niya.


I just rolled my eyes at her.


Kinuha ko na ang phone ko at tinignan agad ang IG. Nakita kong may Voice Call ended na nakalagay sa convo namin ni TJ. Nag-call ba kami?


Wala akong maalala na nag-call kami dahil alam kong napindot ko ang call pero agad ko rin itong pinatay tapos tumawag siya?


Iniisip ko pa rin kung ano ang mga sinabi ko sa call na 'yon kagabi nang biglang nakita kong typing si TJ. Nag-exit agad ako ng IG dahil baka akalain niyang naghihintay ako ng message niya kung bigla akong mag-seen.


terrencejalen: hi, eat hangover soup. Don't go to school if you're not feeling well, friday naman


Napasapo agad ako sa noo ko dahil alam niyang lasing ako kagabi!

terrencejalen: and i really love your reason


Anong reason pinagsha-shabu nito? Walang context 'tong sinasabi niya parang baliw.


talyy_: hi tj, sorry if naabala ka kagabi. Anong reason?

terrencejalen: reason na sinabi mo sa call

talyy_: anong reason nga?


Parang siraulo 'to!

terrencejalen: reason kung bakit mo 'ko naging crush hahahaha


Oh, for the love of God. Anong sinabi ko sa call?! Bakit hindi ko maalala? Bakit kami nag-call? At bakit ko naging crush si TJ?

Ginising ko na si Qiys dahil may pasok kami, mahalaga pa rin ang attendance 'no. Tinanong ko rin si Qiys paano kami nakauwi, sinundo pala kami ni Mama at Tito Robert. Hindi niya raw alam mga sinabi ko kay TJ dahil wala naman raw akong ka-call nung pagbalik niya para kumuha ng tubig.


Nang makarating na kami sa school niyayaya pa ako ni Qiys na dumaan muna sa nursing building na agad kong tinanggihan dahil sigurado akong makikita ko si TJ don.

He knows that I have a crush on him and he is using that to tease me!


"Gaga ka kasi, ang alak deretso sa tiyan hindi sa utak!" Sigaw ni Qiys at tumawa dahil sinabi ko sa kanya ang nangyari.


Dumiretso na lang kami sa room dahil ang klase lang naman namin ngayon ay Grammar and Composition at Mathematics in the Modern World.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now