Chapter 04

29 4 14
                                    

It was friday and hindi na ulit kami nakapag-usap ni TJ dahil na-busy ako sa mga sunod-sunod na written works ko. Si Qiys nga na sobrang harot hindi na makahanap ng oras para i-meet si Kayn e.

Balita ko rin kasi ang dami rin ginagawa sa Nursing ngayon, ang hirap raw ng AnaPhy, ang subject na 'yon ang halos marinig kong nirereklamo ng mga nursing student. Mahina ako sa science kaya maganda talaga ang desisyon ko na hindi ko pinili ang BS psych, pinaniniwalaan rin kasi na for pre-med 'yon. I'm planning to take Law kaya nag AB psych ako.

Kapag ako naging Lawyer una kong ipaglalaban ay ang pagmamahalan namin ni TJ, namimiss ko na humarot. Charot!

Dahil friday at birthday na next week ni Arianna, after school hours I will go to SM to buy a gift for her. My friends and I decided to give her a gift na lang and surprise her with a cake dahil hindi kami magka sundo sa mga gagawin. Hindi naman materialistic si Ari, that's why hindi siya mahirap pakisamahan, kahit anong ibigay mo sa kanya natutuwa siya.

Naalala ko noong valentine's pinag-tripan ko lang naman sila, binigyan ko sila ng tig-iisang garapon ng stick-O tapos si Qiys tuwang-tuwa dahil mahilig siya sa matamis. Si Ari, ang genuine ng pag papasalamat niya first time niya raw kasi maka-tanggap ng regalo as valentine gift. Iyong dalawa naman tinanong ako kung jowa daw ba nila ako dahil mukha akong manliligaw ng isang high school student dahil nga binigyan ko sila ng isang garapon ng stick-O kulang na lang daw ng LSM na nakalagay sa colored paper.

Vacant na at pumunta ako sa tambayan namin dahil nag-message sila sa group chat na naroon sila.

Sabay kaming pumunta ni Qiys at parang pagod na pagod na sa buhay 'tong isang 'to. Well nakakapagod naman talaga ang mga school works namin this week.

"Sana magyaya sila ng inom." Qiys sighed. Natatawa ako sa itsura niya na medyo naaawa.

"Mauna ka na, may bibilhin lang ako." I told her and she just nodded. Pumunta ako sa retail namin and I bought Qiys ice cream, vanilla flavor. Favorite niya kasi 'yon and baka maging maayos mood niya kung kakain siya ng ice cream. I also bought for Alex, Ela and Ari.

Nang matapos na ako bumili, pumunta na ako sa tambayan namin at binigay sa kanila ang ice cream.

"Anong nakain nito bakit biglang may libre?" Tanong ni Alex na ngayon ay kinakain na iyong ice cream. Choosy pa!

"May lagnat 'yan sure ako, punta tayo sa building ng nursing hihiram lang ako thermometer," seryosong sabi pa ni Qiys na ngayon ay medyo ayos na ang mood dahil sa ice cream. I knew them very well, comfort food lang ang makakapag balik ng maayos na mood nila. Ang pangit kasi nila kapag naka-simangot!

"Ang dami mong sinasabi gusto mo lang naman makita si Kayn." I told her. Kumakain ako ngayon ng takoyaki na binili ko kasabay doon sa mga ice cream nila.

"Parang hindi mo naman gustong makita si TJ." Ganti naman ni Qiys. Iniiwasan kong sagutin ang sinabi niya kaya agad kong nasubo ang takoyaki na mainit pa pala!

Mukha tuloy akong tanga na ang likot ng bibig dahil hindi mo malaman saang banda ng bunganga ko ilalagay 'tong takoyaki na pagka init-init!

Tawa nang tawa tuloy 'tong mga babaeng 'to dahil parang nalaman nila na magic word sa akin ang pangalan ni TJ, nasubo ko pa ang takoyaki nang hindi hinihipan. Tanga lang!

"Sino naman 'yon?! Iyong crush nito na nursing rin?" Tanong ni Ari at kinuha ang tubig niya para uminom.

"Oo, nakita ko pa nga search history niyan noong hindi niya pa alam meaning nung TJ sa pangalan nung crush niya, may Tender Juicy ba naman?! Sabi ko bakit may tender juicy, sagot ba naman TJ, e." Pag-chika pa ni Qiys, wala talaga siyang iniwan na detalye kaya nabuga ni Arianna ang tubig na iniinom niya.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now