Chapter 11

16 2 10
                                    

"How will you court a girl, Tito?" I asked Tito Robert. Sunday is family day, usually when it's sunday it's just Mama and I but now we have Tito Robert to eat lunch with us.

"Hmmm, probably doing things she loves to do? I mean that's easy for a man, you just have to be consistent," he said.

"You have to tell the girl that you love her, for me lang, Anak, sometimes actions are not enough to prove that you love someone. Minsan, mahirap mag-assume kung bakit ganito treatment sa 'yo ng isang tao," Mama smiled at me.

Nakakausap ko talaga si Mama nang maayos kapag seryoso ang pagtatanong ko and she never failed to give words I needed the most.


"That's why your love language is Words of Affirmation?" Tito Robert asked her.


"Well," Mama shrugged her shoulders. They really look good together, sayang lang dahil hindi na sila pwedeng makabuo ng baby dahil menopause na si Mama. Malayo na rin ang agwat kung sakaling magkaroon ako ng kapatid.

I agree that the actions are not enough, I really don't know if TJ likes me. I understand that he is giving me special treatment now because he told me he will court me, but what is the reason?

Most people will probably say that he likes me that's why he is courting me, pero iba pa rin kapag sinabi talaga sa 'yo na gusto ka niya.

After our lunch, sinabi ko kina Mama na mauuna na ako dahil may tatapusin pa ako, totoo naman dahil gusto ko na tapusin iyong draft para sa MV namin.

I really don't know if I'm weird but being busy is my way to cope, para matigil ang mga thoughts ko, kailangan kong maging busy.

When I arrived, nagulat ako dahil may tao sa labas at parang may hinihintay. Naka-helmet ito at tinitignan ang gate ng bahay namin. At first para siyang si Tito Robert pero kasama ni Tito si Mama, e.

"Hello po, sino po sila?" I asked the man. He looked taken aback when I noticed him.

"Ah wala po, wrong address lang," he said. Ah delivery pala. Umalis na iyong lalaki at papasok na sana ako nang may biglang tumawag sa akin.


"Taly!" TJ called my name with a smile on his face. May dala siyang paper bag and he is wearing a brown shirt, white shorts and white shoes.


"Hi." I said. "Ano ginagawa mo rito?"

Inangat niya ang paper bag na dala niya upang ipakita sa akin.

"I bought a takoyaki set and hindi ko alam paano gamitin 'to, e," he said while looking at me.

E hindi rin ako marunong e, baka imbis na mag lasang octopus iyong takoyaki na magagawa namin baka maging squid ward lang.


"Hindi rin ako marunong e, paano yan?" Napanguso ako dahil sayang naman iyong bili niya roon.

"I know, kaya nga aaralin natin ng sabay, so ano g ka?" He asked and mukhang excited pa siya.

I just nodded. "Pasok ka, si Manang lang ang tao dito sa bahay kaya feel at home."

Binuksan ko ang gate namin para papasukin siya at dumiretso na rin kami sa loob. Alam ko na nasa kusina si Manang kaya roon na kami dumiretso dahil magluluto rin naman kami.


Nang tignan ko si TJ, nililibot niya ang mata niya habang hawak niya ng dalawang kamay iyong paper bag na dala niya.

When we reached the kitchen, Manang looked confused kung sinong kasama ko, hindi ko rin naman kasi sinabi na may bisita ako.


Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now