Chapter 07

22 3 2
                                    

"What's with the long face?" Tanong ni Mama. Nandito ako ngayon sa clinic niya dahil gusto ko magpa-cleaning ng ngipin. Maganda ang ngiti ko dahil bata pa lang ako naaalagaan na ito nang maayos. Advantage rin kasi kapag may nanay kang Dentista, libre pa-brace ganoon, pero hindi naman ako nag-brace kasi nga bata pa lang ako naalagaan na. Sana all ngipin para inaalagaan. Char!

"Bakit Ma, may short face ba?" Tanong ko sa nanay ko at tumawa. Binato naman niya ako nung isang balot ng tissue na nasa lamesa niya.

May pasyente pa siyang hinihintay kaya sabi ko mamaya niya na lang asikasuhin ang ngipin ko, ka-text ko naman ang mga ngipin ko willing to wait naman daw sila.

May tina-type si mama sa Laptop niya at ako pinag tripan ko ang tissue na binato niya sa akin, nilalabas ko isa isa tapos tinutupi ko para malibang dahil iniisip ko talaga ano nagawa kong mali kay TJ at nagalit sa akin bigla.

Hindi kaya nabahuan siya sa panyo ko kaya sabi niya you're not helping me? Kasi lalo siyang naiyak sa amoy nung panyo?

Natigil na lang ang iniisip ko nang may biglang pumasok sa mini-office ni Mama, si Tito Robert pala. He smiled at me and went to mama.

"Is she okay?" Tito Robert asked and pertaining to me. Hindi sumagot si Mama dahil busy pa siya sa tina-type niya, ito lang ata ang namana ko kay Mama, ang pagiging seryoso kapag may importanteng ginagawa.

Pero bakit hindi ko kaya tanungin si Tito Robert? Lalaki naman siya baka alam niya bakit ganoon ang inakto ni TJ.

"Tito Robert!" Tinawag ko siya pero pabulong lang dahil ayokong magulo si Mama at baka masapak na lang ako bigla.

Tito Robert sat in front of me, bali ang itsura kasi ng mini office ni Mama ay may table niya, sa harap ng table niya ay may dalawang upuan para doon niya kakausapin ang patients niya and then sa harap ng upuan may kaunting space para sa dalawang sofa na magka-harap at may center table sa pagitan.

"Why?" Tito Robert whispered too. I chuckled kasi ganap na ganap kami masyado.

I started by telling the story before proceeding to my question.

"So, there's a guy tapos nakita siya ng friend ko na umiiyak nang patago, hindi naman niya sinasadyang makita like nadaanan niya lang ganon tapos nilapitan siya nung friend ko kasi crush niya po 'yon tapos sabi ng friend ko kunin niya iyong panyo ng friend ko para pamunas ng luha niya tapos after non may kaunting words of wisdom lang naman iyong friend ko tapos umuwi na iyong friend ko tapos di na siya pinapansin after one day, kilala kasi si guy as strong man kaya 'yon po." Pag-kwento ko. Tito Robert is just listening na akala mo ay podcast ang pinapakinggan niya.


Pagtapos ko i-kwento lahat ng details he gave an amused smile. Anong nakaka amuse sa kwento ko? Nahahawa na siya kay Mama na bigla bigla na lang nagbibigay ng ganyang ngiti.

"I think the guy likes your friend, nahiya siguro siya na nakita siya ng taong gusto niya  na umiiyak." Tito Robert said and he just shrugged. Nang-laki ang mata ko dahil he likes me!?

"No! Impossible na magustuhan niya ako Tito!" I shouted. My mom looked in our direction, nag peace sign na lang ako dahil naabala siya sa sigaw ko.

"So it's you and not your friend! Anyway, don't conclude things by yourself, Hija. There's no harm in asking questions." Tito Robert smiled.

Hindi ko lang masabi na pag napikon si TJ bigla akong tusukin ng syringe e!

I thanked Tito Robert and Mom proceeded to clean my teeth para makalayas na raw ako sa clinic niya dahil ang ingay ko raw!

After I went to my Mom's clinic plano ko na talagang umuwi kaso nakita ko sa IG story ni TJ na nasa Robinsons Manila siya kaya dumiretso ako roon kahit wala naman akong bibilhin. 

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now