Chapter 13

11 1 9
                                    

Weekends came and I'm so busy because our finals exam is next week. Nandito ako ngayon sa coffee shop, ayoko mag-review sa bahay dahil nanggugulo sila Mama at Manang. Kapag weekends kasi ang dami nilang ginagawa such as yoga, zumba or cooking.

Ayos rin naman mag-review coffee shop, unli-refill ka lang ng kape mo dahil malapit lang ang counter sa 'yo.

Buti na lang rin natapos ko na ang mga performance task namin dahil ngayon ay focus na lang ako sa pag-review. After exams undas break na tapos enrollment na for 2nd semester, ang bilis!

Bilang isang clout chaser, nag-order ako ng pangalawang kape ko at pinicturan ito kasama ng Laptop ko, kunyari may pumapasok sa utak ko ganoon!

Minutes later Qiys and TJ replied to my story. Ang bibilis nila ah, iisipin ko na lang na stalker sila.

qiyssable: 'wag ka nga mag review nakahiga lang ako dito tapos mag sstory ka na nag rereview ka edi nataranta na lang ako

Natawa ako sa reply ni Qiys dahil ganoon rin ako, tipong nakahiga na ako tapos meron sa kaklase ko na mag IG story na nag-aaral sila, nakaka konsensya kaya ang ending tatayo ka sa higaan para mag-aral rin.


Nag-reply lang ako kay Qiys at saka tinignan ang reply ni TJ sa story ko.


terrencejalen: sipag naman, pwede maki join?

talyy_: bawal sabi ko

terrencejalen: okaaaay : (

I laughed. Gusto ko lang kasi na mag isa ako kapag nag-aaral. Kapag may may kasama kasi mas gusto kong dumaldal tapos wala na lang akong matatapos dahil puro daldal na lang ang magagawa kaya I prefer to be alone.


Buti na lang rin nire-respeto ni TJ kapag gusto ko mapag isa. I really love to have alone time, that's the time when I love to gather my thoughts, sometimes nagbabasa ako ng libro. Pero dahil marami na kaming binabasa sa AB pysch, I prefer watching over reading books.


I just continued to review. I have my earphones para may music ako, mga Lo-fi lang naman para hindi ako antukin dahil ang daming binabasa talaga. Nakakaloka lahat ng coverage ng exam namin lalo na sa Intro to Psychology.


I lost track of how many coffees I ordered pero naubos na ulit ang kape ko, tinanggal ko na ang earphones ko at oorder na ulit nang may biglang nag lapag ng hot chocolate drink sa table ko.

Hindi pa ako nakakatayo kaya I looked up kung sino ang nagbigay and it was TJ. He is wearing a grey T-shirt, brown shorts and white sliders.

"Nakaka limang baso ka na ng kape, ito na lang inumin mo," TJ uttered while looking at me.

Paano niya nalaman na nakaka limang baso na ako? Ako nga hindi ko alam, e.


"What are you doing here?" I asked.


"Sumabay ako papunta pero hindi ako nagsabi dahil alam ko na ayaw mo na may kasama kapag nag-aaral ka, nandoon lang ako sa gilid nakaupo. Sorry for giving you a hot chocolate pero too much coffee can affect your health," he said.

Grabe, he is paying attention. I don't even know how many cups I took because I was too busy to notice. This man...really.


"Just drink water if you want to drink. Upo na ako," he smiled. Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. He looked taken aback pero nagawa niya pa ring tumingin sa akin.


"Let's study together," I said while smiling at him.

Namula ang tenga niya sa sinabi ko, ang dali naman niyang pakiligin!


Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now