Chapter 03

24 5 6
                                    

"Ano ba 'tong mga pinag-sesearch mo para mahanap ang FB ni TJ?!" Tawa nang tawa si Qiys dahil may pinapakita akong cake sa kanya na nakita ko sa facebook para sana sa birthday ni Ari kaso hindi ko alam paano siya napunta sa search bar, unfortunately hindi ko pala na-delete ang search history ko.

"Bakit ano meron?" Naki-chismis naman agad si Ela, si Alex busy mag review para sa quiz nila bukas. Kasama ko silang dalawa dito sa tambayan namin sa school, may malaking puno kasi kaya masarap tambayan dahil hindi mainit. Wala si Ari dahil may meeting raw siya for group project kaya malaya akong nakakapag discuss ng idea ko para sa birthday niya.

Tawa pa rin nang tawa si Qiys, hindi ko na sinubukan bawiin ang phone ko dahil hindi naman ako mananalo sa kanya.

"Tignan mo naman!"

Pinakita ni Qiys iyong search bar at agad na pinipigil ni Ela ang tawa niya dahil naka tingin na ako ng masama sa kanilang dalawa. Dapat kasi talaga nag bura muna ako ng search history e!

"Pucha, seryoso ba na si Taly nag-search niyan?" Tawa na rin nang tawa si Ela habang binabanggit isa-isa iyong sinearch ko.

TJ na pogi sa nursing

TJ na may sryinge

pogi sa nursing na naka-salamin

Tender Juicy hotdog

TJ love taly

pogi sa nursing na mabango at naka salamin

poging tender juicy

"Bakit may tender juicy dito?" Pinupunasan na ni Qiys ang luha niya dahil sa katatawa niya.

"Baka gusto niya nung hotdog ni Nursing." Sumama na rin sa pang-aasar si Alex.

"Terrence Jalen kasi name non, hindi ka kasi nagtatanong," sabi naman ni Qiys.

"Nagtanong ako sa'yo!"

"IG ang tinanong mo hindi name," she said and rolled her eyes.

"Akin na nga phone ko, friends na rin naman kami, bleh!" I told them and dumila pa ako.

Sabay-sabay pa silang tumili pagka-sabi ko and Qiys being her usual self sinabunutan pa ako. Love language niya talaga ang pagiging bayolente.

"Buti in-accept ka?! TJ na 'yon oh." Qiys said habang pinapalo pa rin ako, mas kinikilig pa siya.

"Sino ba ang may sabing ako ang nag-add?" Pag-yayabang ko pa. Well, ako 'to e.

Lalong lumakas ang tili nila at ang palo ni Qiys. Tawa ako nang tawa dahil mas kinikilig pa sila kahit wala pa namang nangyayari.

Hindi ko alam paano kami natapos sa bardagulan namin pero naghiwa-hiwalay na kami dahil may mga kanya-kanya pa kaming klase.

Pumunta na kami sa room namin dahil may klase kami ngayon sa Mathematics in the Modern World. Hindi kami tabi ng upuan ni Qiys at dahil tahimik ang paligid dahil hindi ko siya katabi I decide na maghanap ng magandang regalo for Ari dahil 20th birthday niya na next week.

Hindi ko alam kung ako lang ba pero gusto ko talaga maramdaman ng ibang tao na mahalaga ang bawat birthday nila dahil may napapasaya silang tao dahil nag-exist sila, kaya kapag may favor ang friends ko go agad ako kasi being with them makes me happy.

Sa facebook ako naghahanap ng cake dahil gusto ko ng customized cake pero ang demonyo kong kamay ay bigla na lang napunta sa account ni TJ.

Naka-indicate sa profile ni TJ ang course niya at ang IG niya, may SocMed naman pala siya baliw lang talaga si Qiys na sinasabing email lang ang meron si TJ.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now