Chapter 08

17 2 1
                                    

"For your performance task, you will create a Music Video about prioritizing mental health. Next week I will give a pointers to review for your upcoming exam. Class dismiss." Sabi ng prof namin sa Intro to Psychology.


Para naman akong binuhasan ng malamig na tubig dahil ma-trabaho ang paggawa ng MV! Gumawa na rin kami ng MV noong SHS ako, e!


Qiys being Qiys, she went to me and started to shout.


"Badtrip naman sa MV na 'yan! Ilalabas ba nila 'yan sa YouTube?! Tatalunin nila iyong mga vlogger ganon?! Bakit hindi na lang mukbang ang ipagawa sa atin baka matuwa pa ako!" Reklamo agad ni Qiys.


"Agree ako sa mukbang," sagot ko sa kanya.

"Oo parehas kayo ni Alex na PG, e."

Hinampas ko na lang siya at niyaya na bumili ng Ice cream para lumamig ang ulo, ayaw niya naman!

"Ang makakapag pa-lamig lang ng ulo ko ay lambing ni Kayn," she said at niyakap pa ang sarili, ayan tama 'yan mag self-love ka.

"Lambing ko ayaw mo?" Biro ko sa kanya.

"Kadiri, huy!" Singhal niya, umarte pa na nasusuka.

Sa huli pumayag na rin bumili ng Ice cream si Qiys, sabi ko kasi libre ko na at ang gaga hindi man lang nag-dalawang isip, pumayag na agad!

Sa labas raw kami ng school bumili para magnum ang mabili niyang Ice Cream, napaka-galing!


May kine-kwento si Qiys habang palabas kami ng school pero hindi ko naman maintindihan kasi ang bilis magsalita, minsan napapaisip ako kung may nakakausap ba 'to sa bahay nila dahil ang dami niya talagang energy para dumaldal.


Nag-check ako ng phone ko habang 'yong katabi ko daldal pa rin nang daldal, nakita ko na may message si Ari sa GC namin.


Arianna: @everyone hindi ako makakasabay kumain 2day, see u mamaya sa party ang di makakapunta mababaog mwaps.


Talyana: hindi aq makakapunta may date kami ng jowa q


Elara: ang maniwala bobo



Natawa na lang ako sa reply ni Ela, ngayon kasi ang party ni Ari dahil ngayon talaga ang birthday niya.


"Ba't tumatawa ka, wala namang nakakatawa sa kwento ko?" Tanong ni Qiys.

"Walang nakakatawa sa kwento mo pero sa mukha mo meron, pinaalala pala ni Ari 'yong party niya mamaya. " I said.

Qiys smiled at parang may masama pang binabalak. Magsasalita na sana si Qiys pero inunahan ko na.


"Quira 'wag kang iinom kung hindi mo kaya alagaan sarili mo nako iuuwi talaga kita kahit hindi pa tapos ang party." Pag-babanta ko at ang gaga inirapan lang ako!


She just mocked my words, napailing na lang ako. Ako kasi ang nag-aalaga kay Qiys tuwing nalalasing siya dahil sobrang kulit niya.


Iyong huling inuman nga namin dahil lasing na lasing siya habang pauwi kami non may nakita kaming pusa na may dilaw ang balahibo parang napahiran ata ng pintura, kinuha ba naman ni Qiys at itinaas sabay sumigaw siya ng Pickachu Thunderbolt!

Kaya simula non ayaw ko nang kasama si Qiys sa inuman dahil ang kulit sobra, baka sa sa susunod na malasing 'to hindi lang pusa ang mapag-tripan.


Nang matapos na kami bumili, lumabas na kami at hindi talaga nagbibiro si Qiys dahil magnum talaga ang binili niya!

"Tara na," sabi ko dahil huminto pa siya pagka-labas.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now