Chapter 12

12 1 17
                                    

Maaga akong nagising dahil susunduin raw ako ngayon ni TJ para sabay kaming pumasok at mag-almusal.

'I like you, Taly'

Impit akong napasigaw kapag naalala ang sinabi sa akin ni TJ kahapon, tapos niyakap niya pa ako. Napuna na nga ni Ela ang mukha ko kahapon dahil para na raw mapupunit sa kaka-ngiti ko.

Kinuha ko agad ang phone ko sa side table ko para tignan kung may message na si TJ.

Terrence Jalen Rodriguez:
good morninggg!

Para akong tanga dito na ngumungiti sa isang message, ewan ko pero nakakakilig kapag nagka aminan na kayo na gusto niyo ang isa't-isa.

Nagreply lang rin ako ng goodmorning at tumayo na para maligo, uniform ang suot ko ngayon dahil may isa kaming klase ngayon. Lakas talaga ng prof ko na 'yon exams week na pero nagka-klase pa rin, walang paawat!

Nang matapos na ako maligo I blow dry my hair and I tie it into a bun, I leave some strands of my hair para kunyari messy bun. Kinuha ko na ang gamit ko at nagmadaling bumaba dahil nag-message si TJ na papunta na raw siya.

"Bakit naman madaling madali ka?!" Sigaw ni Mama dahil narinig niya siguro ang paa ko na nagmamadaling bumaba ng hagdan.

I chuckled. "May magsusundo sa akin," I said.

"Sino si San Pedro?" Tanong ni Mama.

I glared at her. "Opo, pinapa-sundo na rin niya po kayo dahil kamukha mo raw po ang manok niya." Biro ko kay Mama.

She glared at me.

"Kailan ko makikilala 'yang nagsusundo sa 'yo?" She seriously asked.

I cleared my throat. "Gusto niyo po bang papasukin ko muna bago kami umalis?" I asked. Pwede naman kaso baka mabigla si TJ kapag pinakilala ko siya agad kay Mama.

"Next time na, may maaga akong appointment ngayon at hindi ata makapag hintay ang ngipin dahil ang aga masyado," umiling-iling pa si Mama pagkatapos sabihin.

Tumawa na lang ako kay Mama at lumabas na dahil nag message na si TJ na naroon na siya sa tapat.

Nakita ko agad ang SUV niya at nang makita ako agad siyang bumaba. Kita mo 'tong isang 'to pakitang tao, pinagbuksan pa talaga ako ng pinto!

"Good morning, beautiful," he greeted me. My cheeks heated when he said the word beautiful dahil alam ko naman na maganda ako tapos sinasabi niya pa! Nakakakilig tuloy!

I looked at TJ and he looks good, he is wearing his uniform too while his hair was fixed backwards, may mga maliliit lang na buhok na nasa side kaya nag mukhang messy ang buhok niya but he still looks good!

He started driving. "Saan mo gusto kumain?"

I smiled. "I'm craving for some waffles."

"Pancake house? Masarap waffles don," He said. Agad naman akong tumango kaya kinurot niya ang ilong ko.

"Cute mo." He said.

Namula naman ako sa sinabi niya, buti na lang nagda-drive siya at hindi niya mapapansin na bigla na lang niya akong sabihan na cute.

Nang makarating na kami sa pancake house, pumasok na agad kami sa loob lalo akong nagutom sa amoy!

Nag-order lang kami agad bago umupo. Since I'm craving for some waffles, I ordered chocolate marble waffle and regular vanilla milkshake while TJ ordered two pieces of classic pancakes and lemon mint tea.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now