Chapter 01

51 7 5
                                    

White paint all over the room, with students wearing white uniforms as well. Clean, neat, peaceful. If things get messy, there’s a consequence to that, and a reason of course, for sure.

The class just started but I’m already fighting the urge to yawn.

"There's always a reason why people behave in a certain way." Panimula ng prof ko sa kanyang discussion.

Pero hindi ko maisip bakit ang behavior ko ay antukin palagi, hobby ko na ata ang antukin kasi alam mo 'yon kapag kumpleto ka sa tulog inaantok ka, kapag naman kulang aantukin ka pa rin.

I decided na mag-focus na lang sa discussion, wala na ata akong magagawang matino kapag sinakop ako ng mananakop na antok.

"For example, mayroon kang kaklase na bully," My prof said and agad akong tumingin kay Qiys, kaibigan ko. Tinignan naman niya ako ng masama. Nag-pigil ako ng tawa dahil sa totoo lang si Qiys ang pinaka makulit sa amin at pinaka-bully na rin.

Tinuon ko na ulit ang atensyon ko sa Prof namin dahil mukhang maganda ang lesson namin ngayon.

"And you found out na kaya siya ganoon because he is a vulnerable person, ayaw niyang ipakita kaya dinadaan niya sa pagiging superior," my Prof said.

I slowly nodded, it makes sense.

"For example he's sad deep inside and he just needs to divert his attention sa ibang tao para makalimutan niya ang pinagdaraanan niya." Ngumiwi ako sa statement na iyon and I raised my hand to express my thoughts.

"Yes, Miss Labiste?"

"His behavior shouldn't be tolerated po, ang dahilan niya po para mang-bully ay hindi valid." I seriously said.

"Good statement. You guys are studying psychology so instead of tolerating, why not help him?" Our prof smiled and she dismissed our class. That was a good lesson though.

Inayos ko na ang gamit ko dahil wala raw kaming Professor sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino and I thank heavens for that kasi super nakaka-antok siya mag turo at napaka terror pa.

"Taly, samahan mo 'ko," nagulat ako sa biglang pag-sulpot ni Qiys sa tabi ko na parang kabute.

"Saan? Puntahan muna natin sila Alex." Iyong isa pa naming kaibigan.

"May crush ako sa nursing, e. Punta tayo sa bulding nila, please, Taly." Her eyes were pleading and I chuckled to her face.

Sa huli, pumayag na rin ako dahil hindi naman na ako makakatanggi dito kay Quira, that's her name, but she prefers calling her Qiys. Para raw kapag nagka-jowa siya tawag lang sa pangalan niya hahalikan agad, kasi nga Qiys.

Sa circle of friends ko we're five, si Qiys, si Alex, Ari, and Ela. Mas close nga lang kami ni Qiys because we took AB psychology while the three took the business field.

Mukha silang pera e, charot!

Nang makarating kami sa building ng Nursing parang batang nawawala si Qiys dahil hinahanap ang crush niya, ako naka-sunod lang dahil support lang ako sa kagustuhan ng mga kaibigan ko.

Naglalakad lang kami pero bigla na lang akong pinalo ng katabi ko. Napahawak ako sa braso ko at natatawa sa mukha ni Qiys dahil mukha talaga siyang bata.

"Ayon Taly!" Sabi ni Qiys habang pinipigilan ang pag-tili niya.

I rolled my eyes, bakit nga ba ang daming gwapo na nursing?

Ang pogi nila sa white uniform nila, nakakainis!

"Ano namang pangalan niyan?" Tanong ko.

"Kayn ata, hindi ko sure, e." She said while fixing her hair, ang harot.

Kita mo 'to, crush niya pero hindi sure sa pangalan!

Naka-tingin ako roon sa Kayn na crush ni Qiys pero may isang lalaki ang naka agaw ng atensyon ko.

Ang tangkad at ang gwapo!

He is wearing glasses and bitbit ang libro niya. May bitbit rin siyang syringe na nilalagay niya sa bag niya, naka-kunot rin ang noo niya at mukhang hirap na hirap na sa buhay kahit pinapasok lang naman niya ang syringe sa knapsack niya. Ang cute naman amoy baby powder.

"Bakit ayaw mo roon? Mas pogi nga 'yon oh,"  turo ko nang patago roon sa lalaking syringe.

"Ay kay TJ? Ayoko riyan, masyadong matalino and nakaka-intimidate tignan mo nga ang sungit tignan." Umiiling-iling pa siya.

TJ pala pangalan niya or nickname I guess.

Tinignan ko si TJ and nagulat ako dahil naka-tingin rin siya sa akin. Ang sinasabi ni Qiys na masungit siya tignan ay hindi ko makita. Ang soft at ang fragile ng mga mata niya. Eyes never lie talaga e, kunyari pa siya na masungit. Hmmp.

Pero noong nag-iwas na siya sa akin ng tingin bumalik ang pagiging masungit era niya.

"So, uhmm kung napopogian ka kay TJ, lagi mo na ba ako sasamahan dito sa nursing building?" Qiys asked me at nagpapa-cute pa.

"Hindi bagay sa 'yo mag-inarte, tara na nagugutom ako." Hila ko sa kanya at dinaanan na lang si Kayn at TJ.

Pagka-daan namin sa side nila TJ, naamoy ko ang pabango niya and ang bango niya. Major turn on talaga kapag mabango at gwapo extra na lang kapag nursing student.

Marupok sa pogi!

Grabe, hindi ako naniniwala sa love at first sight dahil hindi naman talaga hindi ko naman siya mahal agad!

Pero...

Quira, mukhang sasamahan na nga kita dito sa Nursing building.

Your Scar is BeautifulWhere stories live. Discover now