Picture ni Redd Eucliffe :3
...................................................
Chapter 1: Lecheng pag-ibig 'yan!
-ALEXA ANDRADA-
Sa kasalukuyan, naglalakad ako ngayon sa pepetchiging daan ng plaza, hindi nag-abalang magdala pa ng penny board ko, katamad kasi -_-. Nang may narinig akong hiyawan at tili ng mga babae. Tsk, ang iingay naman nila -_- ano ba kasi ang meron——
"Ah sht!" -Pagmura ko. Liliko na kasi sana ako sa iskinita para tignan kung anong meron sa mga tili ng mga babae ng may biglang bumangga sakin. The nerve.
Lumingon siya sakin. "Sorry—" -bigla siyang napahinto sa pagtatakbo ng makita niya ako. Nakakatakot ba mukha ko? -_- Teka..
"Ikaw 'yung— anak ng sikat na mag-asawang artista na sina Mrs. at Mr. Eucliffe a? 'Yung anak nila na tumanggi bilang artista pero pinagkakaguluhan naman sa eskwelahan?!"
"Ikaw 'yung ninakaw— nevermind."
Tsk. Oo, kilala ko 'yan. 'Yan si Redd Eucliffe, pero 'di niya ako kilala a -_- . Anak kasi 'yan ng sikat na mag-asawang artista na sina Rico Eucliffe at Purple Ignacia Eucliffe. Ang balita nga araw inalok siya ng parents niya na mag-showbiz kaso tumanggi siya. Oo, tumanggi na siya mag-showbiz pero sikat parin siya sa school. Kasi nga raw sabi nila na GWAPO RAW. Naks naman.
Nagulat ako ng bigla niyang hinigit 'yung kamay ko at hinila papalayo ng mga fans niya, pinagtataguan kasi niya e -_-. Noong na sa medyo malayo na kami , binitawan na niya 'yung kamay ko.
"Ang boyish mo na a. -_-"-bulong nito. Bulong ba talaga 'yun?
"Pakealam mo ba?!" -pagtataray ko.
Bigla nalang siyang tumitig sakin kaya nailang ako. Buset -_-.
"Hindi mo ba ako natatandaan?" -medyo malungkot na tono ang gamit niya sa boses niiya.
"Ikaw 'yung anak ng mga Eucliffe."-simple ng pagsagot ko sa tanong niya. Ano ba kasi ang dapat kong tandaan tungkol sa kanya? Wala naman diba?
"Instead of that. Wala ka na ba talagang matandaan tungkol sakin?"-tanong nito. Medyo nilapit niya ng kunti 'yung mukha niya sakin. Agad naman akong lumayo,Kadiri 'tong baklang 'to a. Bakla na nga, pervert pa. Saklap pre, tagos sa lungs xD.
"Wala talaga e. Namimilit? Ganun?"- kunot noo kong naging reaksyon sa kaniya.
Tumayo naman siya ng maayos at inayos ang damit niya. "BTW, I'm Redd Eucliffe."-pagpapakilala niya sakin tsaka naglahad siya ng kamay hindi ko. Hindi ko iyon tinanggap at "Syempre, kilala kita. Utak men Utak -_-" -pang-iinsulto ko sa kaniya. Nag-cough siya at parang sinasabing 'Ok, Take two.' "Anong pangalan mo miss?"- tanong niya habang suot ang malanding ngiti. "Ewan."-sabi ko sabay tuluyan ng umalis. Narinig ko pa ang 'Tekaa!' niya. Bahala na siya, sayang oras ko.
~*~ Condo Unit
Nandito na ako ngayon sa elevator , naghihintay sa pagbaba ko 'Ting!' And speaking of. Agad naman akong bumaba.
In-enter ko na ang passcode ko sa unit ko.
Nagulantang ako sa nakita ko sa salas.
"Leon! Ba't nandito ka?!"
"Eh. sa alam ko ang passcode mo e!"-sagot nito habang nakapatong pa 'yung dalawang paa niya sa coffee table ko sa salas at nilalaro ang drumsticks niya. "Saan ka ba galing?"-tanong nito sakin tsaka umayos ng upo. "Somewhere na wala ka." -sabi ko. "Nakasalubong ko nga si Redd Euclifffe e."-dagdag ko pa. "Really?! Diba sikat 'yun?! Tapos? Tapos?"-masigla nitong tanong, tsk.
"Noong una, may narinig akong mga tili ng mga babae tas liliko na sana ako para tignan kung sino 'yung pinagkakaguluhan nila nang bigla niya akong nabanggga kakatakbo niya. Tas tumitig siya sakin at tinanong kung may natatandaan pa ba ako tungkol sa kanya."-pagkukwento ko sa kaniya.
"Tapos? Ansabi mo?"-tanong nito ulit habang ibinaba ang mga paa niya nito sa coffee table ko na para bang interesado siyang makinig.
"Sago ko, wala. Tas naglahad naman siya ng kamay sakin at nagpakilala e kilala ko naman siya tas he asked for my name. Hindi na ako sumagot at umalis na."
"Aba bunso, baka TRUE LOVE mo na 'yan! Baka kayo na ang nakatadhana!"- Parang baklang sabi ni Leon.
"Ayts! Lecheng pag-ibig 'yan! Wala akong alam diyan." -sigaw ko sa kaniya at tumayo.
"Leon! Punta lang ako sa unit mo, paglalruan ko lang drums mo."
Yeah, magkapitbahay lang kami ni Leon kaya ang sobrang close namin at pati passcode namin ay pareho naming alam.
"Hoy bunso!"-sigaw niiya sakin, tinapunan niya pa ako ng isang pirasong chichirya. Langya. "Subukan mo lang talaga."-pagbabanta niya sakin.
"tSK. Ang damot mo talaga Leon -3- Peste ka! Akin na nga 'yang chichirya ko!"
"Eh ubos na e."
Peste talaga 'tong si Leon. Makalabas na nga lang!
Papunta na ako sa elevator para lumabas na. Pupunta nalang siguro ako sa bahay , ang boring e, wala kasi kaming gig ngayon. Noon bumukas na 'yung elevator, nahulog ang panga ko sa nakita ko.
"Ikaw?! Ba't ka nandito?! Sinusundan mo'ko 'no?! May gusto ka sakin no?!"-nauutal kong tanong sa kaniya. Si Redd Eucliffe.
"Heh. Akala mo ikaw lang ang nagulat? Hindi kita sinusundan ano. Ano ang akala mo sa'kin? Stalker? Sa mukha kong 'to? Sorry miss ha? Nagkataon lang siguro na nandito ka sa condominium KO."
"Huh?! Sa'yo 'to?! o.o" Sasagot na sana siya noong inunahan ko na siya.
"Heh! Ba't ba ako nakikipagusap sa 'di ko naman kilala, sa isang istranghero. Tabi nga."
"Tsss. Nagbago ka na Kiddo ah."
........................................................
(a/n: at ayun! chapter 1 na :) gaya ng pinramis ko. LOL haha Please like our official fanpage ——->https://www.facebook.com/BGMSBBSARSOFFICIAL
Lol. PLease Vote,comment and share! :)
Pakifollow namin kami ni MiMiChuuMikyuu
Thanks!
AteNikkss)

BINABASA MO ANG
She's A Rockstar
Teen FictionMay pag-asa pa nga bang magka-lovelife at magka-boyfiiee ang babaeng may pusong barako? Tara't subaybayan na'tin ang storya ni Alexa! AteNikkss