3

60 2 0
                                    

Nilinis ko na lang ang buong silid, tanging mesa lang ni Mayor ang hindi ko pinakialaman. Mahirap na baka mapagbintangan.

Pagkatapos ng mag-alas 10 ng umaga ay umalis muna ako roon at naglakad-lakad bago bumaba, sakto namang kakarating lang ni Mayor... kasama iyong dalawang pulis at tatlong personal na bodyguard. Natigilan nga ako at gumilid, tumitig pa iyong isa na naalala kong Lopez yata bago bumuntot kay Mayor na hindi man lang ako napansin!

Pulang-pula tuloy ako at umiwas na lang. Saktong pagkalingon sa kaliwa e nandoon si Ma'am Bessy na pigil-pigil ang tawa. Mas lalo lang akong nahiya.

"Ano, sabay tayo maglunch mamaya." Aya nito pagkatapos na mapansing napahiya ako roon.

"Sige po,"

Aalis na sana ako para bumili ng pagkain, bored na ako sa itaas, at siguro bibilhan ko na rin ng damit si Ate Bobby... para kumalma lang ito... kaso iyon nga bumalik ang pulis, si Lopez yata, at tinitigan ako. Pansin ko ngang para siyang nahihiya. Kahit na mas bata itong kaharap niya.

"Ma'am, tawag po kayo ni Mayor sa itaas." Turo nito.

Napasalat na lang ako sa sariling ilong bago sumunod. Panay nga ang sulyap noong pulis, para bang tatakasan ko eh kailangan kong sundin si Mayor.

"Mayor," pansin ko dito.

Ngumiti ito at may inabot saking supot. Nagtataka naman ako ngunit tinanggap ko na lang at napatikom ng bibig ng nakitang pagkain iyon.

"Salamat po,"

Isang tango lang ang natanggap ko mula rito. Ako nama'y... ah, paano ko ba sasabihin? Kinikilig? Shoot! Tama ba iyon? Halos mapunit nga ang labi ko sa kangingiti habang pumapasok sa loob ng sariling opisina.
Binuksan ko na lang ang monitor kahit na wala naman akong gagawin doon. At muling sinilip si Mayor, na nakayuko. Yon nga lang, nabura rin ang ngiti ko ng napansin na tinititigan ako noong mga bodyguard at mga pulis. Para bang nanunukso, ako naman na sadyang pikunin, ay tumalikod sa kanila at nahihiyang nilagay na lang sa isang tabi ang pasalubong.

Kaso, hindi pa nga ako kumakalma sa hiya e naalala ko na naman ang baong nilagay ko sa ibabaw ng mesa ni Mayor. Halos manlaki ang mga mata kong sumilip muli roon. Kanda haba nga eh ang leeg ko para lang mahanap ang nilapag kanina. Kaso... wala naman eh. Saan na kaya iyon?

"It's okay, iwan niyo na ako rito. Hindi pa ako bababa..." utos ni Mayor pagkatapos ng ilang minuto.

Tumango ang mga julalay at umalis na roon. Pagkaalis nga e tumayo na ako at lumabas bago parang bata na pumwesto sa tapat ni Mayor.

"O? Hanana, bakit?"

Hilaw ang naging ngiti ko bago ibinuka ang bibig. Nakakahiya ano, pero kasi... kailangan kong malaman kung nasa'n na iyon. Baka kako hindi nagustuhan nito kaya nagdesisyon na lang itapon sa basurahan.

Basurahan? Pinilit kong silipin, kaso nakatakip.

"M-mayor, ano kasi... may nilagay akong baunan dito kanina. Nakita niyo po ba?" Tanong ko kalaunan.

Ngumiti ito at may kinapa mula sa ilalim. Ipinakita sa akin ang kulay pink na lalagyan.

"Salamat dito, kakainin ko mamaya."

Halos lumundag ang puso ko sa tuwa. Ngising-ngisi na naman akong naglalakad pabalik ng opisina. Kaso natigilan ako at bumalik sa puwesto, doon sa tapat ni Mayor. At nagtanong...

"Wala po ba akong gagawin, Mayor?" Bahagyang kunot ang noo ko nang nagtanong nito.

"Nabobored ka ba?" Ngiting tanong nito.

Medyo namula tuloy ang pisngi ko at hindi alam kung ano ang isasagot.

"Can you file those documents for me?" Tinuro nito ang mga cabinet na nandoon malapit sa pintuan.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon