15

36 2 0
                                    

Ready na ba talaga ako? Paano kung tulad lang din ng iba e nadadala lang ako sa init? Dahil ni minsan hindi nagawa sa'kin 'to ni Kevin, nagugulat lang siguro ako kasi iba si Mayor. Matured, hindi lang sa katawan kundi buong pagkatao.

Kaya lang, Hanana? Nag-iisip ka ba talaga? Paano kung gawin niya nga ng paulit-ulit iyan? Ano? Magpapatianod ka? Para kang bobang tunay.

Sa inis na iniisip eh tinulak kong muli si Mayor. Ramdam ko ang bigat at gaspang ng palad ni Mayor, may sa kung ano roon. Mainit kaya nakakapaso... ngunit dahil may kakaunting katinuan pa eh naisip kong hindi talaga tama. Nakakabulasok ang appeal nito, para talagang may mahika. Siguro ay dahil sa unang pagkakataon ay may humawak sa akin ng ganito.

"K-kinakabahan ako, please Mayor... tigilan mo na yan."

Bahagya itong sumilip sa akin. Lunok naman ako ng lunok habang nakikita sa gilid ng mga mata ko iyong pagtitig din nito sa akin. Diniin pa nga ako lalo sa kama. Napasinghap na lang ako sa gulat... lalo na't natulala na lang ako sa kisame habang naramdaman ang sunod-sunod na pagsipsip at pagdila nito sa tenga, ilalim ng tenga at sa leeg ko.

Maya't maya e namungay ang mga mata ko. Hindi ko maintindihan, siguro dahil nakakakiliti? O dahil sa ideyang bangong-bango ako kay Mayor habang nilalandi nito ngayon ang leeg ko? Ewan.

"Uh, ha?" Nabilaukan tuloy ako at napahawak sa braso nitong bumaba. Nagpabigat nga ito sa gilid ko eh. Ngunit hindi iyon ang nagpaangat sa akin. At hindi rin iyon ang humila sa kaluluwa ko upang panindigan ng balahibo.

Kundi iyong... katotohanan na unti-unti humahaplos ang magaspang nitong kamay mula sa ilalim ng aking sout na palda. Paakyat. Hanggang singit.

Mahabaging Langit! This is so wrong! Hindi! Kaunti na lang, maaabot na nito ang tukoy. At alam ko kung alin... kaya lang paano ko naman pahihintuin pa iyan kung namamalat ang lalamunan ko sa kalulunok? Hindi ako makapagsalita sa sobrang tuyot noon. Nangingilabot pa ako, nanginginig ang kalamnan ko.

"Bababa ako, Han... medyo nahihirapan ako rito."

Bulong nito pagkatapos na malagkit akong dinilaan sa ilalim ng tenga. Natulos na nga lang ako at hinahapo... naghalo ang kaba at kilabot... na ako mismo ay nagulat na kaya ko palang magkaroon ng ibang damdamin maliban sa inis, galit at saya.

Mabilis pa sa ilang segundo na napaupo ako sa kama at sinilip si Mayor na humila ng maliit na upuan at ipinuwesto sa ibaba. Doon mismo sa dulo ng paa ko.

"T-teka..." saway ko rito nang isiningit nito ang kamay sa kabila kong hita at pilit na binubuka.

"Hanana, let me through..." seryosong saad nito.

Kandailing naman ako. Ano raw? Anong ba talagang gagawin nito?

"Han," natatawang tawag nito habang pilit na binubuka. Ako namang natatauhan na at bumababa ang init na naramdaman kanina ay kumalma na't umiiling pa rin.

"Hanana, I'm sure you will like it. Titingnan ko lang naman."

"Bastos niyo," hindi ko napigilang ibulong.

Natigilan ito hindi dahil nainis kundi talagang natatawa habang sinisilip akong nakaupo roon.

"Fine," iiling na tayo nito.

Napangiwi ako at nag-init ang pisngi. Nakaramdam ng pagkahabag habang tinitingnan si Mayor na tumayo sa gilid ng upuan. Medyo hindi normal ang paghinga... ako namang wala talagang ideya e bumaba sa kama at lumapit sa kanya. Pinatigil niya ako sa gitna...

Nag-init tuloy ang gilid ng mga mata ko. Para akong nainsulto at naiinis.

"Just stay there, Han... for a minute." Bulong nito sa huli.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon