16

40 2 0
                                    

Habang nakaupo sa tapat ng table e talagang ngayon lang ako nagising sa kahihiyan na yon. Iniisip ko nga, bakit ko nga ba nagawa yon? Siguro kung nasa matino akong pag-iisip, walang ganoon.

Dahil ngayon halos hindi ko maibuka ang bibig habang nag-oobserve sa ginagawa ni Mayor. Nakaupo ito sa kama at nagbabasa ng trabaho. Minsan nga e nahuli ko pang ngumingisi nang mag-isa. Parang ano eh, nakakainis.

Nang tumuntong ng alas 5 ay tumayo na ako at nangingiming lumapit kay Mayor. Doon ako nagpaalam para makauwi na.

"Let's have dinner first, Han. Ihahatid ka naman ni Fernand."

Mabilis pa sa kung ano ang pag-iling ko. Paano ko naman sasabihing umiiwas nga akong dumikit dito? Nakakahiya kaya...

"Sige na Han, dinner lang naman. Kung gusto mo sasamahan ko na rin si Fernand na ihatid ka."

Ngumungusong umiiling pa rin ako. Siya na naman itong ngumising umiling din, na parang sinasabi niya sa akin na hindi ako makakahindi.

At totoo nga! Halos mangisay ako sa pag-iinit ng pisngi habang nakatitig sa mga inihandang ulam. Nakisabay naman ang isang katulong, na Inday nga raw ang pangalan. Makuwento ito, magiliw nga eh, kahit papa'no natatakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko.

Pagka alas sais e niligpit ko na ang mga gamit. Kita iyong amusement sa mukha ni Mayor habang sinusundan ang bawat galaw ko.

"Di na, ihahatid naman ako ni Manong."

"Okay, besides I feel like I'm sore all over... maybe because of my own weight. But get back here tomorrow, Han. We have a lot of things to do."

Pagkarinig pa lang sa huling sinabi nito eh talagang kinabahan na ako. Paanong hindi? Pumasok sa isipan ko ang maduming ginawa namin. Hindi na iyon mabubura kahit ano pang pampalubag. Talagang nanuot na. At paano ko naman ipapaliwanag sa kanyang natatakot ako dahil baka maulit nga?

Or maybe, pwede namang magstay dito sa labas. Wala siyang magagawa kapag yon ang ipinilit ko.

Hmm? Tama! Bakit nga ba ako kakabahan kung no'ng una pa lang eh sinabi ko nang sisigaw ako kapag may ginawa itong mali?

At ako naman itong tanga, puro salita lang. Dahil kinabukasan ng hapon habang ginagawa ko ang trabaho ay para bang ewan at nandito ako sa sofa, nasa tabi ko naman si Mayor... at nilalandi ang leeg ko. Paulit-ulit nitong hinahalikan, sa paraang magaan kaya malamig at minsan ay sa paraang mariin kaya mainit. Pakiramdam ko habang ginagawa niya yon ay para akong pusang nagsisitindigan ang leeg. Ramdam ko ang kilabot... kilabot sa buong kaugatan.

"T-tama na! Mayor naman, paano tayo matatapos nito?" Nakasimangot na tanong ko.

Isang pilyong tawa ang iginawad nito bago muling binasa ang ginawa kong summary para sa isang sittio. Maganda nga at walang masyadong complains ngayon. At habang tumatagal, umuunti na rin ang may ganoon. Siguro ginagawan na nito ng solusyon.

"Inday,"

Napamulagat ako sa pagkakayuko at tinitigan ang bagong dating. Ngumiti ito, iyong ngiting mabait. Ako nama'y tahimik na nagmamasid.

"Can you call a masseur?" Tanong nito.

Tumango ito at umalis din kaagad pagkatapos na ilapag ang meryenda. Ngumunot ang noo ko at lumingon sa maliit nitong kusina. Pakiramdam ko e hindi katagalan mag-uumpukan na ang alikabok sa sobrang dry ng sink. Halatang hindi nagagamit. I was thinking to cook something the next time I come here. Pwede naman siguro, total puro landi lang din ang inaatupag ni Mayor.

Tahimik kong pinakikisamahan sa meryenda si Mayor. Seryoso na nga sa pagbabasa, ako nama'y pasulyap-sulyap lang pag natatapos sa isang summary.

Pagkalipas lang ng ilang minutos, bumalik din si Inday at sinabing walang available. Tumango si Mayor ngunit nagrereklamo naman. Pakiramdam ko e totoong nananakit ang katawan nito. Ilang araw pa lang naman buhat ng aksidente kaya iba ang epekto ng mga pinagdaanan nito.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon