9

32 3 0
                                    

"Hon, piktyuran kita. Dali! Tayo ka roon,"

Awkward na awkward akong tumayo roon sa medyo nakausling malapad na bato. E lowbat na ako kaya si Kevin ang pinakiusapan ko kagabi. Excited pa naman sana ako kung hindi lang napapanood nina Mayor pati ang mga bodyguard nito iyong pagtayo namin doon. Mas mabuti pa sigurong umalis na lang!

"Kulang pa," pigil sa akin ni Kevin, ayaw makontento sa mga kuha. E kanina pa ako nakabilad diyan...

"Tama na yan, hindi naman siguro pangit ang mga yan." Nguso ko na tinawanan niya lang.

"Kailan ka ba pumangit, Hon? Ang ganda-ganda mo kaya, kahit bagong gising... maganda pa rin." Lambing nito.

Mas lalo akong napanguso ngunit napalis din iyon nang napansin ko ang bahagyang pagngisi ni Mayor at pagmaywang bago ibinaba ang suot na sunglasses. Kumabog ang puso ko kasi napakaunfair naman talaga na ang kisig nito sa sout na polo at nakashades pa ang hinayupak! Gusto yatang magpaimpress sa mga bagong dating na babae at binabae kasi nagsilingunan sa gawi ni Mayor at parang mga ipis na nagkikisay. Umismid ito nang napansin na parang tumagal ang titig ko sa kanya.

Umirap nga ako at tumalikod saka tinulak si Kevin.

"Ikaw na naman, pose ka!" Konting sigaw ko rito na ikinatawa na lang nito, akala yata e biro lang iyon. Nainis lang din kasi ako kaya napasigaw ng kaonti.

At... okay, profession yata ni Kevin ang magpose. Kung hindi siguro ito BJMP baka naging model. Gwapo naman si Kevin eh, iyong gwapo na nakakarefresh sa mga mata. Si Mayor kasi, barumbado na maawain... sa mga nasasakupan. Maangas ang dating dahil siguro matangkad at siksik ng muscles kaya ganoon. Tapos ang mukha, parang laging asungot.

"Tayo naman," hinila ako ni Kevin at binigay sa kasamahan ang cellphone. Agad ngang namulupot ang braso nito sa bewang ko samantalang mapanukso naman ang mga kasamahan namin. Di kasi talaga kami nagpe-PDA ni Kevin maliban na lang kapag nagpapaalam sa isa't isa.

"Ang hot, ha?! Ang ganda ng girlfriend mo Kev, pakasalan mo na kaagad!" Ngisi ni Ysa.

Pinanlakihan ko nga ng mga mata lalo na noong nalipat ang mga titig ko kay Mayor na parang nanigas at naglapat ng mariin ang labi. Ngunit agad ding kumalma at ngumising tumalikod. Isa pa iyon! Minsan iniisip kong mukha ng nagkakagusto na sa akin si Mayor. Pero madalas talaga, parang kuto ang tingin ko rito at iniinis lang ako.

"Tara, baba na tayo..." tawag kaagad ng isang katrabaho ni Kevin. Napatitig ito sa langit, ganoon din kami... mukhang uulan pa. At kung magtatagal pa kami roon mas lalo lang kaming mahihirapan.

Nakapag-ayos na kami ng mga gamit kanina kaya diretso kaagad sa isang guide ngayon. Tinulungan ako ni Kevin sa ilang gamit. Hanga rin ako sa isang 'to, matikas din at malakas ang katawan. Siguro gawa ng training niya noon.

Naghahalakhakan pa ang mga kababaihan, samantalang kakuwentuhan ko naman si Ysabelle na hindi na yata pinapansin ang boyfriend. Nakabuntot na sa akin simula pa no'ng isang araw. Nawiwili yata sa pakikipagkuwentuhan sa'kin.

"Oh? Hala!" Bulong nito.

Nagulat din ako sa gulat na bulong nito. Tapos sumenyas ito sa likod. Kaya ako namang hindi nagets kaagad e lumingon, na pinagsisisihan ko ng sobra-sobra. Paano ba naman kasi, nakasunod sina Mayor. Na-conscious tuloy ako sa paglalakad. At sinamahan pa ng masamang panahon, at biglang pagbuhos ng malakas. Si Kevin eh umatras at binalikan ako bago pinangsangga ang maliit na bag. Gumilid na muna kami dahil dumulas kaagad ang daanan. Mabuti at may maliit na bahay pahingahan doon. Siksikin talaga kami. Iyong iba ay basa na pati si Ysabelle na nakadikit sa'kin kanina e mukhang nilamig at lumipat sa boyfriend nito. Kung saan umalis si Ysa doon naman nagkabakante kaya para akong poste na nanigas na lang nang naramdaman ang basa ngunit mainit na braso ni Mayor na kumiskis sa nilalamig kong braso.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon