19

39 2 0
                                    

Totoo nga yata iyong sinabi ng iba na pagkatapos ng unos, isang nakakahindik na katotohanan ang bubungad sa'yo.

Ni ayaw ko ngang paniwalaan na may nangyari na sa'min ni Mayor. Parang ewan, hindi ko maipaliwanag... basta ang alam ko pagod na pagod ang katawan ko ngayon.

Tumawag pa ito ng katulong at nagpahatid ng gamot. Hindi ko nga maipaliwanag ang nararamdamang hiya. Basta ang alam ko gusto ko na lang mamaluktot at magtago.

"Ihahatid kita mamaya with Fernand, you take rest this weekend and if you'll still not feeling well until Monday... tawagan mo'ko."

Tumango na nga lang ako para matapos na 'tong araw na 'to. Nang inihiga ako nito e umidlip lang ako sandali at nagising din ng bandang alas sais. Nagmamadali tuloy ako sa pag-aayos kahit panay ang mura sa isipan.

Ganito pala ang pakiramdam, mahapdi na may kasamang guilt. Hindi naman matanong sina Mama't Ate tungkol sa mga lovelife ko, o kung anong nangyayari sa'kin, pero nando'n ang guilt. Na pakiramdam ko isang kisap tingin lang malalaman na nilang may donselyahan palang nangyari.

"O dahan-dahan." Seryosong utos pa ni Mayor habang nililigpit ko ang mga gamit.

Masamang tingin lang ang pinukol ko rito. Alangan namang sisihin ko ito sa lahat-lahat. Kung iisipin meron din naman akong kasalanan. Pwede akong umayaw kanina, ulo pa lang naman ang nakabaon, pero itinuloy ko.

"Hindi! Magcocommute ako. Please, pakitawag ng tricycle!" Iritableng utos ko rito.

"Ihahatid ka namin Hanana... sa ayaw at gusto mo."

Isang nakalulusaw na tingin na naman ang ibinigay ko rito.

"Sa gusto ko at magtatawag ka ng Tricycle!" Naghihisterikal na ako roon.

Napaatras ito, umiling pa ito ng isang beses bago lumabas at siguro tumawag ng mauutusan para sabihan na magtawag ng tricycle.

Hindi siya pwede mang-utos ngayon na nalilito ako sa nangyari. Wala siyang karapatan.

Pagkalabas e busangot ako at isang beses lang tinitigan si Mayor na napailing sa inaasal ko ngayon.

Ni hindi na ako nakapagpaalam nang maayos basta ang gusto ko na lang ay umuwi. Ganoon nga ang ginawa ko at nagpahinga, tinanghali na ako nang gising.

Mabuti nga at tahimik lang si Ate, hindi namamansin at hindi nang-iinis. Kasi siguro pagod o kung ano, o kung magkaaway sila ng boyfriend niya.

Tahimik ko na lang na niluluto ang pananghalian. Si Papa nasa harapan ng bahay at naglilinis ng mga gamit. Magkakalagnat nga yata ako kaso mas pinili ko na lang ang kumilos-kilos para makalimutan ang kinasadlakan. At para na rin mawala sa isipan ko si Mayor.

Linggo nang nag-aya si Ate Bobby na magsisimba. E dahil inuusig ako ng sariling konsensya e umayaw ako. Sinamaan nga ako nang titig, na parang makasalanan. Oo nga pala, makasalanan talaga ako. Ngunit di naman ako pinilit pa.

Alas dos nang nakaramdam ako ng sinat. Hindi na ako mapakali at naalimpungatan sa tawag ni Ate Bobby mula sa labas ng silid.

"Ate, h-hindi kita maintindihan. Masakit ang ulo ko."

Lumalabo sa paningin ko iyong imahe ni Ate at parang lutang na wala akong maintindihan sa sinasabi nito. No'ng tumango ako, na wala talagang maintindihan, ay umalis naman ito. Umaga na ako nagising at sinisinat pa rin ngunit mas pinili ko ang gumayak at maghanda para sa eskwela. May naiintindihan naman ako sa lecture, so far, at natapos ang araw na medyo bumaba ang init sa katawan. Nandoon pa rin ang pananakit ng katawan ngunit kaya naman. Dumaan nga muna kami ni Manong Fernand sa Munisipyo at hindi ko na naman makita si Ma'am Bessy. Siguro busy, dahil katapusan na at mas madaming paperworks, kaya siguro nagkakasilisihan kami.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon