11

33 2 0
                                    

Siguro sa lahat ng babaeng pinagpala, ako ang isa sa mga yon... kung matatawag man na ganoon.

"I'm sorry, Kevin. Di ko naman talaga intensyon na saktan ka. Pero sana tigilan mo na 'to. Ikaw lang ang masasaktan sa huli." Iyon na lang ang sinabi ko kahit nangangati na ang dilang magsabi ng totoo. Mapapahamak ako kapag ginawa ko iyon.

Simula nang sinabi kong break na kami e hindi na ako tinantanan. Mula sa out sa trabaho hanggang sa enrollment ng second semester. Ayaw ko namang mapahiya ito kaya sumasama-sama na lang ako.

Noon lang din ako unang nakakita ng lalaking umiyak. Nagsituluan talaga ang mga luha nito, na siyang ikinataranta ko. Hindi ko alam kung anong alo ang dapat kong gawin. Dahil kapag umayon ako sa gusto nitong makipagbalikan, pareho lang magiging unfair sa'ming dalawa.

"May nagugustuhan ka bang iba?" Sinisinok na tanong nito. Parang bata na hindi maipinta ang mukha nito, basa pa rin ang pisngi.

"A-ano ka ba! Wala! It's just that— ako ang may problema Kevin. Walang problema sa'yo... sadyang hindi lang kita ganoon kagusto." Umiiwas na sabi ko rito.

Ramdam ko iyong hinanakit sa buong paligid. Alam ko naman e na nasasaktan ko si Kevin. Kaya lang mas masakit kapag nalaman nitong nakikipaghalikan ako sa ibang lalaki. Mas malalang halikan... ayaw ko naman noon, ayaw ko ring bumaba ang self esteem nito. Hindi na kasi talaga tama.

"Okay... n-naiintidihan ko Hanana."

Siguro sa susunod ayaw ko munang magboyfriend. Natrauma yata ako sa nangyari sa'min ni Kevin. Ayaw ko namang makasakit ng tao, lalo na emosyunal. Baka hindi na ako makatulog at bangungutin ng sariling konsensya.

Pagkatapos ng opisyal na break up e nagulat ako pagkapasok galing eskwela ay may nagpapabigay ng sandamakmak na regalo. E tapos na ang bagong taon, kaya hindi ko maintindihan iyon.

Mabuti na lang kahit break na kami ni Kevin hindi naman nagtatampo si Ma'am Bessy. Alaskador pa rin. Ganoon. Panay ngang tulak sa akin sa isang manliligaw na talagang hindi ko pinapansin. Traumatized na ako... at ayaw ko na!

"Habang tumatagal Hanana, mas lalo kang gumaganda. Pak sa balakang! Day, mamahagi ka naman!" Tawanan ang mga kasama namin sa isang table. Nakauniporme pa ako at hindi na nakapagbihis ng nagtrabaho sa Munisipyo... pagkatapos pagka-out e nagyaya sina Ma'am at dadaan lang daw sandali don sa inuman. Hindi rin naman ako iinom pero sinamahan ko na lang din.

"Hanggang ngayon iniiyakan pa rin ito ni Kevin eh. Ewan ko ba at ano ang pinakain nito doon. Ay tama!" Ngumingising may napagtanto si Ma'am Bessy,

Namumutla naman ako lalo na at awkward sa akin ang ganitong usapan. Mali pa yatang sumama ako rito, ako ang nasasabon.

"Maganda ka talaga Hanana. Iyong ganda na nakakaakit at sadyang hindi nakakasawa. Marami ka pang mapapaiyak na lalaki." Halakhak nito.

Siguro para sa iba nakakadagdag confidence iyon. Pero para sa'kin, isang sumpa na dapat lipulin. Sumpa talaga dahil nang sumunod na mga araw halos maiyak ako habang nakatitig sa isang lalaking nakasunod ang mga mata sa'kin. Mula sa pagsakay sa tricycle mula eskwelahan hanggang sa pagbaba doon sa kabilang entrance ng Munisipyo.

"Psst, Miss! Miss! Sandali, suplada naman nito!" Tawang-tawa ito habang sumisipol at alam kong nakasunod sa akin. Lakad takbo na ang ginawa ko at muntik pang nadapa.

Nanginginig ang mga kamay ko habang humihinga nang malalim sa tabi nitong entrance. Para akong bangungutin ng gising. Hindi ko maintindihan kung bakit may ganoong klasing tao. Na kayang manakot sa pamamagitan ng pambabastos.

"Hanana, are you okay?" Kunot na kunot ang noo ni Mayor nang nalingunan ko.

Kasama na naman nito ang madalas nitong mga bodyguard. Tahimik silang nakatunghay sa likod habang puno naman ng pag-aalala ang nakarehistro sa mukha ni Mayor.

Scholar ni MayorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon