Chapter Seven

18.2K 364 7
                                    

--

-Krisandra-

Nakatingin ako ngayon sa dating bahay namin... ang bahay kung saan ako lumaki at nag ka isip... ang bahay kung saan may nakatirang isang masaya at buong pamilya... noon.

Pero nasira iyon. Nasira iyon dahil sa pag tataksil ng padre de pamilya.

Hindi ko na gustong pumunta dito. Ni hindi ko na ito gustong makita pa at lalong lalong hindi ko gugustuhin ang pumasok sa pamamahay na iyan. Madiin kong pinindot ang doorbell.

Inulit ulit ko iyon at hindi ko tinantanan hanggang sa may mag bukas. Sakto naman ang nag bukas ay ang taong pakay niya. Bakas sa mukha nito ang gulat ng makita siya. Kita niya kung gaano kalungkot ang mukha ng kanyang ama...

Bumukas yung gate... pinasadahan niya ng tingin ang papa niya. Ang laki ng pinag bago nito. Wala na ang matikas na pangangatawan nito. Mukhang hindi na din ito nag a-ahit dahil tumubo na ang balbas nito na sinakop ang buong panga at baba. Magulo din ang buhok nito at ng lumapit siya sa akin ay naamoy ko ang amoy ng alak dito.

Nag salubong ang dalawang kilay ko habang nakatingin dito. Ito na ba ang papa niya? Ang papa niyang binalak silang iwan noon ng mama niya? Pero hindi siya pumayag. Ito ang nag loko kaya dapat lang na si mama ang mangiwan dito. Hinding ito ang mang iiwan sa kanila

"Krisandra...anak" kita niya kung paano nag liwanag ang malungkot na mukha nito. Akmang yayakapin siya nito pero umiwas siya. Nawala ang maliit na ngiti nito at bumalik sa dati ang ekspresyon ng mukha nito.

"Ang kapal ng mukha mo pa" madiing sabi ko.

"Tahimik na ang pamumuhay namin sa loob ng tatlong taon. Hinayaan ka namin na magpakasaya sa bagong pamilya mo. Wala kang narinig na reklamo mula sa amin ni mama tapos ngayon guguluhin mo kami?! Anong klaseng lalaki ka ba huh?!"

"A-anong sinasabi mo Krisandra?" takang tanong nito. napatawa ako ng pagak.

"And you have the guts to ask that dad?! How dare you!" wala akong paki alam kung tatay ko pa ito... ng mag loko ito ay kinalimutan ko ng may ama pa ako.

Inihampas ko sa dibdib nito ang brown envelope sa dibdib nito.

"Ayan pa! maging masaya na sana kayo gan ng bagong pamilya mo... at wag niyo na sana kaming guluhin ni mama ngayon dahil simula sa araw na ito wala ng nagkokonekta pa sa pamilya natin...na sinira niyo" tumalikod na siya dito... pagkatalikod niya ay agad niyang hinayaang tumulo ang kanina pa niyang tinitikis na mga luha at tsaka marahas na pinahid ang mga iyon.

Matapang siya sa paningin nila...pero nasasaktan din siya. MAsakit para sa kanya na mag hiwalay ang parents niya...pero mas gugustuhin niya na ito kesa masaktan na naman ang mama niya ng dahil sa papa niya.

Nakailang hakbang na siya ng biglang humarang ang papa niya sa harapan niya. Litong lito ang hitsura nito habang hawak ang mga papeles.

"Krisandra anak, wala akong alam dito. Wala akong kinalaman sa annulment paper na ito! Hindi ako ang nag padala sa inyo nito... maniwala ka naman" pag mamakaawa nito.

"Talaga pa?" mahina niyang tanong. Tumango tango naman ito.

"Pero huli na pa. May pirma na iyan ni mama" nalaglag ang balikat nito. Nilagpasan ko na ito at nag tuloy tuloy sa paglalakad... hindi ko na ito nilingon pa...

Para akong robot ng pumasok kinabukasan... mugto ang mga mata ko dahil iniiyak ko kagabi ang lahat ng sama ng loob ko. Si mama naman ay nag kulong lang sa kwarto nito... sinigurado kong may makakain siya mamayang tanghalian. Nag pa alam ako dito bago ako lumabas ng bahay. Wala akong Trail na nadatnan sa labas dahil dalawang oras pa naman bago mag simula ang klase ko.

Mag isa akong pumasok sa University ngayon.... Nag tataka ang mga nakakasalubong ko dahil hindi ko kasama si Trail. Siyempre sa loob ng limang buwan ay lagi kaming magkasama... normal lang na mag taka sila.

Dinala ako ng mga paa ko sa garden... dito walang katao tao.. tahimik at walang istorbo. Umupo ako sa damuhan bago ko binaon ang mukha ko sa tuhod ko. Pumikit ako ng mariin at pilit pinipigilan ang mga luha na gusto na atang tumulo...

Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa posisyon na iyon. Basta may narinig akong mga papalapit na yabag at presensya ng isang tao. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Trail na nag lalakad palapit sa akin. Kumunot ang noo nito ng makita ako.

Kusang tumayo ang mga paa ko at sinugod ko ito ng yakap. Naramdaman ko ang pagkagulat nito sa biglang pagyakap ko dito. Pero maya maya pa ay naramdaman kong yumakap ito sa akin pabalik.


-Trail-

kumunot ang noo ko na walang lumabas na Krisandra sa bahay nila. Nakailang sigaw na ako pero wala pa ding lumalabas. Maging si tita Cassandra ay wala. Nauna na kayang pumasok si Krisan? Tanong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang cellphone ko at chineck ang Campus Blog. Agad kong nakita ang tungkol kay Krisandra. Nasa university na nga ito.

Sumakay na ako sa kotse ko at agad ko iyong pinasibat paalis. Agad kong hinanap si Krisandra pagdating ko sa Univeristy... nag tanong tanong ako kung nasan ito pero walang nakaka alam. Panu nangyari iyon eh kung bawat galaw nito ay sinusundan nila? Ka asar naman oh!

Hindi ako mapakali habang nag lalakad sa kahabaan ng hallway... nag bakakasakali kung makasalubong ko man ito. Nakita niya ang cr ng mga babae at agad niyang tinungo iyon. Wala siyang paki alam kung pambabae ang banyong ito... baka nandito si Krisandra.

Papasok na sana siya sa loob ng biglang bumukas iyon at lumbas ang isang nerd na babae. Nanlaki pa yung mga mata nito ng makita siya. Tumikhim ako.

"Excuse me miss... pero nangan ba si Krisandra Alejandro?" tanong ko. Kilala naman siguro nito si Krisan... ikaw ba naman ang araw araw na pinag uusapan sa campus.

"Ahh wala po si miss Krisan dito..." sagot nito na parang nahihiya pa sa akin. TUmango tango ako

"Ah sige salamat" akmang tatalikod na ako ng mag salita pa ito

"Pero nakita ko siya kanina sa garden" napatingin ako dito para tignan kung nag sasabi ba ito ng totoo.

"T-tambayan ko ang garden... papunta na ako doon na may makita akong babaeng nakaupo s damuhan... sigurado akong si miss Krisan iyon" paliwanag nito. MUli akong nag pasalamat dito at agad kong pinuntahan ang garden... malayo pa lang ako ay may nakita na akong babaeng naka upo pero hindi ko makita ang mukha nito.. malapit lapit na ako ng mag angat ito ng mukha...

Na confirm kong si Krisnadra nga ito pero agad kumunot ang noo ko ng makitang umiiyak ito. Bago pa ako makapag salita at makalapit ng tuluyan ay tumayo na ito at tumakbo palapit sa akin. NAgulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin.

"Why are you crying?" seryoso kong tanong dito. Naramdaman kong umiling iling ito kaya pilit kong inihihiwalay ito sa katawan ko para tignan ang mukha nito. I cupped her face and ask her again

"Tell me why are you crying?" ulit ko sa tanong ko.

"T-Trail... h-hiwalay n-na a-ang pa...parents ko" humihikbi na sabi nito. Ako na ang yumakap dito ng malaman ko iyon. Ibinaon ko ang mukha nito sa dibdib ko at hinaplos haplos ko ang mahabang buhok nito.

"Hush now sweetheart" pag papakalma ko dito...

"I'm here... I'm just here for you"nanaitili kami sa ganung posisyon ng hindi ko alam kung gaano katagal... pero wala akong reklamo

"Hindi kita iiwan"

--

End of Chapter Seven

(Mamaya na lang yung chapter 8 ^^ PSST! Thanks for reading ^^)

For the second timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon