Chapter Thirty Three

16K 297 3
                                    

—-

-Krisandra-

Kung malamig ang trato sa akin ni Trail bago ito umalis ay mas malamig ang naging trato nito sa akin ngayon. Si Felix naman ay lapit ng lapit sa akin. Hindi ko alam kung iniinis lang nito ang kuya nito o talagang nag papapansin lang.

"Krisandra!" kumunot ang noo ko. Tama ba ako ng pagkakadinig? Tinawag ako ni Felix na Krisandra? Walang ate?

"Oh Felix" kunot noong sabi ko. Ngumiti ito sa akin kaya ningitian ko na lang ito. Parang bata ito na may kung anong itinatago sa likuran nito.

"Ano ba yang tinatago mo sa likod mo?" tanong ko dito sabay silip sa likod nito pero umiwas ito.

"Secret! May ginagawa ka ba? Busy ka ba?" tumango tango ako.

"Oo Felix eh. Binabantayan ko si tita Carmela" sabi ko dito

"Nag pa alam ako kay tita na hihiramin muna kita" nagsalubong ang dalawang kilay ko sa sinabi nito.

"Sabi niya okay lang naman daw siya. Ate Clara is also there to watch over tita. Si ate Carla muna ang magbabantay sa kanya. Sabi pa ni tita, magpahinga ka daw muna dahil magdamag mo daw siyang binantayan kagabi" paliwanag nito.

"I'm just doing my job Felix. Ayaw ko lang na may masabi ang kuya mo sa akin" malungkot na sabi ko dito. Actually, nasaktan ako sa sinabi ni Trail sa akin nong isang araw. Kaya simula non, bente kwatro oras ko ng binabantayan si tita Carmela. Kahit hindi naman kailangan. Baka may masabi na naman kasi ang binata sa trabaho niya. Ayaw niya ng makarinig ng mga masasakit na salita na mangagaling dito.

"Sus OA lang si kuya, Krisan. Tsaka sinumbong ko siya kay tita Carmela.Kaya alam kong  mapapagalitan  siya mamaya hahaha" napailing na lang ako.

"Di mo dapat ginawa iyon Felix. Tama lang naman ang kuya mo" depensa ko kay Trail, pero si Felix naman ngayon ang umiling iling.

"No. Kuya is wrong. Masyado siyang OA. You are doing your job perfectly fine. Nag seselos lang iyon pupusta ako"

"Ano yung huling sinabi mo?" tanong ko dito. Binulong kasi nito yung huling sinabi nito kaya hindi ko naintindihan. Ngumiti naman ito sa akin.

"Ah nothing! Come! Habang wala pa si kuya!" bigla nitong hinawakan ang braso ko at kinaladkad ako. Nag po-protesta pa ako pero mukhang nag bingi bingihan ito at hindi ako pinakinggan.

Nakarating kami sa garden. Pina upo ako nito at umupo naman ito sa tabi ko. Mula sa likuran nito ay nilabas nito ang ukulele nito. Nagulat pa ako ng makita iyon pero ningitian lang ako nito. sumenyales ito sa akin na wag magsalita kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Pinosisyon nito ang mga kamay at daliri sa ukulele at nag simulang mag strum.

~You're better than the best

I'm lucky just to linger in your lightCooler than the flip-side of my pillow (that's right)

Completely unaware

Nothing can compare to where you send me

It lets me know that it's okay (yeah, it's okay)

And the moments when my good times start to fade~

Tumingin ito saglit sa akin at tsaka ngumiti.

~You make me smile like the sun,

Fall outta bed

Sing like a bird,

Dizzy in my head

Spin like a record,

Crazy on a Sunday night

For the second timeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon