—-
-Trailor-
"Ano, kinakabahan ka no?" pang aasar sa akin ni Krisandra... ngumuso lang ako dito dahil totoo naman ang sinasabi nito. I am already having cold feet. Pano naman kasi, mamanhikan ako sa papa niya ngayon. Nagkabati na pala sila, one year ago. Pinuntahan daw siya ng papa niya nong nakaraang taon at humingi ng kapatawaran sa kanya. Nong una sinabi niya na hindi daw niya kayang patawarin si tito Alex.
Pero ng magpaliwanag ito ay tinggap niya ulit ang papa nito. Nalaman niya na lang na psycho pala ang babaeng sumira sa pamilya ni Krisandra. Ayun daw kay tito Alex, nabuntis niya yung babae ng hindi sinasadya. Parang pinikot daw siya nito. Papanagutan naman niya talaga ang bata, pero sa sustento lang. Nag demand yung babae na kailangan niya si tito Alex at kung hindi siya ang pipiliin nito ay ilalaglag niya yung bata.
Natakot si tito Alex kaya wala siyang nagawa kundi hiwalayan si tita Cassandra. Habang nag sasama ang dalawa, ay nalaglag yung bata. Wala ng responsibilidad si tito Alex sa babae pero natakot daw ito ng bumalik sa kanila ng mama ni Krisan. Dahil alam niyang galit na galit ito sa kanya.
Pakana din nong babae yung annulment paper na ipinadala sa bahay nila Krisandra noon.
"Papa!" bati ni Krisan kay tito Alex. Tumayo ako para magbigay galang.
"Hello po, tito" bati ko dito. Tinaasan ako ng kilay ni Krisandra. Bakit 'tito' ang tawag ko sa papa nito samantalang sa mama nito ay 'mama' na ang tawag ko simulat sapol.
Eh hindi ko naman kasi kilala si tito Alex eh tsaka mas close ko si mama Cassandra.
"Napadalaw ka Krisandra... at si Trailor na ba ito?" sabi ni tito bago ako hinagod ng tingin
"Opo tito ako na nga po" alanganin akong ngumiti dito dahil ang seryoso ng mukha nito
"So ito pala ang nam bu-bully sayo noong bat aka pa krisan?" napalunok ako ng laway ko. Tinignan ko si Krisandra at alam kong pinipigilan lang nito yung tawa nito. Nag panic naman ako. Bakit sinabi nitong binubully ko siya? Eh hindi naman! Parang inaasar ko lang eh.
"T-tito hindi ko pa siya binubully noon... nag pa-papansin lang ako" pag tatama ko pero nanatiling seryoso ang mukha nito.
"Bakit kasama mo siya Krisandra?" tanong ni tito Alex.
"Pa... masyado po kayong seryoso gan... ngumiti naman kayo kinakabahan tuloy tong fiancé ko" napatingin sa akin ulit yung papa ni Krisandra at hindi ito makapaniwala sa narinig.
"Err nandito po ako para mamanhikan" kinakabahan kong sabi. Nagpapalit palit yung tingin ni tito Alex sa aming dalawa ni Krisandra.
"Mamamanhikan?" kunot noong tanong nito
"Mamamanhikan ka eh hindi mo kasama ang mga magulang mo" napayuko ako
"P-patay na po kasi ang papa ko... si mama naman po ay hindi ko naisama dahil masama ang pakiramdam kanina, pero sa susunod pong balik ko ay kasama ko na po si mama" nakatitig lang ito sa akin matapos itong mag salita. BInalot ng katahimikan ang bahaging iyon ng bahay
"Pa..." basag ni Krisandra sa katahimikan. Bumuntong hininga ito
"Kakausapin ko lang tong nobyo mo Krisandra" tumayo ito
"Ikaw... sumunod ka sa akin" tumalikod ito at agad ko itong sinundan... nakarating kami sa library...siguro ito ang nag sisilbing opisina ni tito Alex sa bahay nito.
Umupo ito sa swivel chair at nanatili akong nakatayo sa harapan nito. sinalubong ko ang mga titig nito... parang kinikilatis ako nito sa pamamagitan lamang ng mga tingin nito.
BINABASA MO ANG
For the second time
Romance[Bachelor Series 4] Trailor Ignacio I've known her since my childhood days... and she hated me since then....