(para kay @SuperICream salamat sa pag vote mo sa story na ito ^^)
--
-Krisandra-
Tulad ng sinabi ni Trail, ay muli itong nag punta sa unit ko ng sumunod na araw. Mag luluto ito, tapos kakain kami, mag huhugas ng pinggan at tsaka kami manunuod ng movie. Paulit ulit ito ng routine namin at ngayon, pang walong beses na namin itong gagawin.
Nagiging komportable na ako sa presinsya nito. nag kukulitan at biruan na din kami ng mga nakalipas na araw na parang walang nangyari sa amin noon.
Nakarinig ako ng magkasunod na katok sa pinto ng unit ko at agad ko iyong tinungo at binuksan. Nakangiti ako ng buksan ko yung pinto pero nawala ang pagkakangiti ko ng makita kung sino ang nasa harap ng pinto.
"Stephan..." gulat na sambit ko sa pangalan nito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Wala, masama na bang bisitahin ka dito?" tanong nito.
"Hindi naman pero... nabigla lang ako" totoo iyon. Mag papa alam muna kasi ito sa akin kung pupunta siya dito. pero ngayon biglaan ang pag dating nito.
"Ahh, hindi na ako nag paalam. Gusto sana kitang supresahin eh" nakangiting turan nito. Well, na sopresa mo nga ako.
Pinatuloy ko ito sa loob ng unit ko at tumingin ako saglit sa labas dahil baka parating na si Trail. Sana naman ay hindi ito dumating ngayong gabi dahil tiyak na mag tatanong si Stephan.
Pero hindi natupad ang kahilingan ko ng gabing iyon dahil pagpasok ni Stephan, ilang minute pa ay dumating naman si Trail. agad na nag samaan ng tingin ang dalawang lalaki.
"What are you doing here?" unang nag tanong si Trail. napatayo naman si Stephan mula sa pagkaka upo niya sa couch.
"Should I be the one asking you that? Nauna akong pumunta dito kesa sayo kaya ikaw... anong ginagawa mo dito?"
"Sorry Ruiz, pero ilang beses na kasi akong nag pupunta dito kaya alam na ni Krisan kung anong ginagawa ko dito" agad na napatingin sa akin si Stephan. Nag tatanong ang mga tingin na ibinigay nito sa akin. napapikit ako ng mariin.
Sh.t naman oh. Bakit ba nangyayari ito ngayon?
"Totoo ba yun Krisandra?" seryosong tanong ni Stephan sa akin. napatango tango na lang ako.
"Sh.t" rinig kong pag mumura ni Stephan.
"Bakit mo hinahayaan ang lalaking ito na makalapit sayo? When what I am doing is I'm tring my best para hindi ka malapitan ng lalaking ito?"
"Ruiz-"
"Shut up Ignacio! Ikaw ang kapal din talaga ng mukha mo eh no? matapos mong iwan si Krisan noon, heto ka ngayon at umaakto ka na parang walang nangyari sa inyong dalawa noon. Sabihin mo nga sa akin Ignacio, gaano ba kakapal yung mukha mo ah?"
"Wala kanga lam Ruiz" seryosong sagot ni Trail.
"No, you're wrong. Ikaw ang walang alam. Wala kang alam kung ilang balde ang napuno ni Krisan ng mga luha niya. Wala kang alam na halos bumagsak na siya noon kakaisip kung bakit mo siya iniwan. Wala kang alam kung gaano siya nasaktan noong iniwan mo siya at wala kang alam kung gaanong katinding kalungkutan ang ibinigay mo sa kanya. Ikaw ang walang alam sa ating dawala Ignacio. Dahil habang nasa ibang bansa ka, naiwan mo naman dito si Krisandra na nasasaktan"
"Stephan-" pag saway ko dito but he just shut me up.
"No Krisan... hayaan mong malaman ng lalaking ito kung anong ginawa niya sayo sa loob ng tatlong taon." Pag tigil nito sa mga sasabihin ko. I cannot blame him. Ito ang naging sandigan ko ng mga panahong wala si Trail.
BINABASA MO ANG
For the second time
Romance[Bachelor Series 4] Trailor Ignacio I've known her since my childhood days... and she hated me since then....