(Para kay @decided ^^ thanks for the votes)
--
-Krisandra-
Recently... I feel so different. Parang lagi na lang akong masaya. Nakangiti, nakatawa. Parang wala akong dinadalang problema. Sabi pa ng mga kasamahan ko... blooming daw ako. Mukha daw akong in love.
Well in love nga ba ako?
Hindi ko naman ipag kakaila na mahal ko pa din si Trail... pero ang nararamdaman ko para dito ay pilit kong pinipigilan... siguro takot akong masaktan na naman.
"Are you sure na okay lang tong damit ko?" tanong ko kay Trail. Tumingin naman ito sa akin at tsaka hinagod ang kabuuan ko. Mas lalo akong na ilang. Kung titignan mo kasi ito sa suot nitong semi-formal ay ang gwapo pa din nitong tignan. Sa tingin ko mas gwapo pa nga ito sa suot nito eh... maybe simplicity suit Trailor Ignacio.
"You are perfect misis... gorgeous is not enough to describe how you look tonight" Trail said while staring directly at my eyes. Hindi ko maiwasang mailang sa mga titig na ibinibigay nito sa akin. Ang lalalim... ang mi-misteryo at nakakakaba.
Napatingin ako sa paligid namin. Ang sosyal naman kasi ng mga suot ng mga bisita ni Felix. Ang gaganda ng mga suot ng mga ito at mukhang nag papaligsahan ang mga alahas na suot sa kakinangan... what are they wearing shows how rich they are.
"Ate Krisan!" napalingon kami ni Trail sa tumawag sa akin. It is Felix. Wearing a tuxedo. Mas lumitaw ang ka gwapuhan nito sa suot nito. Nag mukha din itong mature kumpara sa edad nito.
"I'm glad that you came..." nakangiting sabi nito bago ako niyakap at hinalikan sa pisngi. Wala pang dalawang segundo itong nakayakap sa akin ng may nag hiwaaly sa aming dalawa.
"Times up... get off from my girl" seryosong sabi ni Trail... nakita ko namang humaba ang nguso ni Felix.
"Kuya naman... ang damot mo talaga! Birthday ko naman eh hindi mo na lang ako pag bigyan" maktol nito sa kapatid.
"Heh... hindi ibig sabihin na birthday mo ay ipapahiram ko sayo ang asawa ko. She is not a thing in the first place... she is my wife" madiing sabi ni Trail. Hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi.
Mas lalo lang namang humaba ang nguso ni Felix.
"I hate you kuya..."
"Don't worry brother... the feeling is mutual" napangiti na lang ako sa bangayan ng dalawa... kakaiba talagang magpakita ng affection ang dalawang magkapatid na ito eh...
"Happy birthday nga pala Felix" bati ko kay Felix. Agad naman na ngumiti sa akin ang kaninang nakangusong si Felix.
"Thank you ate Krisan! Buti ka pa binati ako eh yung isa gan... tsk" sumimangot ito.
"Hoy kutong lupa ka! Ako kaya ang kauna unahang bumati sayo ng happy birthday!" depensa naman agad ni Trail na mukhang natamaan sa pag papatama ni Felix.
"Yeah right... you greeted me by waking me up in the midnight... tsk" natawa na lang ako. Hindi nag tagal ay nag pa alam sa amin si Trail na kakausapin ang ilang bisita... hindi sumama si Felix dahil hindi naman daw niya kakilala ang mga tao doon. Iilan lang ang kilala nito dahil nasa America naman ang mga kaibigan niya.
"Bakit dito mo ginustong i-celebrate ang birthday mo kung wala naman dito ang mga kakilala mo?" takang tanong ko kay Felix. Nag kibit balikat lang naman ito.
"I don't know... para maiba naman siguro. At tsaka sabi ni kuya yung ilang bisita daw dito ay mga investor... mainam daw iyon para maipakilala ako sa madla" maya maya pa ay lumapit na ulit sa amin si Trail...may nakasunod dito na dalawang babae... sa tingin ko nasa mid-forties ang mga edad ng mga ito.
BINABASA MO ANG
For the second time
Romance[Bachelor Series 4] Trailor Ignacio I've known her since my childhood days... and she hated me since then....