—-
-Krisandra-
Sunod sunod na katok ang gumising sa payapa kong tulog... pilit kong iniignora ang katok na iyon pero ayaw lubayan ng kung sino mang pontio pilato ang pintuan ko kaya napilitan akong bumangon.
Pupungas pungas pa ako ng tinungo ko yung pinto para buksan iyon. Kinusot kusot ko ang mga mata ko bago ko tinignan yung taong nasa harap ng pinto ko. Napasinghap ako at nanlaki yung mga mata ko.
"Hello, good morning" bati nito sa akin. Hindi ako nakaimik. Hinawi ako nito na parang kurtina at kahit wala pang pahintulot ko ay pumasok na sa loob ng unit ko.
"Sorry kung nagising kita pero sa pag kakaalala ko ay may pasok ka ngayon right? kaya wag kang magalit sa akin misis" humarap ito sa akin at tsaka ngumiti. Agad naman na tumaas ang lahat ng dugo ko sa katawan sa ulo ko.
"Misis mo mukha mo! anong ginagawa mo dito Ignacio?!" gigil na tanong ko dito pero ang hinayupak ngumiti lang sa akin at tsaka tumalikod at tinungo ang kusina ko.
"Nandito ako para pag silbihan ang asawa ko" lumingon ito sa akin at tsaka kumindat na lalong ikinainis ko.
"Hoy anong ibig mong sabihing pagsilbihan ang asawa ko?! Wala kang asawa dito kaya lumayas ka na habang nakakapag timpi pa ako!" hindi ito sumagot bagkus binuksan ang ref ko at kumuha doon ng dalawang itlog.
"Hoy anong gagawin mo?"
"Mag luluto?" patanong na sagot nito habang isinasalang ang palayok sa kalan at sinindihan ang gas stove.
"At bakit ka mag luluto aber?" nakapamewang na tanong ko dito.
"Para sa almusal mo tsk" natigilan ako sa isinagot nito
"P-para sa almusal ko? B-bakit?"
"Tsk tanong ka naman ng tanong ng bakit eh. Diba sinabi ko na sayo na pag sisilbihan ko ang asawa ko? Bakit sino ba ang asawa ko dito ha? Diba ikaw? Ikaw nga ang misis ko kaya dapat alam mo na iyon. At baka nakakalimutan mo na nanliligaw pa rin ako sayo kaya isa ito sa paraan ko ng panliligaw sayo... ano may gusto ka pa bang itanong?" mahabang lintanya nito na ikinalaglag ng panga ko.
S-seryoso ba siya?!
"DIba sinabi ko na sayo na seryoso na ako ngayon?" sagot nito na parang nababasa niya yung tanong ko sa isip ko. Aba at kailan pa ito naging mind reader?
" Kaya ihanda mo na ang matamis mong oo sa akin ha?" nakangising tanong nito. Sinamaan ko ito ng tingin.
"Matamis na oo?! Ha manigas ka gan Ignacio!" sabi ko sabay bira ng talikod dito.
"Heh, makukuha ko din sayo ulit yun! Misis" lihim akong napangiti sa sinabi nito...
Tignan natin kung hanggan kailan ang pasensya mo, Ignacio.
Pagkatapos kong kumain, ay naligo na ako... pagkalabas ko ng kwarto ko ay naka abang na ito sa akin.
"Tara, hatid na kita" pinag krus ko ang dalawa kong kamay ko sa dibdib ko.
"May motor ako Ignacio, at hindi iyon coding"
"Alam ko pero mula ngayon, ako na ang magiging personal driver mo. Ako na ang susundo at mag hahatid sayo sa hospital at sa bahay mo o kung saan mo gusto mag punta" napanganga ako sa sinabi nito. Ito? Personal driver ko?
Pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan nito... naka maong pants ito at v neck shirt, isang sulyap mo pa lang dito ay mapapansin mo na ang maskulado nitong pangangatawan, ang kagwapuhan na taglay nto tapos magiging personal driver ko?
"Anong kalokohan ba to Ignacio?" kunot noong tanong ko dito... bigla naman itong sumeryoso.
"Hindi ito kalokohan Krisan... this is my way on courting you... I will be your cook, your driver, your assistant, your maid in short... I'll be your slave Krisandra Alejandro... and you can't do anything about it..."
BINABASA MO ANG
For the second time
Romance[Bachelor Series 4] Trailor Ignacio I've known her since my childhood days... and she hated me since then....