—-
-Krisandra-
"Grabe ate Krisan! Na miss kita!" hindi mo maitatanggi ang tuwa sa boses at mukha ni Felix. Humiwalay ito sa pagkakayakap sa akin.
"Eh ikaw ate, na miss mo ba ako?" tanong nito. Ningitian ko ito.
"Siyempre na miss kita. Kamusta ka naman?" tanong ko dito.
"Ito mas gumwapo!" nakakalokong sabi nito. Natawa na lang ako.
"Kuu ang yabang!"
"totoo naman eh. Kabilaan nga ang fling ko eh" nakangising wika nito na ikinasimangot ko.
"Ikaw ha. Wag mong paglaruan ng mga feelings naming mga babae" sermon ko dito
"Ate naman... hindi naman seryoso eh tsaka alam naman nila kung anong klaseng relasyon ang pinapasukan nila"
"Kahit na! Hindi pa rin tama yang ginagawa mo. Pwede namang stick to one ka lang diba?"
"Pwede... basta ikaw ang girlfriend ko" at kinindatan pa ako ng hinayupak. Agad naman akong pinamulahan ng mukha. Hindi sinasadyang mapatingin ulit ako sa gawi ni Trail. nakatayo pa rin ito doon at nakahalukipkip.
"Felix..." saway ni Trail dito. Napatingin naman si Felix sa kapatid.
"Oh kuya angan ka pala... akala ko ba pagod ka at may jetlag ka? Eh ano pang ginagawa mo dito? " hindi nito pinansin ang sinabi ng kapatid.
"Stop harassing Krisandra" sa halip ay ito ang sinabi ni Trail. tinawanan lang naman ni Felix ang kapatid.
"Kuya hindi ko siya hinaharass... ikaw kuya Trail ha ang lawak ng imagination mo. Parang niyakap lang eh" nakakalokong sabi nito at tinignan ng mapang asar ang kuya nito.
"If it is not harassment then stop flirting with her" maotoridad na sabi ni Trail. Pero hindi nagpasindak si Felix sa kuya nito.
"Kuya hindi naman ako nakikipag flirt eh"
"Then why are you asking her to be your girlfriend?" hindi maipinta ang mukha ni Trail ng sabihin iyon.
"Uy wala akong sinabi ah... sinabi ko lang na mag se-seryoso ako kung siya ang girlfriend ko"
"Pareho lang iyon"
"Bakit kuya..." Felix smirked. Lumapit it okay Trail at hinawakan ito sa balikat.
"Selos ka?" nagulat ako sa sinabi ni Felix. Tinabig ni Trail ang kamay ni Felix na nasa balikat nito.
"Hell no. Why would I? I don't even care" salubong na salubong ang kilay ni Trail.
Ang sakit naman non
"Tsk yes or no lang kuya. Masyado ka namang defensive" natatawang wika ni Felix.
"And you don't care ha? Oo nga kuya wala ka talagang paki alam. OBVIOUS na OBVIOUS nga eh" sarcastic na sabi ni Felix. Tinignan lang naman ni Trail ng masama ang kapatid,
"Ewan ko sayo!" at walang sabi sabing umakyat ito sa second floor. Naiwan kami doon ni Felix. Akon a takang taka sa inasal ni Trail habang si Felix naman ay tawang tawa.
"Hay yay yay that's my brother... hot tempered" bumaling sa akin si Felix. Lumapit ito sa akin at nagulat na lang ako ng bigla ako nitong akbayan.
"So Ate Krisan kwentuhan mo naman ako" sabi nito habang iginigiya ako nito papuntang sala
"Ano namang ike-kwento ko?"
"Kahit ano"ningitian ko na lang ito.
Naupo kami ni Felix sa sofa. Tulog naman na si tita Carmela kaya okay lang naman siguro kung makipag kwentuhan ako saglit kay Felix.
BINABASA MO ANG
For the second time
Romance[Bachelor Series 4] Trailor Ignacio I've known her since my childhood days... and she hated me since then....