CHAPTER XV NAG IBA KA NA

18.6K 292 155
                                    

A/N

sorry for the looong waiiit! Nga pala nag lagay na ako ng characters. Yung picture ni andrew nasa chapter 3, si kim nasa chapter 4 si jansen nasa chapter na para kaya J tapos si Barbie nasa Andrew's girl?

Nasa twitter nga rin pala ako hehehe @xandrachill

Haha thanks!

Eto na po:

CHAPTER 15 Nag-iba ka na

ANDREW'S POV

Maaga akong gumising dahil naghahanda nanaman ako ng breakfast. Kahit na nagkakalabuan kami ni Kim, hindi pa rin yun sapat na dahilan para kalimutan ko ang responsibilidad ko sa kanya at sa magiging anak namin. Gustong gusto ko pa rin syang alagaan.

Nasa pag-aayos na ako ng mga pinggan, ng lumapit sa akin si manang.

"naku, andrew baka kulangin yung niluto mo. May bisita pala kayo."

"po? Bisita? Wala naman p-"

Hindi ko na naituloy yung sasabihin ko kasi biglang dumating sa dining area si kim, pero hindi sya nag-iisa.. Kasama nya si Jansen. Muntikan ko ng maibagsak yung pinggan na hawak ko, eto nanaman naramdaman ko nanaman yung kirot sa puso. Hindi na ba titigil to? Palagi na lang bang ganito?

"ahm, andrew. Niyaya ko si Jansen na dito mag breakfast, okay lang naman sayo di ba?"

Eh kung sabihin ko na hindi okay? Papaalisin mo ba sya? Pipiliin mo ba ako? Papakinggang mo ba yung sinasabi ng puso ko ha kim? O patuloy ka na lang na magpapakabulag kay Jansen?

Waaaah!!! Ang aga-aga ang corni ko!

"ahhm.. Okay lang, tara na kumain na tayo."

Nakakaloko yung ayos namin ngayon, ako na nakaupo sa kanan, sa kaliwa si Jansen.. At syempre... Sa gitna si Kim. Dati, kaming dalawa lang ang magkatabi kapag nag bebreakfast. Pero ngayon? May jansen na sumisingit. Ang hirap makipagkompetensya sa atensyon.. Sa pag mamahal lalo na kung alam mo naman sa simula pa lang na hindi ikaw ang pipiliin nya na bigyan ng atensyon at pagmamahal.

Sinandukan ko ng rice si Kim tapos nilagyan ko ng hotdog at tocino. Ilalapag ko na sana sa table ni Kim ng makita kong naglalagay ng tubig sa baso si Jansen.

"inom ka munang tubig kim."

Iinumin na sana ni Kim, pero pinigilan ko sya.

"bawal sayo uminom ng malamig na tubig sa umaga baka sumakit ang tyan mo., eto inumin mo.. Nag timpla ako ng hot milk."

Tinitigan naman ako ng masama ni Jansen.

"bakit naman sasakit ang tyan nya?"

"kasi, hindi pa sya kumakain.. Wala pang laman ang sikmura nya kaya baka sumakit ang tyan nya kapag uminom agad sya ng malamig."

"anong tingin mo? Magaling ka na nyan? Ikaw na ang magaling sa ating dalawa?"

Tumayo si jansen at halatang napipikon na. Bakit ba sya nagkakaganyan? Inaalagaan ko lang naman si Kim. Kung ganito sya, na sa mga simpleng bagay lang hindi nya alam kung papaano aalagaan si Kim. Paano ko bibitawan si Kim kung ganyan sya? Kailangan pa yata nitong um-attend ng workshop.

Tinitigan ko na lang si Jansen.. At sa mga tingin ko na yun gusto ko ng iparating sa kanya na tumigil na sya sa mga pinaggagagawa nya. Na umpisahan na nyang umalis sa buhay namin ni Kim. Kasi habang nandyan sya. Mas nalilito si Kim at sa pagkalito ni Kim, mas nagiging komplikado ang sitwasyon namin.

"tama na Jansen, Please sit down."

Sabay sabay na kami sa pagkain. Pero, napakaewan talaga ng dalawang to. Talagang sa harapan ko pa naglalambingan! Parang walang tao dito! Ang lalakas ng loob na gawing luneta tong bahay!

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon