CHAPTER XXI I'M SORRY

10.6K 199 34
                                    

CHAPTER XXI I'M SORRY

KIM'S POV

Nagtaxi lang ako at pagkatapos ay bumaba ako sa isang bahay. Hindi ako agad pumasok. Umuupo lang ako sa tapat ng gate tapos nag umpisa nanaman akong umiyak. Ang unfair talaga ni Andrew, gagantihan nya lang pala ako pero pinaibig pa nya ako, Ang daya daya nya talaga. Bakit ba nya kasi kailangan pang gawin to? Hindi ko sya maintindihan.

Niyakap ko ang maleta ko habang patuloy sa pag iyak, wala na akong ibang alam gawin kundi ang umiyak. Sorry naman nasaktan lang talaga ako sa ginawa sakin ni Andrew.

Biglang bumukas ang gate na ikinatayo ko. Namiss ko ng sobra yung nag bukas ng gate,

"oh my gosh Kim! Anong nangyari bakit ganyan ang ayos mo?"

Hindi na ako nagsalita pa, agad na akong yumakap sa kanya. Sa pagyakap ko sa kanya ay naramdaman kong medyo nabawasan yung lungkot at hirap na dinadala ko.

"mommy..."

Tuloy tuloy pa rin ang pag iyak ko. Bata pa nga talaga ako kasi iyakin pa ako eh hehe. Si mommy naman tuloy tuloy lang sa pag hagod ng likod ko.tapos hinahalikan nya ako sa ulo. Ang sarap talaga ng may nanay.

"bakit naman hindi ka pumasok sa loob? At umupo upo ka pa dyan? Susme ka talagang bata ka. Ano bang nangyari sayo?"

Hindi na ako hinintay pa ni mommy na makasagot, inalalayan nya na rin ako makapasok sa loob. Pag pasok ko naman sa loob ay nandoon si ate kasama ang kanyang boyfriend. Sige na ako na ang inggit. -_-

"siiiiiiiissss!!!!"

Biglang tumakbo sakin palapit si ate tapos bigla nya akong niyakap.

"OMG! I missed you!"

Tapos hinalikan nya ako sa pisngi. Ang sweet talaga ni ate :))

"nag away kayo no?"

Biglang sumeryoso ang mukha ni ate.

"gugulpihin ko yang Andrew na yan! Ang galing naman nyang saktan ka!"

Umupo muna kami ni ate at mommy tapos kwinento ko sa kanila yung nangyari pero sinabi ko rin sa kanila na hindi pa kami nakakapag usap ni Andrew. Habang nag kekwento ako ay iyak pa rin ako ng iyak. Naubos ko na yata yung isang rolyo ng tissue. Si mommy naman ay nakikinig lang sa akin si ate naman ay hagod ng hagod sa likod ko. Tapos yung boyfriend naman nya hinahagod ang likod ni ate. Ano to? Haguran lang.

"anak, dapat hinayaan mo munang magpaliwanag si Andrew. Dapat hiningi mo rin ang side nya hindi yung basta basta ka na lang aalis sa bahay nyo."-mommy

"mommy, ano pa po ba ang dapat nyang ipaliwanag eh kitang kita ko na sa video na niloloko nya lang ako. Na pinaasa nya lang ako sa wala."- ako

Tapos umiyak nanaman ako. Kasi naman, bakit pa sya magpapaliwanag? Para makapagpalusot? Pwede ba wag ngang bilugin ni andrew ang ulo ko ha!

"anak, hindi lang yan ang pagdadaanan nyo bilang mag asawa.. Marami pa kayong kakaharapin. Kaya dapat kayong dalawa ang nag-aayos ng mga ganitong bagay. "

Hinawakan ni mommy ang kamay ko at tsaka tumingin sa akin.

"anak, mahal kita. Mahal ko kayo ng ate mo. Ayokong nakikita kayo na nasasaktan. Wag kang gumaya sa akin anak, na madaling nag give up. Kaya eto, hindi na natin kasama ang daddy nyo"-mommy

"mommy, wala ka namang kasalanan si daddy lang talaga ang dapat sisihin."-ako

"mommy... Kamusta na kaya si daddy?"-ate

Huminga muna ng malalim si mommy. Bago tuluyang sumagot.

"uuwi daw sya dito sa atin."-mommy

"ha?!bakit pa? Di natin sya kailangan!"-ako

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon