CHAPTER XIV FIGHT
KIM's POV
Pinarada ni Jansen yung kotse nya sa may di kalayuan. Tapos naglakad na lang kami papunta sa bahay. Oo, simula sa araw na to. Magpapahatid na ako sa kanya. Ano pa ba kasi ang sense ng pagtatago namin eh alam naman na ni andrew. Pero, sana wag nyo namang isipin na sobrang sama ko.. Nagmamahal lang naman ako.
"nandito na tayo :)"
Sabi ni Jansen na ngumit sakin ng ubod ng sweeeet.. Haay. Kahit araw araw ko syang nakakasama namimiss ko pa ri sya. Haha ang labo eh noh.
"baka makita tayo ni andrew" sabi nya sakin sa mahinang boses.
"hmm.. Alam naman nya di ba. Wala na ring dahilan pa para itago natin to." yumakap ako kay Jansen.
"sweety.."
"hmmm?"
"ang taba mo na"
Humiwalay ako sa pagkakayakap kay Jansen at tsaka ko sya hinampas,
"ikaw talaga! Palagi mo kong inaasar! Buti pa si And-.."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Parang kabastusan naman kasi. Pero, sa totoo lang Si Andrew lang ang nakakapagpagaan ng loob ko. Yung tipong nakikita kong napaka impossible na ng isang bagay. Nandyan pa rin sya para pagaanin yung loob ko.
"buti pa si andrew, sinasabihan kang sexy ganun ba?"
Tanong sakin ni Jansen pero hindi na lang ako sumagot. Yumuko na lang ako.. Bakit sa mga panahong to si Andrew ang naiisip ko? Pero alam ko si Jansen ang mahal ko.
"wag kang nagpapaniwala dun, niloloko ka lang nun eh."
Tapos inakbayan ako ni Jansen, at tsaka pinindot yung ilong ko. Niloloko? I don't think so.. Dahil sa tuwing sinasabi ni Andrew na maganda ako, nakikita ko na seryoso sya sa sinasabi nya. Bakit ba kasi ganyan si Andrew? Nahihirapan tuloy akong bumitaw.
Maya maya lang ay bumukas ang gate, at sa kasamaang palad si Andrew ang nagbukas ng gate. Mukhang aalis sya. Malay ko kung saan sya pupunta. Ayoko sanang mag ilusyon pero nung nakita nya kami ni Jansen na magkasama parang may nakita akong lungkot sa mga mata nya. Sa totoo lang, ang gulo na talaga ng sitwasyon. Nung humingi ako ng distansya sa kanya ang sabi nya ay ayos lang daw. Baka nga ilusyon ko lang na nalulungkot sya.
"saan ka pupunta drew?"
"ah, wala dyan dyan lang. Tara na kim pumasok ka na sa loob baka mahamugan ka eh." hinawakan na ako ni andrew sa kamay. Na naging dahilan para mapabitaw ako kay Jansen.
"pare, sandali. Di mo ba nakikita? Nag uusap pa kami ni Kim hindi ba?"
Tiningnan ko ang dalawang lalake na parte na ngayon ng buhay ko, kung makikita nyo sila ngayon.. Matatakot kayo sa mga palitan nila ng mga tingin parang nag susuntukan na sila sa mga titig nila sa isa't-isa.
"pare kasi buntis si Kim at bawal sa kanya ang mahamugan dahil baka sipunin sya. Halika na kim."
Hinihila ulit ako ni andrew papasok sa loob.
"eh bakit hindi mo kasi hintayin na kusang pumasok sa loob si kim hindi yung pinipilit mo sya?!"
Nagtaas na ng boses si jansen at halatang napipikon na. Nag uumpisa na akong kabahan parang alam ko na kasi ang susunod sa mga maiinit nilang sagutan.
"paanong papasok si Kim sa loob eh kausap ka ng kausap!"
Ganti ni Andrew na seryoso na rin ang mukha.
"alam mo andrew, wag mo ngang pakielaman si Kim! Di mo sya pagmamay-ari! At pwede ba ha? Wag kang epal kasi hindi naman ikaw ang mahal ni Kim!"
Nakitako kung paano namula ang mukha ni Andrew sa sinabing yun ni Jansen.
BINABASA MO ANG
BABY ON BOARD
RomanceIsang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Araw-araw. Ang sabi nga ni Kim sa sarili nya ay darating din ang panahon na ikakasal sila ni Jansen at yun ay kapag nakapagtapos na sila ng Pa...