ANDREW'S POV
Bumalik na kami ngayon sa Manila, nandito kami ngayon sa bahay ng mommy at daddy ko. Nandito rin yung mama at ate ni Kim. Niyaya kasi sila ni Mommy na sunaglit muna sa bahay. Kami naman ni Kim ay nagpahinga lang saglit.
"Ang ganda naman ng mga orchids mo"-mommy ni Kim
"ay oo naman, eto na ang ginawa kong libangan ang mga orchids ko. Gusto lagi silang healthy. Eto ang baby ko ngayon."-mommy ko.
"Siguro dapat mag lagay na rin ako ng Orchids sa bahay, para naman magkabuhay tung garden namin. Ang gaganda kasi nilang tingnan eh."-mommy ni Kim
"oo naman, iba pa rin kapag may Orchids sa garden"-mommy ko.
Masaya ako na kahit papaano ay nagiging close na si Mommy sa mommy ni Kim. Simula kasi nung nagpakasal kami ni Kim. Nung unang kasala pa namin ha, hindi sila gaanong naguusap. Syempre magkaiba sila ng pananaw noon eh. Ayaw ng mommy ko na ipakasal ako kay Kim. At gusto naman ng mommy ni Kim na magpakasal kami. Pero ngayon, nakikita ko yung pagbabago sa kanilang dalawa. Mukhang magkakasundo na ang dalawa kong Nanay.
Biglang nag ring ang phone ng mommy ni Kim.
"ha?! Kanina ka pa nandyan?! O sige papunta na ako. Bye"
"Mga balae sige tuloy na muna ako at may aasikasuhin lang ako. "-mommy ni Kim
Mabilis na lumapit sa amin ang mommy ni Kim. Si kim naman ay puno ng pagtataka ang mukha. Bigla rin kasing nagbago ang facial expression ng mommy nya. Hinawakan ni Kim yung kamay ng mommy nya.
"mommy, may problema po ba sa clinic? Gusto nyo po samahan ko kayo?"-kim
"ah, hindi na anak. Basta wag nyong kakalimutan ni Andrew na dumaan sa bahay ngayon. May sasabihin ako sayo hihintayin namin kayo ng ate mo sa bahay.."-mommy
"eh mommy, bakit hindi na lang po dito?bakit sa bahay pa?"-kim
"basta, sumunod ka na lang sa sinabi ko."-mommy ni Kim.
Naiwang nakatayo si Kim sa harap ng pintuan habang papaalis ang kotse ng mommy nya. Agad ko namang inakbayan si Kim. Ramdam ko kasi na nag aalala sya para sa mommy nya. Pati tuloy ako ay nacurious.ano nga kaya yung sasabihin ng mommy ni Kim? Bakit hindi pa nya sinabi ngayon?
"Andrew.. Kinakabahan ako."
Ngumiti ako kay Kim at hinawakan ang dalawa nyang kamay. Kitang kita sa mukha ng mahal ko ang matinding pag-aalala.
"wag kang mag-alala.. Nandito naman ako eh. Hahawakan ko lang ang kamay mo. Kaya wag ka ng masyado pang mag-isip. Tara na nga.. Pumunta na tayo sa inyo para mawala na yang kaba na nararamdaman mo."
KIM'S POV
Habang nasa byahe kami ni Andrew ay hindi ako mapakali. Iba talaga yung nararamdaman ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam parang may kakaibang mangyayari. Pero di kaya napaparanoid lang ako? Baka naman may surprise lang sa akin si Mommy, baka nahawa na sya kay Andrew na mahilig magsurprise.. After 30 minutes ay dumating na kami sa bahay. Tahimik ang buong bahay pati si ate ay tahimik lang din na naka upo sa Sofa. May nangyayari talaga na hindi ko alam.
Inakbayan ako ni andrew at marahang pinisil ang balikat ko. Parang sinasabi nya na wag akong kabahan dahil nasa tabi ko lang sya.
"mommy, ano po ang sasabihin mo? Tungkol saan po ba?"-Kim
"actually anak, wala akong sassabihin sa'yo.. Pero sya meron."
Bumaba sa hagdan ang isang tao na sobra kong minahal. Sya ang unang lalaki na minahal ko. Pero mas pinili nyang iwan ako. Hindi lang ako.. Kami nina mommy at ate. Mas pinili nya na maging malungkot kami dahil sa pagkawala nya. Mas pinili nyang umalis at iwanan kami ng basta basta. Hindi man nya kami pinabayaan pagdating sa pera, pinabayaan naman nya kami bilang mga anak nya. Gusto ko syang yakapin at sabihing miss na miss ko na sya. Pero hindi ko magawa dahil merong parte ng pagkatao ko na nagsasabing wag ko syang lapitan, dahil darating nanaman ang panahon na iiwan nanaman nya kami. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit sya nandito. Basta ang alam ko lang ay biglaan ang pagbabalik nya. Bakit ba sya tinanggap ni Mommy? Sana di na lang sya bumalik. Sobrang lungkot at sakit na ang ibinibigay nya sa amin ni Mommy at ate.
BINABASA MO ANG
BABY ON BOARD
RomansaIsang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Araw-araw. Ang sabi nga ni Kim sa sarili nya ay darating din ang panahon na ikakasal sila ni Jansen at yun ay kapag nakapagtapos na sila ng Pa...