SI ANDREW---->>
ANDREW's POV
Ilang araw na akong nag-iisip. Hindi ko kasi makalimutan yung nangyari sa amin ni Kim, pag gising ko ay wala na sya pero medyo naaalala ko pa na sya ang kasama ko sa kwarto. Gusto 'kong kumbinsihin yung sarili ko na walang nangyari sa amin pero hindi ko na iyon maitatanggi pa dahil sa dugo na nasa kama at syempre nagising din ako na walang saplot. Kaya wala na akong ligtas, isa na lang talaga ang hiling ko na sana ay hindi ko nabuntis si Kim.
Di ko alam pano nangyari yun eh.Nalasing ako ng sobra,akala ko kasi sya si Barbie. Si Barbie buenavista, Crush na crush ko kasi yun eh. Nagkamali pala ako, Si kim pala ang napakelaman ko.
Ang kinakatakot ko ngayon eh, baka nabuntis ko sya. Hmmm., siguro hindi naman. Kasi isang beses lang naman yun eh. Diba? Kaya kalma lang dapat ako. Tama kalma lang.
"kesa napapraning ako, matutulog na lang ako. Grabe ha. Ilang araw na akong puyat noh. Kakaisip sa nangyari."
Hindi pa man ako nakakapikit eh kumatok na sa kwarto ko yung maid.
"pasok" sabi ko.
"Sir Andrew, pinapatawag po kayo ng daddy nyo. Nasa sala po sya. May bisita daw po kasi kayo." tsaka umalis yung maid.
"bisita? Sino naman kaya? Wrong timing naman oh" bumaba na ako.
Pasipol sipol pa ako habang pababa ako ng hagdan. Akala ko kasi ay mga kabarkada ko, Muntikan pa nga akong malaglag sa hagdan ng makilala ko kung sino ang bisita ko. Sino pa ba? Eh di si Kim..pero hindi sya nag iisa dahil kasama nya ang Mama at Ate nya. Nag umpisa na akong kabahan malamang na mahalaga ang sadya nila sa akin.
"umupo ka andrew." sabi ni daddy.
Nasa living room na din ang Daddy at Mommy ko. Napakaseryosong tono ng boses ni Daddy, siguro kung wala kaming bisita ay kanina pa nya ako sinuntok. Lagot talaga ako kapag alis ng mga bisita. Anong gagawin ko? Mukhang kailangan ko ng magtago sa tabi ni Mommy.
"Andrew, nandito kami dahil gusto naming panagutan mo si Kim, nabuntis mo sya." Sabi ng mama ni Kim habang seryoso na nakatingi sa akin. So nabuntis ko pala sya?! Grabe paano na ngayon yan?! Hindi pwedeng mangyari 'to.
Parang nabingi ako. Parang natanggal yung kaluluwa ko. Parang umakyat yung dugo ko sa ulo. Panaginip lang ang lahat diba?
"ha?ano po yun?" nag bibingi bingihan lang ako. Baka kasi nagkakamali lang ako ng dinig eh.
*Boogssh*. Binatukan ako ni daddy.
"umayos ka." sabi ni Daddy. Inayos nya ang salamin nya na medyo mataas na ang grado at muling humarap sa mga bisita.
"sorry dad." sabi ko, inayos ko yung medyo nagulo kong buhok dahil sa pag batok sa akin ni Daddy.
"dahil nabuntis ng anak ko. Ang anak mo Mrs.Salazar. Handa kaming ipakasal ang anak ko kay Kim. Kailangan nyang panagutan ang anak nya kay kim" Ang sabi ni Daddy.
"si daddy talaga oh! Hahahahahahahahaah joker! Ako mag papakasal? Hahahaha"
Hindi ko na napigilan ang pag tawa kasi naman si Daddy eh. Masyadong mapag biro, hindi pa kaya ako pwedeng ikasal! Tsaka ayokong mag pakasal kay Kim! Ayoko pang mag asawa at magkaanak.
Napahinto ako sa pag tawa ng makita ko na nakatingin sa akin si Daddy ng masama. Hindi ako lalaban sa tatay ko no. Hindi dahil sa wala akong laban pero malaki lang talaga ang respeto ko sa kanya.
"so... Hindi yun joke dad?" nanlalaki ang mata ko ng tinanong ko si Daddy. Grabe lang! Bakit kailangang mauwi sa kasalan ang lahat ng ito?! Napakaaga pa para mag asawa ako.
"Sa tingin mo ba ay mag bibiro pa ako sa sitwasyon na to?!"
Sumigaw na si Daddy Sa akin. Siguro ay dahil sa inis nya sa akin kaya pinagtaasan na nya ako ng boses. Masisisi nya ba ako kung bakit ako nag kakaganito?! Maging ako hindi ko matanggap yung gulo na napasukan ko. Gusto ko ng matapos yung problema na 'to pero hindi naman kasi kasal ang sagot dito eh.
"No! Ayoko magpakasal kay Andrew! I don't love him! Paano na kami ni jansen? Mom please...."
Sabi ni Kim. Iyak ng iyak si Kim, alam ko naman na ayaw nya rin na mag pakasal sa akin. Kitang kita sa mukha nya ang pag pupursigi na makumbinsi ang mommy nya na huwag kaming ipakasal. Tama lang yan, dapat na kumbinsihin nya ang mommy nya na huwag mag pakasal sa akin. Hindi lang magiging maayos ang pag sasama namin kung ipagpipilitan lang namin ang aming mga sarili.
"Mommy, Daddy ayoko din po na mag pakasal kay Kim! Ayoko syang makasama habang buhay. Parang awa nyo na po. Kinikilabutan ako kapag naiisip ko na sya ang mapapangasawa ko." sabi ko sa mga magulang ko. Tapos ay tumingin ako sa mommy ko, nagpapaawa ako kasi alam ko na hindi ako matitiis ng mommy ko.
"hooooy! You idiot! Ang kapal mo ha! If i know, may masamang balak ka talaga sakin noh! Nung party nga lumapit ka sakin eh. Tapos dapat hahalikan mo pa nga ako diba?! Siguro nilagyan mo ng pampatulog yung ininom ko! Rapist ka! Pervert!"
"Wow ha! Di ko gagawin yun! You're not my type! Talagang wala akong alam. Masyado kang assuming kim!"
Inis na sabi ko sa kanya. Napapailing na lang ako sa mga sinasabi nya. Nag bago na sya, simula ng naging boyfriend nya si Jansen ganyan na sya umasta. Ganyan siguro ang tinuturo sa kanya ni Jansen.
"you freaking as-"
Sabi ni Kim. Tumayo pa nga sya at lalapit na sana sa akin pero hinatak lang sya pabalik ng Mommy nya. Wala akong ibang gagawin kundi ang asarin lang sya. Kung ayaw nyang mag pakasal pwes, mas lalo naman ako noh. Hindi ko kaya na makasama sya, masyado ng malaki ang ipinagbago nya.
"enough!"
Sigaw ng Daddy ko. Alam ko na kanina pa nya pinakikinggan at pinanonood ang pag aaway namin ni Kim. At iyan ang isa sa ayaw ng daddy ko yung palaging may nag-aaway at nagsisigawan sa loob ng bahay.
"Dad, I think hindi tama ang ipakasal natin sila kasi tingnan mo naman. Ngayon palang nag aaway na."
To the rescue naman ang mommy ko. Ngumiti ako sa mommy ko bilang pasasalamat sa pag tatanggol nya sa akin. Kahit kailan talaga ay kakampi ko yan si Mommy.
"Yeah Dad.Tama si mommy! Pwede namang sustentuhan na lang natin ang baby eh."
Ang sabi ko kay Daddy. Sana naman ay pumayag sya sa sinabi ko. Tumingin lang sa akin si Daddy pero hindi nya nagawang ngumiti o matuwa sa suhestyon ko ibig sabihin ba noon ay hindi sya sang ayon?
"No! Wala kaming pakelam sa pera nyo! Fyi Mr. and Mrs. Barredo I'm a dentist. Kayang kaya kong buhayin ang mga anak ko. At apo. Pero ... Ang pinag uusapan dito ay dangal ng anak ko. Ayoko syang pagpyestahan ng mga tao. At sabihing disgrasyada ang anak ko! Kaya dapat ipakasal sila!"
Bigla namang sumingit ang mommy ni Kim sa usapan. Nakakatakot pala maging byenan 'to bigla bigla na lang sumisigaw eh.
"Pero mommy..."
Hinawakan ni Kim ang braso ng mommy nya. Halata pa rin sa mukha nya ang pag tutol.
"ipakakasal natin sila. That's final."
Sabi ni Daddy. Tinanggal nya ang salamin nya sa mata at tumingin sa amin ni Kim. Wala na, eto na yun. Tuloy na tuloy na 'to. Kapag kasi nag desisyon ang daddy ko ay wala ng bawian pa yun. Kapag sinabi nya ay sinabi na nya at wala ng sinuman ang makakapag bago noon.
"okay. We'll go ahead Mr. and Mrs. Barredo. Tatawag na lang ako,Para makausap ko kayo about sa wedding ng mga bata."
At umalis sina Kim at ang pamilya nya. Naiwan na lang kami nina Mommy at Daddy dito sa living room. Panahon na para harapin ko ang matinding galit sa akin ni Daddy.
"Paano mo nagawa ang ganitong bagay ha Andrew?! Hindi ka na ba talaga nag iisip? Tamad ka na ngang mag-aral gunawa ka pa ng panibagong problema!"
Sigaw ng Daddy ko sa akin. Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso dahil alam ko na nag aapoy sa galit ang mga mata nya. Tama naman kasi sya eh, wala na akong ginawang maganda. Puro problema lang naman ang dinadala ko sa pamilyang ito.
"Dad, Wag mo nang pagalitan si Andrew hindi rin naman nya ginusto na makabuntis eh"
Sabi ni Mommy habang pinapakalma si Daddy. Sinenyasan nya rin ako na umakyat na sa kwarto ko.
"Wag kang aalis Andrew, hindi pa tayo tapos mag usap! At ikaw naman Mommy wag mong kinakampihan yang anak mo. Kaya hindi yan nag titino dahil alam nya na lagi kang nasa likod nya para ipagtanggol sya."
Naawa tuloy ako kay Mommy pati kasi sya ay nadadamay, Baka mag- away pa sila ng dahil sa akin. Hindi ko naman kasi sinasadya na mabuntis si Kim eh.
"Dad, Wag nyo na pong awayin si Mommy wala naman po syang kasalanan sa nangyari en. Ako lang naman po talaga ang dapat sisihin. Pero Dad, hindi ko naman po sinasadya yun. Please naman Dad wag nyo po akong ipakasal kay Kim"
Hinampas ni Daddy yung mesa na nasa harapan namin. Nagulat kaming dalawa sa ginawa ni Daddy, Tumingi ako kay mommy at nakita ko ang matinding takot sa mukha nya, kagaya ko ay may takot din sya kay Daddy yun nga lang ay mas malakas ang loob ni Mommy na kalabanin si daddy.
"talagang dapat ikaw ang sisihin dito Andrew! Kailan ka ba mag iisip? Kailan ka ba magtitinong bata ka?! Wala na bang pag-asa na ayusin mo ang buhay mo ha?! Napaka iresponsable mo! Sa ayaw at sa gusto mo ay magpapakasal ka kay Kim. Papanagutan mo ang bata na dinadala nya. And this time, kailangan mo nang maging responsable."
Napatayo ako sa sinabi ni Daddy. Hanggang kailan nya ba ako didiktahan? Bakit palagi na lang syang nakikielam sa buhay ko? Bakit pati pagpapakasal ko ay pinakikielaman nya?! Hindi ba nya alam na hindi biro ang pag-aasawa. Hindi ba nya iniisip na bandang huli ay mag kakahiwalay lang kami ni Kim.
"Dad, Ayoko po! Hindi ako mag papakasal sa kanya! Hindi nyo ako mapipigilan."
*PAAAK!*
Dumapo sa gwapo kong mukha ang kamay ng Daddy ko. Ngayon nya lang ako napag buhatan ng kamay. Kahit na napaka pasaway kong anak ay never nya akong pinagbuhatan ng kamay. Sabagay, ngayon ko lang naman din sya sinagot ng pabalang eh.
"Wala kang galang! Kung ano ang gusto ko yun ang masusunod, parusa 'to para sayo! Kung gusto mo na mapatunayan ang sarili mo sa akin. Pakasalan mo si Kim, gawin mo ang makakaya mo para maalagaan ang magiging pamilya mo. Huwag mong hayaan na tumulad sayo ang magiging anak mo!"
Hinawakan naman ni mommy si daddy. Siguro ay natatakot sya na baka masapak alo ni Daddy. Maging ako ay natatakot na rin dahil baka nga masapak ako ni Daddy, wala naman akong balak na lumaban sa kanya kaya malamang na mabugbog ako ng todo.
"Sige na anak, umakyat ka na muna sa kwarto mo"
Wala akong nagawa kaya naman umakyat na lang ako sa kwarto ko at nag mukmok. Bilang na pala ang araw ko bilang single. Kaya ko ba 'to? Ako tatay na? Pero paano? Hindi nga ako marunong mag karga ng baby eh. Tsaka paano ko naman aalagaan si Kim at ang magiging anak namin? Naknang tokwa naman oh. Ano ba naman kasi 'tong gulo na napasukan ko. Pero napaisip din ako sa huling sinabi ni Daddy, siguro nga dapat na palakihin ko ng maayos ang magiging anak ko. Hindi sya dapat tumulad sa akin.
Ano na kayang mangyayari sakin? Ang hirap tanggapin. Sana hindi na lang nangyari to. Bumangon ako sa kama ko at pumunta sa computer ko, chineck ko lang ang facebook ko. Isa pa kailangan ko rin na maka chat si Kim. Hindi naman ako nabigo dahil Online sya. I started the conversation, pero wala ring nangyari dahil nag asaran lang kami at nag batuhan ng maiinit na salita sa isa't isa. Wala talagang mangyayari sa relasyon namin kung palagi kaming mag babangayan.
Sana may time machine na pwede kong balikan ang mga pangyayari. Tapos yung mga ayokong pangyayari eh. Maitatama kpo. Promise hindi ko talaga gagalawin si kim! I swear!
Ayokong matulad kay JM de Guzman noh.
Ayokong maging Angelito ang batang ama. Or should i say...
"Andrew ang batang ama" nasabi ko na lang.
Ginulo gulo ko ang buhok ko.Kailangan 'ko nang matulog, Dapat na mag-isip ako ng mabuti kung ano nga ba ang dapat kong gawin sa problemang napasukan ko. Kailangan na magkaroon din ako ng sarili kong desisyon. Pero.. Hindi dapat ako magpadalusdalos.
BINABASA MO ANG
BABY ON BOARD
RomanceIsang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Araw-araw. Ang sabi nga ni Kim sa sarili nya ay darating din ang panahon na ikakasal sila ni Jansen at yun ay kapag nakapagtapos na sila ng Pa...