CHAPTER XXVII NIGHTMARE

11.1K 206 54
                                    

Nightmare

A/N this is not the last chapter.

Salamat ulit sa mga nag follow sa akin sa twitter at kumakausap sa akin @xandrachill

KIM'S POV

Nakakainip din pala kapag maghapon ka lang na nasa bahay. Gustuhin man namin ni Andrew na mamasyal pa ay hindi na pwede kasi kailangan na nyang bumalik sa school, baka kasi bumaba yung mga grades nya kapag nagpatuloy pa sya sa pag absent. Sabi nya sa susunod na lang daw kami mamasyal. Nag facebook na lang muna ako, tapos nakita ko yung mga pictures nung mga classmates ko. Haay. Napagiwanan na ako. Gusto ko ng bumalik sa school. Pangako ko sa sarili ko, mag-aaral talaga ako ng mabuti para naman makabawi ako kay mommy at daddy at syempre para na rin kay Andrew at sa magiging baby namin. Habang nag iinternet ako ay nakaramdam ako ng uhaw.Sa pagtayo ko ay nasagi ko yung picture frame na may picture ni Andrew, syempre nabasag yung frame. Nakaramdam ako ng kaba nung mabasag yung frame. Kinuha ko yung cellphone ko at sinubukan kong tawagan si Andrew, pero nakapatay ang cellphone nya.

"wala to, napapraning lang siguro ako."

Hinawakan ko ang tyan ko,at kinausap ko ang baby ko.

"hi baby, malapit ka ng lumabas.. Sabi ng doctor 2 weeks na lang daw at lalabas ka na. Excited na akong makita ka. Sigurado ako na kapag nakita ka ng daddy mo matutuwa yun,.Pero hindi pa rin namin alam ang gender mo. Gusto ko kasi surprise :)) konting tiis na lanag baby."

natigil ako sa pagkausap sa anak ko dahil sa sunod sunod na katok sa pintuan. Pagbukas ko ng pinto ay si Manang Rosie na naghahabol ng hininga.

"manang, bakit po?"-ako

"may taxi driver na nasa baba nabundol daw nya si Andrew. Dinala na raw nya sa ospital ang asawa mo."-manang Rosie

Nanlambot ako sa narinig ko at muntikan pa akong mapaupo ng di oras buti na lang ay naalalayan ako ni Manang Rosie na noon ay umiiyak na. Kaya pala bigla akong kinabahan kanina.. Ganito pala ang mangyayari. Bakit naman nangyari pa ito kay Andrew? Sana naman ay nasa mabuti syang kalagayan.

"anak, magpakatatag ka. Halika, sasamahan kita sa ospital."-manang

"h-hindi na po manang, ihanda nyo na lang po ang ilang gamit ni Andrew tatawagan ko na lang po kayo kung saang ospital sya dinala."-ako

Dumiretso na ako agad sa labas at nakita ko nga ang taxi driver na nakabundol sa asawa ko. Puro sorry ang sinabi nung driver, ano bang magagawa ng sorry nya eh naaksidente na nga yung asawa ko. Habang nasa byahe kami ay walang ibang laman ang isip ko kundi si Andrew. Sana naman ay maayos ang lagay nya. Dahil kapag nagkataong may masamang nangyari kay Andrew.. Pasensyahan na lang kami ni Manong driver.

Pero... Bigla akong nagtaka.

"kamusta ang asawa ko? Anong lagay nya?tsaka manong, di ba sabi nyo. Nabundol nyo ang asawa ko? Bakit pa kayo pumunta sa bahay.. Eh may cellphone naman ang asawa ko eh.. Sana tinawagan nyo na lang ako para nakapunta ako agad sa ospital. Tsaka paano nyo naman nalaman ang address namin?"

"okay naman sya,ah.. Ah.. Ano kasi.. Lowbatt yung cellphone nung asawa mo kaya.. Di ko kayo nacontact nakita ko sa I.D nya yung adress kaya nagpunta na lang ako sa bahay nyo."-manong driver

Hindi ko na lang pinansin si Manong, habang nasa taxi kami ay panay ang dasal ko na sana ay hindi malubha ang lagay ni Andrew.. Hanggang sa dumating kami sa isang lugar, pero hindi sa ospital kundi sa isang Abandonadong factory.

ANDREW'S POV

Maaga ang uwian namin ngayon kasi may project nanaman na pinagagawa sa amin kaya ang sabi ng prof namin ay simulan na raw namin ang pag gawa. Ang sabihin nya tinatamad lang syang magturo. Pero okay na rin to atleast ay makakauwi na ako ng bahay. Sigurado akong hinihintay na ako ni Kim. Sumakay na agad ako sa kotse ko. Tapos ay nagsimula ng magmaneho, nasa ikatlong kalye pa lang ako ng biglang may kotse na humarang sa akin. Muntikan ko pa nga kaming magkabanggaan. Ano kayang problema ng driver na 'to?

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon