CHAPTER XI I'm Back!

19.4K 277 86
                                    

A/N:



Sorry po sa matagal na paghihintay madami lang talaga akong ginagawa sa school. At hindi ako makapag update, gusto ko lang din po na mag pasalamat sa lahat ng nagbabasa ng Bby On Board Sa mga nag vovote, nag cocomment at nag fafan.. Thank you po!!! Sana po patuloy nyo pa rin po na basahin ang story ko.







Godbless! And thank you again :))











KIM'S POV











yehey! one month na ang nakalipas.. at sa one month na yun ay naging masaya naman ang pagsasama namin ni Andrew. eto nga eh, pupunta kami sa Mall ngayon. Bibili na kasi kami ng ilang gamit ni baby! so excited!!! tapos mag gogrocery kami kasi bukas pupunta kami sa Tagaytay yipppeee! vacation mode On! wahahaha.











"Tara na Wifey," tinawag na ako ni Andrew. tapos hinawakan nya yung kamay ko.











mabilis naman ang byahe. hindi gaanong traffic ngayon kaya nakarating agad kami sa mall.. naglakad lakad muna kami tapos pumapasok sa mga boutique na may mga damit pang baby. Ang saya lang! iba pala ang pakiramdam kapag bibili ka na ng gamit ng anak mo, yun bang... gusto mong ibigay yung mga gamit na kailangan nya at yung pinakamagandang gamit para sa kanya. Nararamdaman ko na yung pagiging mommy ko. :) Siguro Si andrew nararamdaman na rin nya yung pagiging daddy.









"oh, lalabas nanaman tayo? ilang boutique na yata yung napuntahan natin pero hanggang ngayon wala pa rin tayong nabibili."





sabi ko kay Andrew habang nakakapit sa braso nya.









"Eh sa walang maganda eh! ang papanget ng feeding bottles nila! tapos yung mga lampin magaspang ang tela! baka masugatan pa si baby!"







sabi ni andrew. ang sungit sungit! meron ata ngayon to eh. huminto ako saglit at hinawakan ang tyan ko.









"baby, pasensya ka na ha nagkaroon ka ng masungit na daddy. Ikaw na ang bahala na magpasensya sa kanya ha."











"ano bang pinagsasabi mo dyan ha? pati kay baby sinisiraan mo ako. Halika na nga ang bagal mo eh"











hinawakan ni Andrew yung kamay ko tapos sabay kaming naglakad. napatingin ako kay andrew na busy sa pagtingin tingin sa paligid nya.. Lihim akong nagthank you, kasi kahit sa paglalakad kahit na sobrang bagal ko hindi nya ako iniiwan.











"Dito tayo."







pumasok kami sa isang boutique at syempre nagtingin tingin lang kami tapos lumabas din agad kasi wala nanamang nagustuhan si Andrew.







"ano ba naman yan andrew! wala pa rin tayong nabibili!!! ang arte arte mo naman kasi eh!"









nakasimangot na talaga ako. dahil nakakainis na talaga tong lalake na to! wala ng ginawa kundi kumontra sa mga produkto ng mga boutique! nandyang sasabihin nya na magaspang yung tela, ang pangit ng designs ng mga feeding bottles, ang rupok ng crib, at ang babaduy daw ng mga damit.









"eh bakit ba?! gusto ko maging maayos si baby! ayokong ipagamit sa kanya yung mga cheap na gamit!"









" ewan ko sayo! alam mo bang napapagod na ako kakalakad!!!!! nakakairita ka na! palibhasa kasi hindi ikaw ang nahihirapan eh!"









pinagtitinginan na kami ng mga tao dahil sa nagsisigawan na kami. Pero wala akong pakelam ang importante makapagpahinga na ako.











"sige na maupo ka muna dyan. tapos tatawagan na lang kita ako muna ang maghahanap ng mga gamit. Wag kang aalis dyan ha! at wag kang makikipagkilala or makikipag usap sa kahit na sino."







hindi na ako hiintay pa ni andrew na makasagot basta na lang sya umalis.









"hmmp! sungit!"









habang nakaupo ako ay minamasahe ko yung binti ko. nangawit na kasi kakalakad.









"bwisit ka talaga andrew kahit kailan! sana pulikatin ka pag uwi!"









"Gusto mo ako na ang magmasahe ng binti mo?"







napatigil ako sa pagmasahe sa binti ko at dahan dahan akong tumingin sa mukha nung nagsalita.







O.O--- ako.





"Jansen.."









Oo maski ako nagulat! Hindi ko kasi inaasahan na dito pa kami magkikita ni Jansen. Dagdag pa na ilang buwan na rin na hindi kami nagkikita. Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa. okay na pala sya. At.. Gwapo pa rin hihihi.. Masaya ako para sa kanya at mukhang balik na sa normal ang buhay nya. Pero kami?







Mukhang hindi na.







"hello kim"





Sabi sakin ni Jansen, parang kakaiba yung pagbigkas nya ng name ko.. Parang mahal nya pa ako. Di ko tuloy maiwasang hindi kiligin.





Mahal pa nga ba ako ni Jansen o ilusyon ko na langa ang lahat? Siguro ilusyon na nga lang, saan ka naman kasi nakakakita ng lalake o boyfriend na kapag ang girlfriend nya ay nabuntis ng iba eh matutuwa pa? Mamahalin pa rin.





"pwede ba tayong mag dinner?"





Tanging tango lang ang naisagot ko sa sobrang gulat ko sa pagbabalik ni Jansen. Pero at the same time masaya ako. Ang tagal naming hindi nagkita at ang tagal naming hindi nagkausap...













ANDREW'S POV





Sa wakas!!!! May nabili na rin akong feeding bottles! Yahoooo! May tumama din sa panlasa ko. Naglakad na ako pabalik sa lugar kung saan ko iniwan saglit si Kim. Pero laking gulat ko ng wala sya dun.







"saan nag punta yun?"





Tinext at tinatawagan ko sya pero hindi sya sumasagot. Nasan na kaya sya? Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kinakabahan na ako, saang lupalop naman kaya ng Pilipinas pumunta yun si Kim?





"miss, may nakita ba kayong buntis? Ano mga, hanggang balikat ko sya tapos maputi straight yung buhok tapos nakapink syang dress. Basta maganda sya!"





"sir sorry po pero di ko sya nakita"





Ilang sales lady na ba ang sumagot sakin nyan?10?20? O 30 na?!naglibot libot na rin ako sa bung mall pero hindi ko nakita ni anino ni Kim. Lumabas na ako ng mall atsaka ko sya hinanap sa daan. Muntikan pa nga akong mabangga dahil hindi ako nakatutok sa pagmamaneho.







"kim, nasan ka na ba? Sana.. Sana... Makita na kita"

















KIM'S POV





hindi kami sa mall kumain ni andrew. DInala nya ako sa restaurant na paborito naming kainan nung kami pa. Habang kumakain kami ang daming bumalik na ala-ala, yung mga panahong magkasama kami at nagtatawanan, yung mga panahong yayakapin nya ako, yung mga panahong nag aaway kami pero maya maya lang bati na rin, at yung mga panahong sinasabihan nya ako ng ' I LOVE YOU SWEETY'





Mahal ko pa nga ba si Jansen? At mahal nya pa kaya ako? Natatakot akong tanungin sya.











"mahal pa rin kita kim"







Muntikan na akong mabulunan nung narinig ko si Jansen na magsalita. Mahal pa nya ako?! Wow!!!! Hindi ako makapaniwala!





"jansen.."







Maluha luha kong sabi. Bakit ba binibiro ako ng tadhana? Bakit kung kailang masaya na ako kay andrew tsaka pa bumalik si Jansen?







"noong nagising ako.. Ikaw ang una kong hinanap.pero....Wala ka"





Naiyak ako sa pagkakasabi ni Jansen. Parang puno ng hinanakit. Puno ng panunumbat. Tama sya wala nga ako sa tabi nya kundi nasa tabi ng asawa ko, asawa ko na walang ginawa kundi patahanin ako sa twing umiiyak ako. At pasayahin ako sa tuwing nalulungkot ako.





"jansen, hindi mo alam kung gaano ako nangulila sayo dahil ayaw akong palapitin ni tita jinky sayo.sinisisi nya ako sa nangyari sayo.Walang araw na hindi kita iniisip. Walang araw na hindi ko hiniling na sana magising ka na. Walang araw na hindi kita minahal."







Tuloy tuloy kong sabi habang umiiyak ako. Totoo lahat ang sinabi ko. Sa ginagawa kong to unti unti ng gumagaan ang loob, eto yung mga bagay na gusto kong sabihin kay Jansen nung nagkahiwalay kami.





" kalimutan na lang natin lahat kim. Mag umpisa ulit tayo."





This time hinawakan ni Jansen yung kamay ko. At napangiti ako sa ginawa nya.



"Jansen, hindi na pwede kasal na ako kay Andrew at magkakaanak na kami."





"wala sakin yun. Handa naman akong akuin ang anak mo eh. Magsisimula tayo na parang walang nangyari. Hindi mo naman mahal si Andrew hindi ba?"





Hindi ko nga ba mahal si andrew? Wala nga ba akong nararamdaman para sa kanya? Maski ako hindi ko masagot yung tanong ni Jansen. Parang Geometry yung tanong nya sakin.





Speaking of andrew! Omg! Baka malamang hinahanap na nya ako!





"Sorry jansen but I have to go. Hinihintayna ako ni andrew"



Gusto ko pa sana syang makasama pero naalala ko si andrew. Malamang bag aalala na yun sa akin.





Nagsimula na akong maglakad..





"Kim, hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo na mahalin ang isang tao. Oras na para bawiin kita sa kanya.bukas magkita tayo, mag usap tayo ng masinsinan"





Bago ako tuluyang umalis ay kinuha ni Jansen ang number ko, actually number ni andrew ang binigay ko dahil nga sa nagpalit kami ng cellphone. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Basta, ako na yata ang pinakamasayang babae sa buong mundo!





Dumiretso na ako ng uwe. At sa pagpasok ko si Andrew agad ang sumalubong sa akin.



"oh God! Salamat naman at umuwi ka na!"





Bigla akong niyakap ni andrew. Pero hindi ko sya magawang yakapin... Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero isa lang ang alam ko, wala akong lakas ng loob na yakapin sya.





"where have you been? Bakit bigla ka na lang nawala?kumain ka na ba ha? Ano tell me may masakit ba sayo?"





Tanong ng tanong sakin si Andrew. Makikita mo sa kilos atsa mata nya na sobra syang nag alala. Sobrang naguguilty tuloy ako. Hindi nya alam na nagkita kami ni Jansen ngayon. Hindi nya alam na nagkausap na kami at balak na akong bawiin ni Jansen.





Sa oras na kailangan ko ng mamili.. Sino sa kanila ang pipiliin ko?





"andrew.. Ano kasi... Ano.."



Go on kim.. Sabihin mo na!



"ano kasi.. Nagkita kami ni.."





"sino kim? Kanino ka nakipagkita?'





"kay...Mommy."



Wow! Liar! Hindi ko nagawang sabihin sa kanya dahil ayaw ko syang masaktan.





Masaktan? Masasaktan nga ba si andrew sa oras na sabihin ko sa kanya na nagiging okay na ulit kami ni Jansen? Waaaah!!! Ang daming tanong sa isip ko!



"ahhh. Si mommy lang pala kasama mo! Akala ko naman nakidnap ka na!"





Dinadagdagan ko lang ang kasalanan ko sa asawa ko at sa anak ko.-_- ano ba kasing dapat kong gawin?





"ahhm, andrew. Matutulog na ako ha. Pagod na kasi ako eh. Ikaw kasi eh. Haha pinagod mo ko kakalakad."



Hindi ko na sya hinintay pang sumagot dumiretso na agad ako sa kwarto ko at nahiga. Ibang klase tong araw na to. Ginulo ng araw na to ang tahimik kong buhay.













ANDREW'S POV





Pagkaakyat ni kim sa kwarto nya ay umakyat na rin ako sa room ko pero papasok pa lang ako sa room ko ng narinig ko si Kim na nagsalita.





Sakto naman na medyo bukas yung pinto nya kaya sumilip na rin ako. Sorry na, nacurious lang naman eh. Sa pagsilip ko ay nakita ko na may kausap sya sa cp,





"masaya ako na nakasama kita ngayon"





Yung likod lang ni kim ang nakikita ko kasi nakatalikod sya sakin. Ang sweet naman ni Kim sa mommy nya :))







"pero naguguluhan pa rin ako. Isa lang ang alam ko.. Masaya ako kasi nagising ka na. Masaya ako kasi makakasama na ulit kita."









Nagising? Makakasama? Sino ba yung kausap ni Kim?



Hindi kaya si.....









"si jansen ba yang kausap mo?"









Nagulat naman si Kim at naibagsakpa nyayung cellphone.





"h-ha?! Kanina ka pa ba dyan andrew?"





Bigla syang namutla.





"si jansen ba yan?





"a-ano h-hindi no! Paanoko naman makakausap yun eh nasa ospital pa sya"





"then sinong kausap mo ?"







"w-wla! Friend ko lang sige na andrew lumabas ka na sa room ko. Inaantok na ako,"



Nagtalukbong na ngkumotsi kim. Ako naman dumiretso na sa room ko at humiga sa kama.





may mali, alam kong maytinatago si Kim sa akin.



Mukhang dumatingna yung araw na kinatatakutan ko. At mukhang handa na si Jansen na guluhin ang tahimik nabuhay hamin ni Kim, alam ko naman na wala akong panalo dun eh, kasi alam ko sa simula pa lang sya ang mahal ni Kim. At ako? Isang hamak na asawa nya pero hindi naman nya mahal.





Alam ko naman din na pinakikisamahan nya lang ako. Ang sakit lang, ngayon ko kasi narealize kung ano nga ba ako sa buhay ni Kim sa buhay nila ni Jansen.









Isa lang akong panggulo.





Sa totoo lang, matagal ko ng alam na nagising na si Jansen at nag thetherapy na sya. Kasi si jansen na mismo ang nagtetext. Akala kasi ni Jansen si kim ang nakakabasa ng mga texts nya. Hindi nya alam na nagpalit kami ng phone ni Kim.





Binalak ko na talaga na wag ng iparating kay kim ang mga updates kay Jansen. Natatakot kasi ako na....









Magkaroon sila ng pag-asa na magkabalikan.

Akala ko maitatago ko si Kim kay Jansen. Pero mali ako, maling mali dahil tadhana na mismo ang nagtagpo sa kanila. Kahit ano pasigurong hadlang ko, kahit ano pang harang ko. Mukhang hindi ko na matitibag sina Jansen at kim.





Pinilit ko na lang na makatulog ako, ayokong mabaliw. Dahil magiisip pa ako kung paano ko maipaglalaban si Kim.









Kasi...









Ayoko ko syang mawala.















END OF CHAPTER.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon