ANDREW'S POV
Katatapos lang namin kumain ni Kim. Ako ang nag handa ng breakfast ngayon, bumabawi ako sa ilang araw na hindi ako nakapaghanda ng breakfast para sa kanya. Kasalukuyan kaming nagtotoothbrush ngayon.
Ayan. Tapos na haha. Detalyado talaga eh no.
"drew, papasok ka pa? Ang lakas ng ulan oh"
"kailangan eh, ang dami kasing ginagawa ngayon."
Okay na sana eh.. Kung bakit ba naman kasi bumabagyo pa. palibhasa kasi alam ng school administrators na de kotse ang mga estudyante sa university kaya ayan may pasok pa rin kami.
"wag ka na lang pumasok mag movie marathon na lang tayo. Maiintindihan naman yan ng teacher mo eh lakas kaya ng ulan"
"gustuhin ko man, hindi pa rin pwede. Matatambakan nanaman ako ng gawain."
Kinuha ko na yung bag ko. Tsaka ko tiningnan yung sarili ko sa salamin kng gwapo ba ako.
Boogsh!!!
"aray kim! Bakit mo ba ako binabatukan?!"
Binatukan kasi ako ni Kim. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya!
"bakit ka tumitingin pa sa salamin ha?!"
Nakapamewang pa si butete.
"natural! Tinitingnan ko kung ayos yung itsura ko! Ano ba naman yang tanong mo"
"at bakit?! Dahil kapag gwapo ka.. Maraming lalapit sayo na babae! Lalo na ngayon umuulan naghahanap sila ng kayakap!"
Lumapit pa sakin si kim tapos piningot ako.
"aray aray aray!!!!"
"o ikaw ang naghahanap ng kayakap?!! Kaya ayaw mong umabsent kasi naghahanap ka ng kayakap!!!"
"alam mo kim, baliw ka na! Ano ba naman yang mga sinasabi mo? Nag katol ka kagabi no? Kaya ang lakas ng tama mo."
Aalis na sana ako ng bigla nya akong hinala tapos pinaharap nya ako sa kanya.
"bakit nanaman kim?malalate na ako"
Nakakainis talaga tong babae na to.
Nagulat ako sa ginawa nya! Paano ba naman ginulo nya yung buhok ko tapos. Nilukot lukot yung uniform ko tapos pinagaapakan yung sapatos ko!
"kim ano ba!"
"yan.. Para walang lalapit sayo na babae!!! Sige na umalis ka na. At wag kang magtatangka na ayusin ang sarili mo!"
"ano?!! Papasok ako ng ganito ang itsura ko?!!"
"oh bakit may angal ka?"
"wala.. Sabi ko nga eh. Papasok ako ng ganito ang ayos."
Pumasok nga ako ng ganun ang itsura ko. Nagulat nga yung mga classmate ko kasi bakit ganun daw itsura ko mukha daw akong sinalanta ng bagyo. Pero ewan ko, di ko na rin inayos ang sarili ko.Parang ang cute kasi ng ganitong ayos.
Syempre kahit bumabagyo may klase pa rin kami. Madami kaming dapat gawin wala talagang pakundangan ang school na to.
Nag klase kami ng mga 2 oras tapos lunch break na.
"dude! Tara lunch na tayo!"
Sabi ng classmate ko.
"sige dude una ka na! May dadaanan lang ako sa library. Susunod na lang ako."
Naglakad na ako papuntang library. Walang gaanong tao kasi lunch break na. Isosoli ko lang sana yung libro na hiniram ko.
"andrew"
BINABASA MO ANG
BABY ON BOARD
Roman d'amourIsang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Araw-araw. Ang sabi nga ni Kim sa sarili nya ay darating din ang panahon na ikakasal sila ni Jansen at yun ay kapag nakapagtapos na sila ng Pa...