CHAPTER IV PARA KAY KIM

27.5K 299 49
                                    

Si kim --->>









KIM's POV







Inis na inis akong umuwi sa bahay. Paano ba naman si mommy. Nagdesisyon ng di man lang tinatanong yung nararamdaman ko! Okay lang naman sakin kahit hindi ikasal sa kumag na Andrew na yun eh. Makita ko lang sya sukang suka na ako,Mas lalong di ko makakaya na makasama sya habang buhay.









"nakakainis talaga!" pabalibag akong umupo sa sofa namin.







Dahil sa ginawa ko ay napatingin sa akin si mommy.











"kim, mag ingat ka naman sa mga ikinikilos mo. You're pregnant darling. Baka mapano ang baby, kung ganyan ka maupo. Kulang na lang ihagis mo yung sarili mo eh." si mommy.











Mabuti nga yun eh. Para mawala na tong baby na to. Pero hindi ko nagawang sabihin yun, syempre masasampal ako ni mommy.













Naiyak na lang ako bigla. Kainis naman gumana nanaman ang pagiging iyakin ko. Ang sakit sakit lang kasi, bukod sa mag kakaanak na ako sa kumag na andrew na yan. Eh magkakahiwalay pa kami ni Jansen.















"sis, kaya mo yan. I'm here for you." si ate.

















Napayakap ako ng mahigpit kay ate. Pakiramdam ko kasi ang hina hina ko ngayon. Parang aping tunay ako. Feeling ko nga hindi ko kakampi si mommy at si ate lang ang nakakaintindi sakin. Bakit ba kasi nangyari to? Ayoko ng ganitong buhay. Gusto ko na lang mamatay.













"go to your room, Kim. Matulog ka na lang. Masama ang nagpupuyat sa buntis." si mommy. Alam ko naman na dissapointed sya sakin eh. Dahil nga sa nangyari.













"mom, hindi ko to ginusto. Sana naman inisip nyo muna yung nararamdaman ko bago nyo ko ipakasal kay andrew! Hirap na hirap na rin ako!" wala. Di ko na napigilan.













"at bakit?! Sa tingin mo gusto ko rin na nangyari sayo to ha?! Harapin mo to kim. Harapin nyo to ni Andrew. Ayokong mag iba ang tingin sayo ng mga tao! Kaya kung akala mo mag babago ang desisyon ko sa pagpapakasal nyo ni Andrew. Pwes, hindi!"













Hindi na ako sumagot pa. Dahil kilala ko si mommy hindi yan papatinag. Aakyat na sana ako sa kwarto ko ng may marinig akong sumisinghot singhot na parang umiiyak din. Hindi lang pala ako ang nakarinig pati pala sila mommy. Napatingin kami sa may bandang front door, at doon namin nakita ang maid namin....











Umiiyak habang kumakain ng boy bawang.













"anong iniiyak iyak mo ha?!" tanong ni mommy.













"para kasing nasa teleserye ako maam, ang gaganda ng mga linya nyo. Nakakaiyak.huhuhuhuhu" si yaya.









"aba't! Ginawa mo pa kaming mga artista! Pumunta ka nga sa kusina at ipagluto ako! Nagugutom ako!" napasigaw na si mommy.







Buti nga, baliw kasi. Tapos umakyat na ako sa kwarto ko at doon nag isip.











Humiga ako sa kama at wala lang. Nakatingin lang ako sa kisame. At wala akong ibang nakikita kundi ang mukha ni jansen, bumalik lahat ng masasaya naming pinagsamahan.











"Jansen..."











Sa pag bigkas ko ng pangalan nya. Ay tumulo ang luha ko. Mas naramdaman ko yung sakit na nararamdaman ko. Di ko kayang magkahiwalay kami. Ang dami naming pangarap para sa isa't isa. Pero lahat ng yun ay wala na. Hindi na kami sabay na mangangarap. Ni hindi pa nga nya alam na si andrew ang ama ng baby eh. Akala nya sya ang ama. Ayokong makita syang nasasaktan dahil sakin. Ayokong maging dahilan ng paglungkot nya.









"kailangan kong makausap si jansen."











Sinubukan ko syang tawagan pero naka off yung phone nya. Ilang beses pa akong sumubok pero wala pa rin.







Nag text na rin ako sa kanya siguro mga 50 texts na ang naipadala ko. Pero walang reply.





"jansen, ano bang nangyari sayo?" nag aalala na talaga ako para sa kanya.







Nag decide ako na mag computer na lang muna habang naghihintay ng tawag ni jansen. Para naman di ako mainip.









Ang kaso, di nga ako maiinip mabibwisit naman ako. Paano, online ang bwisit na andrew na yan! At wala syang ginawa kundi asarin lang ako ng asarin.







Nakakainis talaga! Bakit ba sa dinami dami ng online sa mundo eh si andrew pa ang kumausap sakin. Malas talaga! Malas! Nag out na lang ako dahil kung patuloy ko syang kakausapin eh mabibwisit lang ako.







Mga 1 hr. siguro akong nakahiga lang sa kama. Bale, 11pm na ng gabi. Pero wala pa ring jansen na tumatawag. Hanggang sa.....







Calling.... Kuya Jairus







Kuya ni Jansen. Bakit kaya?





"hello kuya?"







"hello, kim. Si jansen naaksidente. At malubha sya. Nandito kami ngayon sa Makati med."






Busy tone na ang kasunod.







"jansen...."









Mabilis pa sa alas kwatro na umalis ako ng bahay. Kahit na sobrang lamig eh wala akong pakelam. Ang mahalaga mapuntahan ko si jansen, iyak na ako ng iyak. Ayokong may mangyari na masama sa mahal ko. Wag ngayon, sya na lang ang natitira kong lakas.








Nakarating na ako sa hospital. At nag punta sa kuya ni Jansen.









"kuya"







Yumakap agad ako kay kuya Jairus









"nasa Emergency room pa sya. At inooperahan. Naaksidente sya, umilalim ang kotse nya sa kabanggaan nya. Yuping yupi yung kotse nya, at naapektuhan daw ang ulo ng kapatid ko,"







Damang dama ko diang sakit na nararamdaman nya. Naputol ang pag eemote namin ni kuya ng biglang sabunutan ako ng mommy ni Jansen.







"aray tita! Nasasaktan po ako!"







"mom!stop it!"









Inaawat na di ni kuya jairus si tita jinky. Di ko maintindihan kung bakit nya ako sinabunutan wala naman akong ginagwang masama.











"kulang pa yan sayo! Ikaw ang dahilan kung bakit naaksidente ang anak ko!"









Kitang kita ko sa mga mata ni tita ang matinding galit nya sakin.







"ako po?"









"oo ikaw! Hinanap ko si jansen sa inyo dahil gabi na nga at wala pa sya, at nakwento sakin ng maid nyo na nanggaling nga dun si jansen at nalaman din ng anak ko na buntis ka pero hindi sya ang ama kundi ang ex boyfriend mo, kaya sya nagmadaling umalis! Nasaktan sya sigurado ako kaya hindi na nya alam ang ginagawa nya kaya sya naaksidente! Umalis ka ditong malanding babae ka!!! Umalis ka! Kapag may nangyaring masama sa anak ko di kita mapapatawad!"











Tinutulak tulak ako ni tita jinky. Lalong sumakit ang nararamdaman ko. Lalong gumulo ang sitwasyon.






"tita, mahal ko po si Jansen. Gusto ko po syang makita. Please. Hayaan nyo po akong mag stay"






Halos lumuhod na ako sa harap ni tita Jinky para lang makita ko si Jansen.









"at ano? Para ipamukha mo sa anak ko na may iba kang lalake? No way! Lumayas ka dito! Hindi ka kailangan ng anak ko! Layas! Get out!"









Pinagtutulak na ako ni tita Jinky. Pero si kuya Jairus ay nakapagitan pa rin saamin. Naghihina na ako. Gusto kong makita si jansen kahit ngayon lang. Gusto kong humingi ng tawad at ipaalam sa kanya na sya pa rin ang mahal ko.









"hindi nyo sya kailangang ipagtabuyan dahil aalis na rin si kim. At hindi ko hahayaan na saktan nyo sya!"










"Andrew" nagulat ako sa bigla nyang pagdating. Paano nya nalaman na nandito ako?









Walang salita na hinila ako palabas ni Andrew sa Ospital. Hindu naman gaanong mahigpit ang pagkakahawak nya sa akin pero sapat na iyong dahilan para madala nya ako papalabas ng ospital.







"ano ba?! Bakit ba nakikielam ka ha?! Sino ka ba sa akala mo ha?!!!!! Lalo mo lang pinagugulo ang sitwasyon!" sabi ko kay andrew habang nasa labas kami ng ospital. Actually, sumisigaw na talaga ako kasi hindi ko na mapigilan yung inis na nararamdaman ko.







"sumakay ka na sa kotse. Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na.hinahanap ka na ng mommy mo" di sinagot ni andrew amg tanong ko.







"di ako sasama sayo! At wala kang pakielam sakin! " sigaw ko sakanya.








"may pakielam ako sayo dahil ikaw ang ina ng magiging anak ko! At ayokong sinasaktan ka lang ng kung sino man!" nagulat ako sa sagot ni andrew, this time ay seryoso na ang mukha nya.







"bakit?! Ikaw ang may kasalanan nito! Di kita mahal! Si jansen ang mahal ko!"






Kasabay ng pagtulo ng luha ko ay ang pagbuhos ng ulan, nakikiramay sakin ang langit.







Niyakap ako ni andrew. Oo niyakap nya ako parehas na kaming basa sa ulan.









"wag kang mag alala hindi rin kita mahal. Pero kahit hindi natin mahal ang isa't isa. Pangako ko sayo. Gagawin ko ang makakaya ko maprotektahan ko lang kayo ng baby ko.kaya wag ng matigas ang ulo okay?"







Atsaka ako hinalikan ni andrew sa noo. Aminado ako na kahit sa konting sandali ay nawala ang mga sakit na nararamdaman ko. At dahil yun kay andrew.

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon