CHAPTER XXIX FAREWELL

11.9K 240 107
                                    

Farewell.

KIM'S POV

Makalipas ang isang linggo ay lumabas na rin ako sa ospital. Isang linggo ko na 'ring hindi nakikita si Andrew. Yung isang linggo na yun parang isang taon na para sa akin. Actually, papunta ako ngayon kung saan nakaburol si Andrew. Sabi ng mommy at daddy nya ay huling lamay na daw ngayon.Hinintay lang daw nila na makalabas ako sa ospital para kahit papaano daw ay makita ko si Andrew. Parang hindi ko yata kayang makita si Andrew sa ganoong sitwasyon. Nakikita kaya ako ngayon ni Andrew? Nasaan na kaya sya ngayon? Ano kayang nangyayari sa kanya ngayon? Nagsimula nanamang tumulo ang mga luha ko. Kainis naman kailan ba titigil tong pag-iyak ko? Habang buhay na yata to eh.

"anak, nandito na tayo."-mommy

Inalalayan ako ni Mommy na makalabas ng kotse. Eto na, makikita ko na si Andrew. Pero parang gusto ko na lang umuwi. Parang ayoko na lang na makita si Andrew. Pumasok na kami sa loob. At nakita ko na punong puno ng tao.. Pamilya, kaibigan, teachers, at classmates ni Andrew. Lahat sila natahimik noong pumasok ako. Napako yung tingin ko sa puting kabaong. Nandoon si Andrew, doon sya nakahiga. Sumakit nanaman ang puso ko. Gusti kong isipin na hindi si Andrew ang nasa loob ng kabaong, gusto kong sumigaw at sabihin sa lahat na sobrang sakit na ng nararamdaman ko na anytime ay hihimatayin na ako. Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay nanlambot na ang tuhod ko at hindi na ako makapagsalitansa sobrang lungkot at sakit. Humawak ako sa kamay ni Mommy.

"mommy..hindi ko po kaya."

Hinimas ni Mommy ang likod ko, lumapit naman agad ang mga in-laws ko at inalalayan ako. Pareparehas na kaming umiiyak ngayon. Pareparehas kaming nasasaktan ngayon. Pero parang ako yata ang pinakamahina sa kanilang lahat.

"anak, ito ang huling pagkakataon mo para makita si Andrew. Ito na rin ang huling pagkakataon para masabi mo yung mensahe mo sa kanya. Wag kang mag-alala nasa likod mo lang kami."-daddy ni Andrew

Naglakad ako papalapit sa kabaong ni Andrew. At ito na ang hinihintay kong pagkakataon. Nasa harap ko na ang walang buhay na si Andrew. Wala na akong pakielam kung mukha na akong tanga dito, umiyak ako ng napakalakas, tapos ay niyakap ko ang kabaong ni Andrew. Hindi naman nawala sa likod ko ang pamilya ko. Ilang minuto siguro akong ganoon.. Umiiyak habang nakayakap sa kabaong ni Andrew. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Walang sinabi yung tahi ko sa sakit ng nararamdaman ko ngayon.

Bumalik ang lahat ng mga ala-ala namin ni Andrew noong magkasama pa kami. Lalo tuloy akong nakaramdam ng lungkot.

Naalala ko yung araw noong kasal namin.. Yung pinaka unang kasal namin

"Andrew, naalala mo ba yung una nating kasal? Diba bago tayo ikasal noon nag-aasaran pa tayo. Tapos sabi ko sayo tigilan mo na ako sa pang-aasar mo. At sabi ko pa ayaw na kitang makita kasi peste ka sa buhay ko. Pero ang sabi mo sa akin wala na akong magagawa kasi araw araw na tayong magkikita, tapos sabi mo pa kahit sa pagtae ko makikita kita.. Pero hindi mo naman tinupad eh. Nakakainis ka! Paano pang naging araw araw yun? Eh wala ka na nga. Eto yung huli nating pagkikita. Gumising ka na kasi eh."

Hinawakan ko yung salamin ng kabaong, sa paraang yun parang nahaplos ko na rin yung mukha ni Andrew. Tapos pumikit ako ng napakatagal.. Naalala ko naman yung nagpanggap kami na nurse at janitor sa isang ospital para lang makalapit ako kay Jansen.

"Naalala mo ba yung araw na ayaw kong kumain? Nainis ka na nga noon sa akin eh kasi sobrang tigas ng ulo ko, pero ang sabi mo sa akin tigilan ko na ang pag-arte.Tapos sabi mo pa, handa kang ibigay lahat ng bagay na makapagpapasaya sa akin. Yung mga oanahon na yun si Jansen ang kaligayahan ko.. Kaya naman ang ginawa mo.. Dinala mo ako kay Jansen. Salamat Andrew. Pero, gusto kong malaman mo na hindi na si Jansen ang nagpapasaya sa akin... Kundi ikaw."

Huminga ako ng malalim. Kailangan ko ng bumwelo habang patagal ako ng patagal sa tabi ni Andrew.. Mas lalo kong nararamdaman yung sakit. Bigla ko namang naalala yung Debut ko.

"akala ko dati, nakalimutan mo na yung 18th birthday ko kasi naman hindi mo man lang ako binati. Aaminin ko sayo nagtampo talaga ako kasi naman ikaw eh may pa surprise surprise ka pang nalalaman. Di mo alam kung gaano mo ako napasaya noon. Tapos.. Sabi mo sa akin kahit 65 years old na tayo.. Mag oorganize ka pa rin ng birthday party para sa akin. Ang sweet mo talaga. Pero paano pa mangyayari yun? Eh nandyan ka sa kabaong at nakahiga."

Hinimas naman ni Mommy yung likod ko, at katahimikan lang ang namayani sa buong paligid. Ramdam na ramdam din ang lungkot ng bawat isa sa pagkawala ni Andrew. Mas lalo naman akong napaiyak noong naalala ko yung sitwasyon namin noong balikan ko si Jansen.

"I'm sorry Andrew.. Ang dami kong sinayang na araw. At alam ko na nasaktan kita sa mga araw na yun. Kahit na nasasaktan na kita nandyan ka pa rin para alagaan at protektahan ako. Nandyan ka pa rin para mahalin ako. Sorry kung paulit ulit kong pinapamukha sayo noon na hindi ikaw ang mahal ko kundi si Jansen. Sorry kung araw araw kitang pinagtatabuyan. Pero ngayon, gusto kong ipamukha sayo kung gaano kita mahal. Sobrang late na no? Pero hayaan mo na ako, kahit sa huling sandali.. Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita."

Tumingin muna ako sa mukha ni Andrew, gusto ko syang titigan.. Kasi buhay na buhay sya sa puso ko. Kahit na hindi na sya sumasagot sa mga sinasabi ko, kahit na hindi na sya humihinga, kahit hindi na sya ngumingiti, kahit na nakapikit lang sya..hinding hindi ako magsasawa na kausapin sya.

"naalala ko tuloy noong nag-away tayo tapos nakita kita nasa labas ng bahay.. Natawa ako sayo noon kasi naman madaling araw na nag sasayaw ka pa ng cha-cha sa labas.. Tapos maya maya naman kinanta mo yung 'Walang iba'. Andrew, walang makagagawa ng mga ganoong bagay. Kayang kaya mo akong pangitiin, patawanin at.. Pakiligin. Ibang klase ka talaga.. Kaya mahal na mahal kita eh"

Bumuhos nanaman ang luha ko ng mapatingin ako sa wedding ring na suot ko, habang buhay kong isusuot itong wedding ring na 'to, at kapag sinabi 'kong habang buhay.. Walang anuman o sinoman ang makakapagpatanggal nito sa daliri ko.

"hubby.. Naalala ko noong nagpropose ka sakin.. Kinabahan talaga ako noon kasi ba naman may pulis na humuli sa amin tapos dadalhin lang pala ako sa isang hotel.. At sa hotel na 'yon.. Ay nandoon ka, para magpropose sa akin. Hindi ko inakala na gagawin mo yung mga ganoong bagay. Hinding hindi ko rin makakalimutan noong tinanong mo ako na 'will you marry me.. Again?' kasi pinaramdam mo sa akin noon.. Na kahit sa ikalawang pagkakataon ay ako pa rin ang pipiliin mo.. Na ako pa rin ang gusto mong makasama habang buhay.. At.. Ako ang babeng para sayo. Hanggang sa ikasal tayo.. Hindi ka tumigil na pakiligin ako. Palagi mong pinaparamdam na lagi kang nasa tabi ko at poprotektahan ako.Thank you Andrew."

Niyakap ko ulit ang kabaong ni Andrew at muli akong pumikit.. Inisip ko na yakap yakap din ako ngayon ni Andrew. Sana hindi na lang ako puro pangarap. Sana yakap na lang talaga ako ni Andrew.

"thank you Andrew for saving my life. Promise ko sayo.. Palalakihin 'kong mabait na bata si Andrey. Ibibigay ko lahat ng pangangailangan nya. Mahirap man pero.. Gagawin ko ang makakaya ko para maging nanay at tatay sa kanya. Isa na lang ang hiling ko sayo ngayon Hubby, sana.. Sana.. Bantayan mo pa rin kami ni Andrey. I love you so much"

At sa huling pagkakataon ay hinalikan ko ang kabaong ni Andrew. Ito na rin ang huling araw na makikita ko sya. Pero hindi ito ang huling araw na iiyak ako, hindi rin ito ang huling araw na malulungkot ako. Hindi rin ito ang huling araw na mangungulila ako sa kanya. Kasi habang buhay na syang nasa puso ko. Hinding hindi kita makakalimutan Andrew Barredo.

A/N thanks for reading! I'll post the Epilogue tomorrow! :)) Maraming salamat po!

BABY ON BOARDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon