I love you hubby.. Forever
KIM'S POV
Unti unti akong dumilat.. At sa pag dilat ko ay puting kisame, puting dingding ang nakita ko. Nakita ko rin na iba na ang suot ko. Ang sakit ng katawan ko, at tsaka nasaan si Andrew? Inaasahan ko pa naman na mukha nya ang una kong makikita. Di bale, pupuntahan ko na lang sya mamaya. May ibang oras pa naman para magkita kami eh. Alam ko na magkikita pa kami.. Yung nangyari kahapon? Wala yun. Hindi yun ang huli naming pagkikita.
Lumapit sa akin sina mommy, daddy at ate..
"anak, kamusta na ang pakiramdam mo? Napaaga ng kaunti ang panganganak mo,sabi ng doctor hindi mo daw kakayanin ang normal delivery kaya kailangan kang i-CS"-mommy
"okay naman po ako, nasaan ang baby ko?at.. Nasaan si Andrew?kamusta na sya? Nakita na ba nya yung baby namin?"
Hindi sila agad sumagot.. Nagtitinginan silang tatlo parang nagtuturuan pa sila kung sino ang dapat na sumagot sa tanong ko, bakit sila ganyan? Hindi ako natutuwa sa mga ikinikilos nila. Basta, , alam kong okay si Andrew. Alam kong nagpapagaling lang sya. Baka nga nag-aalala na yun sa akin ngayon. Kailangan talaga naming magkita mamaya.
"ah.. Ano, okay naman si Andrew, nakita na nga nya yung baby nyo eh. Tuwang tuwa sya."-mommy
"talaga po? Mommy. Gusto ko pong makita si Andrew. Dalhin nyo po ako sa kanya."
Tatayo na sana ako ng makaramdam ako ng sakit. Nakalimutan kong may tahi nga pala ako. Gustong gusto ko pa naman syang makita. Kung ganito ang kondisyon ko, siguro pwede ko naman syang tawagan. Marinig ko lang yung boses nya okay na ako doon. Basta ang alam ko ligtas na sya. Kaya dapat makarecover na agad ako para naman maalagaan ko na sya.
"anak, wag ka munang tumayo sariwa pa yung tahi mo, atsaka wag ka muna gaanong magsalita."-daddy
"goodafternoon po, nandito na po si Baby Boy Barredo"
Pumasok ang isang nurse, dala dala nya yung baby ko. May naramdaman akong kakaiba Nung ibinigay nya sa akin yung baby, kamukhang kamukha sya ni Andrew. Hindi ako makapaniwala na karga ko na ngayon ang baby ko na pinaghirapan kong dalhin sa loob ng syam na buwan. Hindi rin ako makapaniwala na galing sya sa akin. Ganito pala ang feeling.. Ang sarap sa pakiramdam.
"hello.. Andrey.. Ako ito si Mommy Kim, kamukhang kamukha mo ang daddy mo. Sabi sa akin ng lola mo, nagkita na raw kayo ng daddy mo. Sigurado akong tuwang tuwa yun nung makita ka. Ang tagal kaya naming naghintay sa pagdating mo."
Umiyak si Andrey.. Hindi ko naman sya kayang patahimikin dahil sa hindi pa ako makakilos ng mabuti kaya kinuha muna sya ni Ate. Walang nagsasalita ni isa sa kanila parang may mga problema silang lahat. Di ba dapat masaya kami? Kasi dumating na si Baby Andrey pero bakit ganito ang ikinikilos nila? Para silang mga namatayan. Basta ako, masaya ako sa pagdating ng anak ko. Masaya ako na kumpleto na kami. Ako, si andrew at si Andrey. Ang sarap siguro sa pakiramdam ng may naglalambing at tumatawag sayo na mommy.
"anak, matulog ka na muna.. Kami na ang bahala kay Andrey. Magpagaling ka para magkita na kayo ni Andrew."-mommy.
Sinunod ko naman ang utos ng mommy ko, pumikit ako. Pero hindi ako dinadalaw ng antok.. Gustong gusto ko na talagang makita si Andrew. Ano na kayang ginagawa nya ngayon? Siguro namimiss na rin ako nun. Kaya lang naalala ko yung itsura nya kahapon.. Puro sugat sya, tapos ay nabaril pa sya ng dahil sa akin. Siguro hindi pa rin sya makatayo kaya hindi nya pa rin ako napupuntahan dito. Sa oras talaga na makarecover na ako, pupuntahan ko agad si Andrew. Gusto kong magpasalamat sa kanya at syempre gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal.
"kailan ba natin sasabihin kay Kim ang totoo? Niloloko na natin sya eh."
Narinig kong nagsalita si daddy. Akala kasi nila ay natutulog pa rin ako.
"tumigil ka nga dyan baka marinig ka ng anak mo."-mommy
"mommy, tama si daddy.. Sabihin na natin kay Kim ang totoo."-ate
"at ano? Para masaktan sya? Sasabihin naman natin ang totoo eh. Kapag nakarecover na sya."-mommy
"masasaktan at masasaktan pa rin si Kim. Ano ba kasing gusto mong maging reaksyon nya? Magtatalon sa tuwa dahil wala na ang asawa nya?"-daddy
Napadilat ako sa mga narinig ko.. Hindi pala panaginip ang lahat.. Totoo ang lahat ng ito. Ayaw mag sink in sa isip at sa puso ko na wala na si Andrew, na patay na sya. Ayaw kong tanggapin na hindi ko na sya muling makikita pa, ayaw ko ring tanggapin na hindi ko na sya mayayakap pa. Bakit kung kailang masaya na kami tsaka pa sya nawala? Ang sakit sakit lang eh. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula, paano na kami ngayon ni Andrey? Ang daya ni Andrew. Ang daya nya..Sobra.
"anong sinasabi nyo? Hindi pa patay si Andrew! Hindi nya kami kayang iwan ni Andrey..bawiin nyo yung sinabi nyo. "
Lumapit sa akin sina mommy,daddy at ate. Niyakap ako ni mommy.. Yakap na sobrang higpit.
"anak, I'm sorry.. Walang may gusto ng nangyari.Pero ito ang totoo kailangan mong magpakatatag para kay Andrey."
"hindi! Hindi yan totoo! Nasaan ba si Andrew?! Pupuntahan ko sya! Gusto ko syang makita! Tinatago nyo lang sya sa akin eh! Please.. Ipakita nyo sakin si Andrew. Parang awa nyo na mommy,daddy.."
"anak, dahan dahan.. Hindi mo pa kayang kumilos."-daddy
Niyakap din ako ng mahigpit ni daddy habang patuloy ang pag iyak ko. Tagos hanggang dibdib yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi pumasok sa isip ko na mangyayari sa amin to ni Andrew. Palagi kong pianpangarap na tatanda kaming magkasama ni Andrew. Na habang buhay naming mamahalin ang isa't isa. Pero bakit parang napakabilis naman yata ng pangyayari? Bakit ang binawi na sya agad sa akin? Sa amin ni baby Andrey? paano ko ngayon palalakihin si Andrey? Hindi ko kaya ang lahat ng 'to.. Kailangan kita Andrew.
"dead on arrival si Andrew. Wag kang mag-alala kim.. Nandito naman kami para sayo eh at.. Gagawin namin ang lahat para mahuli si Barbi"-ate
Hindi na ako nagsalita pa,wala na akong pakielam kay Barbi. Kung mahuli man sya ng mga pulis. Isa lang ang ang alam ko ngayon.. Wala na si Andrew. Wala na yung taong mahal na mahal ko. Hindi na ako makahinga sa sobrang sakit. Gusto kong umiiyak ng umiiyak hanggang sa mawala ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko man lang sya nakita kahit na sa huling sandali. Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya, gusto kong sabihin sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Gusto kong isigaw sa buong mundo kung gaano ako kaswerte na sya ang naging asawa ko, gusto ko syang halikan sa paraang mapapadama ko ang pagmamahal ko sa kanya. Gusto ko pang iparamdam sa kanya yung pag-aalaga ko na hindi ko naman nagawa habang magkasama pa kami. Gusto kong maging masaya sya sa piling ko. Lahat... Lahat ng makakapagpagaan ng loob nya gagawin ko. Nasa huli talaga ang pagsisisi. Ang dami kong sinayang na araw noong nabubuhay pa si Andrew. Mas pinili ko syang saktan at samahan si Jansen. Ang dami kong pangarap para sa aming dalawa, ang dami ding lugar na gusto kong puntahan kasama sya. Ang dami kong gustong gawin at gusto ko sya pa rin ang kasama ko. Akala ko pa noon nagbibiro lang si Andrew noong sabihin nya na handa syang ibigay ang lahat pati buhay nya maprotektahan nya lang kami ni Andrey. Eto na ang kasagutan, binigay na nya yung buhay nya para sa amin ng anak nya. Bwisit lang, puro pasakit na lang ang naibigay ko sa kanya. Puro sama na lang ng loob ang nakukuha nya mula sa akin. Sana, sinulit ko yung mga panahon na magkasama pa kami, sana hindi ko sya sinaktan, sana inalis ko si Jansen sa buhay namin, sana ginampanan ko yung responsibilidad ko bilang asawa nya, sana inalagaan ko sya, sana nasabi ko sa kanya na mahal na mahal ko sya, sana kahit isang saglit nabigyan ako ng pagkakataon na itama ang mga kamalian ko at sana.. hindi na lang nangyari to. Puro sana, pero may magagawa pa ba ako? Wala na. Wala ng pag-asa. Kailangan kong tanggapin na wala na si Andrew. Kahit mahirap, kailangan kong gawin.
Maghapon lang akong nakatulala. Maghapon ding hindi ako kumain. Siguro kung buhay pa si Andrew.. Nandito sya ngayon sa tabi ko, tapos magagalit yun kasi hindi ako kumakain. Kung nandito pa si Andrew, siguro tuwang tuwa yun sa pagdating ni Andrey siguro karga nya ngayon yung anak namin. Kung nandito pa si Andrew siguro nagkekwentuhan kami ngayon at nagtatawanan. Kung nandito pa si Andrew siguro hindi ko gaanong mararamdaman yung sakit ng tahi ko. Kung nandito si andrew hindi ako iiyak ng iiyak, katulad ng ginagawa ko ngayon. Siguro kung nandito pa si Andrew hindi ako nasasaktan ngayon, Siguro kung nandito pa si Andrew hindi ako malulungkot. Nakaramdam ako bigla ng antok, Sana.. Kahit sa panaginip dalawin mo ako Andrew. I love you so Much.. I love you Hubby..Forever
BINABASA MO ANG
BABY ON BOARD
RomanceIsang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Araw-araw. Ang sabi nga ni Kim sa sarili nya ay darating din ang panahon na ikakasal sila ni Jansen at yun ay kapag nakapagtapos na sila ng Pa...