Chapter 23

50K 1.9K 1.6K
                                    

Negative




Nakipaglaban ako ng tingin kay Hunter. Nagbabakasakaling may makitang pagsisisi sa kanyang mukha dahil sa sinabi niya.

Mas lalo akong nanlumo ng mapatunayan kong he's decision is firm. Halos manlabo ang aking paningin dahil sa luhang unti-unting namuo sa aking mga mata.

"B-bakit? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang lahat, sa isang iglap ay naging ganito siya sa akin...sa amin ng baby namin.

Hindi siya nagsalita, nanatili ang tingin niya sa akin, mas lalo kong nakita ang mga sugat at pasa sa mukha niya na para bang nakipag-away talaga siya.

Kanino?

"Let's do a paternity test," sabi pa niya kaya naman hindi ko na napigilan at may lumabas ng hikbi mula sa aking bibig.

Pagak ako natawa at kaagad na nag-iwas ng tingin sa kanya. Wala sa sarili akong napahawak sa sinapupunan ko. Itinatanggi ba niya ang anak namin?

"W-wala akong iba..." sabi ko at pumiyok pa.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman. Naghalo-halo na sila, hindi ko alam kung anong uunahin ko.

Napuno ng luha ang aking mga mata ng muli kong ibalik kay Hunter ang tingin ko.

Marahan akong tumango sa kanya. Iniwan na ako ng lahat, si Mommy...si Daddy, hindi ko kakayanin na pati si Hunter mawala sa akin...mawala sa amin.

"P-payag ako. Pero..." sandaling nahinto ang sasabihin ko dahil sa bigat ng dibdib ko, may kung anong malaking bagay ang bumara sa lalamunan ko dahilan para mahirapan akong magsalita.

"P-pero...bakit mo ginagawa 'to, Hunter? Bakit mo ginagawa sa amin 'to?" tanong ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang pag guhit ng sakit sa dibdib ko. Hindi lang ako nasasaktan para sa sarili ko, nasasaktan din ako para sa baby ko.

Nakita ko ang bayolenteng pagbaba ng adams apple niya bago siya mariing napapikit at napabuntong hininga.

"Dahil gusto kong patunayan sa lahat na akin talaga 'yan, Ahtisia. Na anak natin 'yan," giit niya.

Hindi ako nakapagsalita, hindi ko talaga maintindihan.

"Anak natin 'to," giit ko.

Tumikhim siya. "Kung ganoon, wala dapat kaso kung gagawin nga natin 'yon," sabi niya sa akin kaya naman hindi na talaga ako nakapagsalita pa.

Nilabanan ko ang tingin niya sa akin. "Pag dumating ang araw...ayokong malaman 'to ng baby ko," sabi ko sa kanya.

Hindi niya deserve na pagdudahan siya, pero dahil kailangan ni Hunter ng ebidensya, ibibigay ko sa kanya 'yon.

Imbes na mag-stay sa kanya ay bumalik na lang ako pauwi sa amin. Lumilipad ang isip ko sa kung saan, na para bang sa isang iglap ay hindi ko na kilala si Hunter.

Siya ang pinaka-kailangan ko sa oras na 'to, pero pati siya ay unti-unting nawawala sa akin.

Imbes na magmukmok ay inipon ko ang lahat ng lakas ko para ipagpatuloy ang sumunod na araw, hindi ako pwedeng maging mahina lalo na't...ako na lang mag-isa, kami na lang ng baby ko.

"Takutin niyo...gawin niyo ang lahat," giit ni Mommy habang nasa hapagkainan kaming dalawa ng sumunod na araw.

Kahit walang gana ay pinilit kong kumain, kahit wala sa sarili ay pinilit kong umakto na parang normal lang ang lahat kahit hindi.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon