Backseat
Naka-ramdam ako ng guilt about it. Ramdam ko ang lungkot sa boses niya pero she still manage to smile at me na para bang ayos lang sa kanya 'yon kahit hindi.
"Hindi kita iniiwasan," giit ko.
Mariin akong napapikit ng hindi na siya nagsalita pa. Mukhang pinal na ang sinabi niya na ayos lang sa kanya na ganito kami.
"Ahtisia..." tawag ko sana sa kanya after ng meeting pero mabilis ang kilos niya at kaagad na lumabas ng classroom.
Hindi ko na din naman nagawa pang habulin siya dahil hinarang na ako ng mga kaklase ko para sa sarili naming meeting. Ramdam ko ang guilt dahil sa naging reaction ni Ahtisia sa halos ilang araw na hindi ko din maintindihan ang sarili ko.
I like her pero something is pulling me back na gustong dahan dahanin muna ang lahat sa amin. Kung kailan unti-unti na siyang nagiging palagay sa akin ay tsaka naman ako nakaramdam ng ganito.
Halos magulo pa din ang isip ko ng mga sumunod na araw. Hindi pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Ahtisia, ang lungkot sa boses at mukha niya ng sabihin niyang ayos lang kahit hindi.
Pakiramdam ko ay wala din akong pinagkaiba sa mga nag-judge sa kanya even without knowing her part.
"Hunter, ayos ka lang ba pare?" tanong ng mga kaibigan ko ng wala din ako sa kondisyon para sa basketball practice namin. Tamad kong dinribble ang bola habang naghihintay sa pagsisimula ng game namin.
Umingay lalo ang court ng pumasok ang isang section ng freshmen. Tumaas kahit papaano ang energy ko ng makita kong section nila Ahtisia 'yon. Grupo grupo kung pumasok ang mga kaklase niya habang mag-isa siyang naglakad papasok suot ang P.E. uniform nila.
Nakasukbit ang bag niya sa kabilang balikat, may hawak na handouts sa kanang kamay at sa kaliwa naman ang kulay asul niyang aquaflask. Diretso ang tingin niya sa hilera ng bench para maghanap ng mauupuan niya. Ni hindi man lang lumingon sa kahit saan.
"Hunter, umupo ka muna. Tulog ka pa ata," sita ni coach sa akin ng wala akong nagawang tama sa loob ng court.
Imbes na ma-inis dahil sa pagpapa-upo niya sa akin ay mas nagpasalamat pa ako. Wala talaga ako sa mood na maglaro ngayon kaya naman kahit anong gawin ko ay hindi talaga gaganda ang laro ko.
Habang nasa bench ay hindi ko naiwasang pagmasdan siya. Malayo sa mga kaklase ay tahimik siya habang nagbabasa ng notes. Sandali lang akong nalingat ng kausapin ng ilang mga kaklase hanggang sa magulat ako ng muli akong tumingin sa gawi niya ay wala na akong nakitang Ahtisia.
"Restroom lang," paalam ko sa mga kaibigan ko.
"Hahanap ka lang chicks..." pang-aasar nila sa akin kaya naman inirapan ko sila at pabirong sinuntok sa braso.
Imbes na restroom ang punta ko ay lalabas lang talaga ako para hanapin si Ahtisia. There is something inside me na gustong hanapin siya. Kagaya ng dati ay muntik na sana akong mawalan ng pag-asa na mahanap siya hanggang sa mapunta ako sa likod ng court.
"Until when? Magkaaway nanaman po kayo ni Mommy kaya hindi ka po uuwi?" umiiyak na tanong niya sa kausap niya sa phone.
Napahinto ako nang marinig ko ang iyak niya. Kita din sa pag-alog ng balikat niya.
"Palagi na lang po kayong nag-aaway," umiiyak na sabi pa niya dito.
"Hindi po ako uuwi...ayoko din po," giit niya dito bago humikbi at pinatay ang tawag.
Mahigpit niyang niyakap ang bag niya bago siya umayos ng tayo. Marahas niyang pinahiran ang luha sa kanyang mga mata at ganoon na lang ang gulat ng makita niya ako.
BINABASA MO ANG
A Dream that never came (Sequel #4)
RomanceI was a dreamer before you went and let me down 🎶 Photo reference from Pinterest.