Epilogue

65.9K 2.6K 685
                                    

Reality








Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko. Natigil lamang ang pagtataka ko kung anong lugar 'yon ng kaagad na bumungad sa aking harapan ang mukha ng aking pinsan na si Piero.

"Hindi San Pedro ang pangalan ko," nakangising sabi niya sa akin.

Mariin akong naapikit, alam ko na kaagad kung nasaan ako...nasa hospital nanaman. Mukhang alam na kasi niya kung ano nanaman ang itatanong ko. Halos saksi si Piero sa bawat pag-gising ko sa hospital sa tuwing napupunta ako dito.

"Ano nanaman ang nangyari?" tanong ko sa kanya. Nanatili akong naka-pikit habang marahang hinihilot ang aking sintido.

"Kami ang dapat magtanong niyan sa 'yo. Anong nangyari?" balik niya sa akin.

Bago pa man ako magsalita ay naramdaman kong may tumabi sa kanya sa pagtayo sa gilid ng hospital bed kung saan ako nakahiga.

Seryoso ang tingin ni Kuya Hob sa akin. Bago siya magsalita ay sandali niya munang pinagmasdan ang aking kabuuan.

"Alam na ni Mommy," bungad niya kaya naman pakiramdam ko ay mas lalong sumakit ang ulo ko.

"Paano?"

"Sinubukan ka niyang gisingin kagabi. Ang hirap mong gisingin...normal na ba 'yan sa 'yo? Kasi para sa amin hindi," giit ni Kuya Hob.

"Mukhang ganoon nga minsan," sagot ko sa kanya.

Tumikhim ito at hindi na muli pang naka-imik. Naging ma-ingay ang loob ng kwarto nang dumating sina Mommy at Daddy. Umiiyak kaagad si Mommy pagkapasok, samantalang galit naman si Daddy sa hindi ko malamang dahilan.

"Nag-away si Tito Seb at Tito Luke. Hala ka, wala kang mamamana na Mall," seryosong sabi ni Piero sa akin.

Buong akala ko ay seryosong bagay ang ibubulong niya sa akin, kaagad ko siyang siniko palayo nang marinig ko ang tungkol nanaman sa mana. Pakiramdam at ani Piero ay anak siya ng lahat, hind inga namin ma-intindihan kung bakit umaasa siyang may mamanahin siyang sasakyan kay Tito Axus, e...pamangking lang naman siya.

Umiiyak si Mommy sa akin, halos 'yon lang ang ginawa niya sa halos unang ilang minuto. Ginawa ko ang lahat ng pwede kong gawin, sinabi ko na din lahat ng pwede kong sabihin. I assure her na ayos lang ako, na magaling na ako para lang hindi na siya mag-alala pa.

"Kamusta ang pinsan mo, Kenzo?" tanong niya dito pagkapasok na pagkapasok pa lang niya sa kwarto.

Bago sagutin si Mommy ay nakita ko ang makahulugang tingin niya sa akin. Na para bang humihingi siya ng permiso, kung sasabihin ba niya o hindi. Halos magkasabay kaming umiling ni Kuya Hob. Mommy can't take it.

Ipinaliwanag ni Kenzo ang lahat sa mas magaang paraan. But it doesn't change the fact na alam na ng parents ko ang ginawa sa akin ni Everette.

"Hindi sinabi sa akin ng Tito Luke niyo 'to? At bakit niya kayo isasali sa ganito kadelikadong bagay? Hindi ba siya nag-iisip?" galit na tanong ni Daddy.

Mas lalo kong napatunayan na tama nga ang sinabi ni Piero na magkaaway sila ni Tito Luke ngayon.

"Are you sure, Hunter? Please wag ka na maglihim sa akin. Kung may nararamdaman ka pa din...let's go to US. Magpapagamot tayo...please, anak. Hindi ako mapapakali," paki-usap ni Mommy.

"I'm fine, Mom. I assure you...hindi ako mawawala sa inyo," sabi ko sa kanya. Dahil sa pinili kong mga salita ay mas lalo siyang na-iyak.

Dahil sa nangyari ay halos gusto akong lapitan ni Kuya Hob at batukan.

A Dream that never came (Sequel #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon